"Mama! Pahingi pera!" salubong ko kay mama pagkadating na pagkadating ko sa bahay.
Nagmamadali ako. Ayokong abutin ng super duper gabi sa mall. Aba, maganda kaya ako. Baka may magtangka sa kadyosahan ko. Shocks, mahirap na.
"At para saan naman ha?" tanong naman ni mama habang nagmomop siya ng sahig.
Sipag ah, infairness! Once a month lang magmop yan si mama, eh. Tamad din yan katulad ko. Hehe.
"Pambili po ng gown at ng sandals!" pasigaw kong sagot. Hindi ko rin alam kung bakit kami nagsisigawan eh parehas naman kaming nasa sala.
Inayos ko na yung mga gamit ko at tinanggal ko na rin ang sapatos at medyas ko. Nag-inat nalang din muna ako dahil swear, ang sakit na ng buto-buto ko.
Akmang huhubarin ko na sana ang blouse ko nang bigla akong hampasin ni mama ng isang malaking box na hawak niya.
"Aw— mama naman eh! Bakit mo ba ako hinahampas?! Masisira ang maganda kong face— Aray naman! Mama naman eh— eto na nga po titigil na— aray!"
Napatigil lang ako sa pagrereklamo ko kay mama nang itigil niya na rin ang paghampas sakin. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang sakit non ha! Para tuloy akong taong tumatahol kaka-aw ko!
Napataas ang kilay ko nang may mapansin ako. Teka, ano 'yong hawak na box ni mama?
I was about to ask her nang bigla siyang magsalita— wait, mali. Magtatatalak pala, I mean. Mga nanay talaga, jusme.
"Bibili ka pa ng bagong gown eh meron ka na nga? Nag-aaksaya ka ba ng pera ha, Nana Misch?!" nandidilat pa ang mga mata niya pero hindi ko na yun napansin dahil nafocus na ang mga mata ko sa box na hawak niya.
Teka, wait, gown?
Saka ano ba yan, full name na naman ang tinawag sakin. Ang ganda kaya ng Nana Misch. Sa sobrang ganda, parang hindi bagay sa katulad ko. Ewan ko ba kung bakit ganoon pangalan ko. Pwede namang nene na lang, neneng b, charot.
"Eh 'ma, paano mo nalaman na aattend ako ng acquaintance party namin bukas?" nakakunot-noong tanong ko.
Stalker ba 'tong si mama? Like mother like daughter, ganern?
"Ha? Aattend ka na ng party niyo bukas?" nagtatakang sabi ni mama pero at the same time, makikita mo yung saya sa mga mata niya.
She wants me to attend that acquaintance party, though, dahil ang party na yun daw ang magsisilbing celebration sa 18th birthday ko, sabi ni mama. And yeah, sa araw ng valentines day ang birthday ko. How fortunate. Note the freaking sarcasm.
Una sa lahat, ayoko magcelebrate ng debut kung hindi ko naman jowa si Greg.
Pangalawa, sayang sa pera at time! Maraming anime na akong mapapanood sa mga oras na 'yon, no! Baka nga matapos ko na yung HunterXHunter, eh!
"Akin na nga yan, 'ma." naiinis na sabi ko sabay hablot doon sa box na hawak niya.
Tinanggal ko 'yong tape na nakadikit sa mga sulok-sulok ng box at itinaas ko 'yong taas ng box at nakita ko ang isang dark red na tube gown na hanggang ilalim ng tuhod ko lang ata ang haba. Puro crystals ang nakasabit sa gilid ng laylayan nito kaya naman kumikinang ito.
Shet, mukhang mamahalin.
Tinignan ko din 'yong isang box at isang pares ng high heels na color silver naman ang laman nito. Merong konting glitters pero tulad ng gown, kumikinang din ito.
One word, wow. Ang ganda. Bagay kaya 'to sakin?
Ay syempre naman Nana. Ang ganda mo kaya. Sige, buhat bangko pa more!
BINABASA MO ANG
Love Letter
Short StoryIt was six years, after all. Nana Misch was a decent playgirl, not until he met Greg Alexis Jimenez, the one whom she loves the most. The kind of love she have for him is unconditional. She's not seeking for him to love her in return. She doesn't ca...