Chapter 6

16 0 0
                                    

Bakit niya kasama si Althea? Magkakilala naba talaga sila simula ng magkakilala kami ni Kurt? Aish! Bakit ko ba 'to iniisip, eh hindi naman kami ni Kurt. Hayaan na nga lang, pero... nacu-curious na talaga ako!

"Hi Kaithris!" Nakangising sabi sakin ni Althea

Wow?! Talaga lang? Plastic tch! Pasikat kay Kurt, Aish!

"H-hello Althea" Naka-pekeng ngiting sabi ko sakanya

Nauutal ako pag-kausap ko siya, parang may something talaga sakanila ni Kurt eh. Hmmm... Aha! Siguro Ex siya ni Kurt tapos nakikipag-balikan si Althea kay Kurt pero... ayaw ni kurt! Kaya lumalayo siya kay Althea. Haha. Alam ko na kung bakit niya pinapalayo sakin si Kurt. Okay.. hehe. Baka mali lang tong iniisip ko baka hindi niya ex si Althea, hayaan na nga.

-----

"Uhmm.. Kaith, eto na yung notebook na hiniram ko" Nakangiting sabi saakin ni Kurt

Shet!! Wag kang tumitig ng ganyan! Baka mahalikan kita. Huhu.

"Kaith? Eto na yung notebook oh"

Oo nga pala! Tss. Kung ano ano iniisip ko nubayan! "Ay oo nga hehe. Salamat" nakangiting sabi ko sakanya. Ako yata ang maiin-love sakanya hindi siya. Aish. Hindi pwede, kaith! Paniguradong lagot ka kay Althea, pero... bat ako matatakot kay Althea? Aish! Never mind.

"May problema kaba? Mukhang kanina kapa nakatulala at... nakatitig sakin. May dumi ba sa mukha ko?" Sabi niya

OMYGOSH!! Napansin niya palang nakatitig ako sakanya! Aish! Anubayan, kaith! Umayos kanga!

"Ah.. hehe.. wala nagagandahan lang kasi ako sa mga mata mo eh" Sabi ko sakanya. Bwiset! Mali ata yung rasom ko, mukhang nagulat siya!

Lumapit siya sakin halos isang tulak nalang ng kaklase namin magki-kiss nakami -///- Letse wag naman ganyan "Ah.. eh.. Kurt layo-layo ng konti... mainit masyado hehe.." sabi ko habang hindi nakatingin sakanyang mapupungay na mga mata

Ngumisi muna siya sakin bago nag-salita "Akala ko ba maganda yung mga mata ko? Bat ngayon ayaw mo ng titigan?" Naka-ngisi niyang sabi.

Huhu enebe! Neheheye eke eh. Weg ke nemen genyen! "Joke joke lang yun! Masyado ka namang feeling!" Sabi ko

"Talaga? Kung kailan binibigyan kita ng Chance titigan yung mata ko, ayaw mo naman. Tss" sabi niya

Eh kese nge neheheye eke enebe! "Heh! Umayos ka nga! Baka madaming magalit sakin na mga fans mo tapos papadalhan ako ng mga sulat na hindi maganda tapos bu-bullyhin nila ako dahil sayo tapos hindi ako makaka-pag aral kasi lagi na nila akong bubully-hin kaya-"

*tsup*

OMG!! "Bakit mo ginawa yun? Pano kung merong makakita satin tapos kung ano-ano sasabihin gagawan pa ako ng issue dahil say-"

*tsup*

Tangina ha?! Nakakailan nato? "First kiss ko yun! Hmm.. second kiss na pala! chansing ka ng chansing kung ipa-guidance kaya kita? Ha? Nang matanggal kana dito!!" Galit na sabi ko, syempre kunwaring galit mag papa-choosy muna ako haha. First kiss ko talaga yun dahil kahit kailan hindi ko hinahalikan si Trino kahit nung kami pa! Hindi ko kasi ma ano yung hininga niya kaya ganern.

"Ang daldal mo kasi" Tumatawang sabi niya

"Ipa-guidance mo, hindi naman ako papa-alisin dito eh" naka-ngising sabi niya

"Heh! Bastos! Kadiri ka parin!"

