Chapter 43 -Bea is in trouble!!

8.1K 118 2
                                    

Jho

"Anu ba namang yang manliligaw mo Jho? Sa harap mo pa nag aaway!" Mamey

"Ee hayaan mo na mamey, atleast nasave mo ko dun. Ay Lab yu mamey!!" Sabi ko at yumakap sa kanya

"Oh sya umupo na kayo ni Bea jan." Tinuro ni mamey yung left side seat ng bus. What mamey? Hahayaan mo ko tumabi dito? Kala ko pa naman saviour kita!

"Ee panu si Jia?" Tanung ko

"Im fine Jho, dito kami sa likod nina ate ella, ate Ly at nina Jaja at gretch. Go lang" ayy Jia thankyou ha 😊 isa ka pa😠

"Jho kung ayaw mo naman akong katab..." Bea

"Ayy hindi, sige upo ka na dun sa may bintana. Ako na dito." Sabi ko

"No Jho, ikaw na umupo dun sa may bintana. I should be on your right" Bea

"Huh? Bakit naman? Arte ha" ako at umupo na

"Ugh! Why you girls questions our etiquette? Its part of it, to sit or stand on your right" Bea

"Fine! Fine! Oo na, kahit kelan ang lalim mo! umupo ka na nga. Hirap na hirap ka na nga lumakad naiisip mo pa yang ganyan" sabi ko at umupo na sya.

"Kompleto na girls?" Coach Roger

"Yes Coach!" Sigaw nameng lahat at umupo na din sila at umalis na ang bus.

"Here, wear this!" Bea at hinubad ang jacket nya

"Luh? Wag na. Isuot mo na ulit. Okay lang" sabi ko

"Isusuot? o isusuot? Ako magsusuot nito sayo!" Sabi nya

"Okay, eto na nga oh!" Ako at isinuot na ang jacket nya

"Sino ba kaseng nagsabi sayo na magsleeveless ka ng damit? Kinukulang sa tela yang suot mo aa" aba! Ang sungit ba nito. Pero sweet 😍

Hindi na lang ako umimik dahil alam kong di naman ako mananalo.

Makalipas ang almost half an hour naramdaman kong hindi mapakali si Bea sa upo nya.

"Huy! Naiihi ka ba? O dont tell me wala kang tiwala kay kuyang driver kase youre not the one driving?" Tanung ko, remember nung hinatid nya ko sa terminal xD

"Hindi, kase itong paa ko humahapdi ee." Sagot nya ng nakapikit. hala! kaya pala pinapawisan sya kahit aircon ang bus.

Pinunasan ko ang pawis nya, okay! Ano? Its not only girlfriend's duty okay!

"Coach? San tayo malalunch? Kelangan pong uminom ni Bea ng gamot" sigaw ko

"Ehem! Concern! Ehem!" Team mates

"Kayo talaga! Concern talaga si Jho kase FRIENDS sila" at talagang nakisakay din talaga si coach roger!
"Yamu Jho tagaytay na tayo, dito na lang ulit tayo kumain" dagdag nya at tumango naman ako

At pag upo ko, ayy syemps! Nakaidlip na si Bea kaya pla di na narereact sa mga jokes dito. Super sakit siguro talaga kaya ganun.

Maya maya pa ay dumating na kami sa kakainan namen kaya ginising ko na sya, kumaen na at uminom ng gamot. Pagbalik namen sa bus ay para bang hinang hina sya, kaya agad itong nakatulog. Nakatulog din ako at naalimpungatan na mabigat ang pakiramdam ko, kikilos sana ako nang makita ko na nakasandal pala saken ang ulo ni Bea. Aayusin ko sana ang ulo nya sa pagkakasandal ngunit nang hawakan ko sya ay ...

"Sh***t Bea ang init mo!" Napasigaw ako dahil inaapoy ng lagnat ang mahal ko. Na hindi ako ang mahal. Ayy drop that.

"Baby Jho, anung nangyari?" Tanung ni ate Ly

The Sign Of A 'Wake Up Call' (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon