Andito kami ngayon ni Kurt sa hospital hinihintay nalang namin lumabas yung doctor para sabihin kung maayos na ang kundisyon ni Mama at papa
"Uhm.. nagugutom kana ba? Gusto mo bumili muna ako ng pagkain para makakain muna tayo.." sabi niya habang nakatitig saking mga mata
Napagod ako sa kakaiyak kanina kaya naramdaman ko na rin ang gutom "Sige... salamat" sabi ko habang nakatingin sakanya
Siguro pugtong pugto na 'tong mga mata ko dahil sa kakaiyak ko buti nalang at kino-comfort niya ako kaya tumigil narin ako dahil napagod narin siguro yung mga mata ko kakaiyak
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto nila mama at papa kaya agad agad akong pumunta sa doctor para tanungin kung may pag babago ba "Doc, kamusta na po sila Mama at Papa? May improvement po ba?" Tanong ko sa doctor
Bakit ganun? Parang hindi siya makapag-salita? Anong bang nangyare?! "Doc! Ano po bang nangyare, ha?!" Pasigaw na tanong ko sa doctor
"Sorry Ms. Fortaleza... hindi na kinaya ni Mr. Fortaleza kaya bumigay narin ito.. pero.. yung mama mo comatose padin siya hanggang ngayon dahil sa malala ang natamo niya sa car accident... kapag hindi pa nagising ang mama mo bukas maaaring bumigay narin ito..." sabi ng doctor habang nag-sorry at agad naring umalis ito.
Bigla nalang tumulo ang mga luha ko, akala ko magiging okay na ang lahat... na gagaling si mama at papa pero... bumigay narin si papa. Bakit!! Masakit mawalan ng magulang! Paano na ang business namin Cebu, sino na magpapatakbo non? Tuluyan nabang hindi na kami mag-aaral ng kapatid ko? Ayoko!! Huhuhu!
Ayoko... ayoko na...
"Kaith! Are you okay? Kamusta na sila tita?" nag-aalalang tanong niya saakin.
Lumakas bigla ang pag-hikbi at iyak ko "wala na... wala na... wala na si Papa, Kurt!" naramdaman ko ang mainit na mga kamay niya saaking likod
"Si tita? Kamusta?" sabi niya habang yakap yakap parin ako
"Hindi... hindi ko alam... ang sabi ng doctor pag hindi pa daw n-nagising s-si mama w-wala na daw silang magagawa..." sabi ko na lalong nagpa lakas ng iyak ko
"Shh.. tahan na, magiging okay rin ang lahat, kaith. Think positive, malay mo magising na si Tita mamaya o.. bukas" sabi niya
"mahirap... mahirap mawalan ng magulang, kurt! Wala nang mag papa-aral samin ng kapatid ko, ako okay lang kahit hindi ko matapos ang College pero yung kapatid ko! Lalo na hindi ko alam patakbuhin ang business namin sa Cebu" sabi ko habang naka yuko
YOU ARE READING
My Secret Love
RomanceIe-edit ko 'tong Description kapag Complete natong story nato, wala pa akong maisip eh. HAHAHAHAHA.