Chapter 1

68 1 2
                                    

Excited na Excited nako sa date namin ni Trino. first monthsary kasi namin ngayon, nakalimutan niya pa nga eh kaso pina-ala ala ko. "Kring kring kring!" Napatalon ako sa gulat ng biglang tumunog yung cellphone ko na nakalagay sa kama. Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni trino sa screen ng phone ko, kaya agad agad ko itong sinagot.

"Hello?" Nakangiti kong sabi habang hawak hawak ko ang phone ko, kinikilig talaga ako kapag kausap ko siya Shems!

"Ah... kasi... pwede bang sa SM north nalang tayo magkita? May sasabihin lang naman ako sayo" sabi niya saakin.

Bakit kaya sa SM north kami mag de-date siguro may surprise siya sakin Excited na talaga ako
"Ah... sige. Magkita nalang tayo dun. Ilove you Babe" Sabi ko kay trino. Kinikilig na talaga ako hehe.

"Sige, ikaw rin kaith" sabi niya sakin, biglang nanlumo ang mukha ko kasi hindi siya ng ilove you too sakin pero okay lang sakin yun,

Anong oras naba?! Gosh! Nasobrahan na ata ako sa pagpapaganda baka hinihintay nako ni trino dun

"Manong Inoy" tinawag ko manong inoy para ihatid ako sa SM north, medyo malayo kasi pag nag commute ako.

"Bakit po ma'am kaith?" Tanong sakin ni Manong inoy.

Nginitian ko muna si Manong bago ko siya sagutin "Paki hatid po ako sa SM North manong" sabi ko kay manong inoy habang nakangiti sakanya.

"Aba. Ma'am kaith mukhang maganda po ata ang araw niyo ah?" Sabi sakin ni manong habang papasok na kami ng sasakyan.

"Ay. Oho manong. May date po kasi kami ni Trino eh" Nakangiti kong sabi kay manong.

May pagka tsismoso din tong si Manong eh. Haha.

Nakasilip ako sa may bintana ng kotse ko, medyo kinakabahan talaga ako ngayon

"Ma'am kaith andito na ho tayo" Sabi sakin ni manong kaya bumaba nako

"Manong inoy wag niyo na ho ako sunduin, ihahatod nalang po siguro ako ni trino sa bahay. Salamat po manong, ingat po kayo" sabi ko kay manong habang nakangiti sakanya
"Sige ho ma'am kaith, ingat din po kayo ni sir Trino paguwi" sabi ni manong sakin, kaya naglakad nako papuntang loob ng SM

Ang ganda parin talaga ng SM north. Nasan na kaya si Trino? Sabi niya sa Greenwhich kami magkikita pero wala naman siya dito, siguro ay natraffic lang yun

Umupo ako sa may malapit sa Entrance ng Greenwhich para madali niya akong makita

"Miss?" Sabi ng waiter sakin kaya bigla kong tinaas ang kilay kong isa, akala ko si trino

"Yes?" Sabi ko sakanya habang nakakunot ang noo ko

"Hindi po ba kayo mag oorder? Kanina papo kasi kayo nandito eh" sabi niya sakin, aba bwiset to ah. Nakita na nga niya akong naka upo pa malamang hindi pako oorder. Pero sabi ko lang sa isip ko yun

"May hinihintay pa kasi ako eh, kung bawal mahintay dito dun muna ako sa labas" nakangiti kong sagot kay kuyang waiter.

"Ay wag na po ma'am, dito nalang ho muna kayo" sabi niya habang nakangiti, mabait din pala tong si kuyang waiter.

"Pakikuha nalang ho ako ng tubig kuya" sabi ko sakanya, kanina pa kasi ako naghihintay siguro mga mahigit 30mins. Na ko naghihintay dito ang tagal kadi ni Trino eh.

"sige po ma'am" sabi sakin ni kuyang waiter habang nakangiti sakin

ngayon ko lang napansin ang Gwapo pala nung waiter nayun ang bait pa, Aaminin ko na mas gwapo pa si kuyang waiter kay Trino.

"Ma'am heto na po yung tubig" nakangiting sabi sakin ni kuyang waiter

Biglang nahagip ng mata ko si Trino na papunta dito kaya tumayo ako para lapitan siya pero.... biglang may babaeng lumapit sakanya at sumama papunta dito.. bigla akong nanghina parang nanginginig yung tuhod ko, yuyuko na sana ako kaso bigla akong tinawag ni Trino

"Kaith.." sabi sakin ni trino kasama yung babae, grabe naman yung suot ng babae parang hahalayin kung makapag ikli ng short halos kita na yung kuyukot, si trino naman naka Polo at pantalon lang siya kasama yung linta kung makahawak sakanya kala mo mawawala

"a-andito kana p-pala, kanina pakita hinihintay..." nayukong sabi ko

"Hi, kaithris right?" Sabi sakin nung linta habang nakahawak patin kay Trino. Grrr.

"O-oo" ayan yung lumabas sa bibig ko

"Girlfriend ko nga pala kaith..." sabi ni trino sakin kaya parang nawasak yung mundo ko, naramdaman ko nalang na umiiyak na pala ako pero kakayanin kong hindi umiyak para hindi ako magmukhang mahina sa harap nila

Iniangat ko ang ulo ko at nag salita na "you mean babaeng kabigan?" Sabi ko kay trino

"No--" pinutol ko ang sasabihin niya at ńag salita nako "so, katulong mo siya, Trino?" Sabi ko habańg nakangisi




My Secret LoveWhere stories live. Discover now