"Gusto mo pa?" Tumatawang sabi niya

Oo! Oo! Gusto ko pa.

"Yuck! Magtigil ka nga!" Uminit bigla ang pisngi ko dahil sa sinabi niya

Bad ka! Bad ka Kurt!

"Tawagin mo lang ako pag gusto mo pa.. o baka hindi na halik gusto mo?" Tumatawang sabi niya

Puta ka! Hindi ako ganung babae 'no kahit gwapo pa siya "Never kitang tatawagin at never ako magpapa-kama sayo kahit... GWAPO KA PA!" Pasigaw na sabi ko sakanya

"Oops! wala akong sinasabing ika-kama kita, assuming ka. Kahit kailan hindi ako magkakama ng BUNGANGERA" Tumatawang sabi niya

Bungangera ba ako? Tss. ''Tseh!" Sinabi ko habang papa-alis na ako

"Kring...kring...kring..."

Nagulat ako may tumawag kaya agad agad ko itong sinagot

[ "Hello?" ]

[ "Hello. Kaithris Hope Fortaleza, right?" ]

[ "Yes, ako nga. Ano ho'ng kailangan niyo, saakin?" ]

[ "Actually kailangan mong pumunta ng Hospita ngayon" ]

[ "What?! Sinong na-aksidente? kapatid ko? Mama ko? Papa ko? Sino?!" ] Iritadong sagot ko

[ "Easy Ms. Fortaleza, Konting injury lang ang natamo ng kapatid mo pero... yung mama at papa mo ay matindi ang natamo nila dahil sa car accident so... hanggang ngayon ginagamot parin sila..." ]

Tumulo na kagad ang luha ko sa mga narinig ko hindi pwede to! [ "Nasaang Hospital sila?" ] tanong ko

[ "Sa St. Bernard Hospital" ]

Tumutulo ang mga luha ko habang nag-hihintay ng taxi. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sakin kapag nawala si Mama at Papa.. hindi ko kaya!

"Psst."

Nakarinig ako ng kotseng naka-hinto sa harap ko pero hindi ko ito pinansin dahil iyak nako ng iyak

"Kaith? Bakit ka umiiyak?" Narinig ko ang tanong niya pero hindi ko ito pinansin

Hanggang sa makalapit siya saakin at iniangat niya ang baba ko para magkatingina kami

"Anong problema? Bakit ka umiiyak? May nang-away ba sayo? Ha, Kaith?" Halatang sa kanyang boses ang pag-alala

"Si Mama at si Papa! Pati narin yung kapatid ko! May tumawag saking doctor... Na aksidente daw sila, konti lang ang natamo ng kapatid ko pero si Mama at Papa! Hanggang ngayon ginagamot parin sila ng mga doctor... kaya ako nandito para maghintay ng taxi... kaso wala paring dumadaan" Lumakas lalo ang paghikbi ko at pag iyak ko sa sinabi ko

"Sumabay kana sakin muna..."

"Talaga?" Nagliwanag kagad ang mga mata ko sa sinabi niya

"Oo. Saan ba yung hospital para makita ko narin sila Tita..."

"Sa St. Bernard sila naka-confine" sabi ko habang nakatingin sakanya

--------Hospital--------

"Nurse saan po yung room nila Kristina Fortaleza at Anthony Fortaleza?" Nagmamadaling tanong ko sa nurse pero hindi niya ako pinansin dahil nakatitig siya kay Kurt tss. Lande.

"Nurse?" Tanong ko ulit

"Ay! Sorry po ma'am kayo po ba ang kamag-anak ni Mrs. And Mr. Fortaleza?" Tanong ng Nurse

"Oo anong number ng room nila?" Tanong ko ulit

"Sa 3rd floor po, Number 158 po yung room ma'am and sir." Nakangiting sagot ni ateng nurse kaya agad na kaming pumunta sa room nila mama mamaya ko nalang pupuntahan yung kapatid ko, okay lang naman siguro yun, ang importante si mama at papa.

My Secret LoveWhere stories live. Discover now