"Ma?" Tanong ko
Nagulat ako nung biglang gumalaw yung mga daliri ni mama, kaya agad akong tumawag ng Doctor upang mapatignan si mama kung maayos naba ito...
(After 30 mins.)
Biglang lumabas ang doctor kaya agad ko itong nilapitan at tinanong "Doc, ano pong nangyari? Okay lang po ba si mama?" Pagaa-lalang tanong ko sa doctor.
"Yes, Ms. Fortaleza. Okay na ang mama mo... gising narin ito kaya pwede ka nang maka-pasok sa kwarto niya" nakangiting sabi ng doctor at umalis na ito
Nang naka-pasok na ako sa kwarto umupo na kaagad ako sa gilid ng kama, dahil may upuan sa tabi neto.
"Ma? May masakit pa po ba sainyo?" Nagaa-lalang tanong ko kay mama
Bigla siyang tumingin sakin, bakas sakanyang mata na may namumuong mga luha at malapit na itong bumagsak
"Kamusta ang papa mo at ang kapatid mo? Okay lang ba sila?" Tanong niya habang may luhang tumutulo sakanyang pisnge
"Uhmm... Ma... Okay lang si Iah pero... si papa, ma.. wala na..." napa-yuko ako sa sinagot ko kay mama at agad na umiyak habang naka-yuko, rinig na rinig ko rin ang malalakas na iyak niya, kaya agad kong niyakap si mama...
"Ma... magiging maayos rin po ang lahat..." sabi ko habang yakap yakap ko si mama
"Dapat... dapat hindi nalang pala kami umalis... kung alam ko lang talaga n-na m-mangyayari i-ito..." sabi niya habang umiiyak
"Hindi, Ma... wala kayong kasalanan... siguro oras napo talaga ni papa, kaya ganun" sabi ko habang naka-pilit na ngiti kay mama
Huminto na si mama sa pagiyak at tumahimik na siya
"Uhmm... Ma... pumunta si Auntie Ana dito..." panimula ko para makapag-usap naman kami ng maayos
"Anong sabi?" Tanong ni mama
"Siya daw po muna ang magpapatakbo ng Business natin sa Cebu... kung hindi ka pa daw po gumagaling" sagot ko
"Tawagan mo si Auntie Ana mo..." sabi niya
"Sige po" sagot ko
Tinawagan ko si Auntie Ana ata agad niya naman itong sinagot
"Ma... lalabas po muna ako..." sabi ko, lumabas muna ako para makapag-usap sila ni Auntie Ana sa Cellphone ko. Babalik nalang ako mamaya
-----
Lumabas muna ako ng Hospital para bumili ng pagkain namin, para makakain narin si mama.
Nagulat ako nang may biglang kotseng tumigil sa harapan ko, kaya agad akong tumingin kung sino ito
"Hi" sabi ni Kurt, sabay kindat. Tss.
"Ano?" Inis na tanong ko
"Ang sungit mo naman. Meron?" Sabi niya sabay tawa.
"Baliw. Tss. Bibili muna ako ng pagkain, alis na ako" sabi ko, sabay lakad papunta sa hintayan ng Jeep.
Pero sinundan niya ako at tumigil ulit sa harapan ko
"Ang sungit mo talaga. Dito kana sumakay, saan kaba pupunta?" Tanong niya saakin
"Wag na nakakahiya naman magko-commute nalang ako" sagot ko
"Tss. Bilis na, dito ka nalang sumakay wala nang Jeep ng gantong oras" sabi niya
"Talaga?" sabi ko
"Oo" sagot niya saakin, sabay ngiti
"Sige na nga" sabi ko, pumunta na ako sa sasakyan niya at sumakay na ako
YOU ARE READING
My Secret Love
RomanceIe-edit ko 'tong Description kapag Complete natong story nato, wala pa akong maisip eh. HAHAHAHAHA.