"Anong... ginagawa mo dito?" mahinang tanong ko sa kanya habang naglalakad siya papalapit sakin.
Ang weird lang niya. Nakangiti siya sakin pero kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Parang kanina lang hindi naman siya ganyan, ah? Or hindi ko lang napansin.
"Oy bakit mukha kang malungkot—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit.
Hindi agad ako nakapagreact nang yakapin niya ako. Gusto ko siyang itulak palayo dahil baka may mapadaan dito at kung ano ang isipin sa amin, pero may nagsasabi rin sa akin na malungkot si Clyde.
"A-Ayos ka lang pre?" nauutal na tanong ko sa kanya. Pinat ko rin ang likod niya habang yakap-yakap niya ako. Pakiramdam ko kasi ay kailangan niya ng makakaramay sa ngayon.
"Mahal kita, Nana."
Bigla akong napatigil sa pagtapik sa likod niya nang marinig ko ang sinabi niya. Inihiwalay niya ako sa kanya kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan siya sa mata.
Matiim siyang nakatitig sa akin at ganun din ako sa kanya. Wala akong naramdamang kahit ano man lang. Ang tanging tanong lang sa isip ko ngayon ay kung totoo ba yung sinasabi niya sa akin ngayon or baka joke lang.
"Ha?" tanong ko sa kanya.
"Hatdog." walang kwentang sagot niya sa akin kaya naman agad ko siyang hinampas sa braso. Kainis!
"De joke lang. Pero totoo Nana, mahal kita." malungkot na sabi niya sa akin.
Napatingin ako sa kamay niya nang hawakan nito ang kanang kamay ko, at napanganga na lang ako nang ilagay niya sa kamay ko ang isang silver necklace na may pendant na letter N.
"A-Ano yan..." I stuttered. Anong nangyayari? Bakit binibigyan niya ko ng kwintas? Joke ba 'to ulit?
"Ayos mukha, hoy. Para kang nakakita ng multo." he chuckled bago niya pinagpatuloy ang sinasabi niya.
"Alam mo ba, noong una kitang makita, sabi ko sa sarili ko na hindi ako magkakagusto sa katulad mo." tapos natawa na naman siya, pero napatigil lang siya nang makita niya ang itsura ko. Ngumiti siya ulit pero kitang-kita ko na naman ang lungkot sa mga mata niya.
"Nerdy ka eh, tapos hindi ka pa masyadong nakikipag-usap samin. Pero tignan mo naman, patay na patay ako sayo ngayon. Pucha, ang korni ko boi. Hindi ako sanay."
Hindi ako makapagsalita. Hinihintay ko lang ang susunod niyang sasabihin, kung meron man.
"Alam kong hindi ako mayaman. Si Greg at Tyler lang naman ang mayaman dito, alam nating lahat yun. Crush mo si Greg, diba?" biglaan niyang tanong kaya naman nagulat ako at gustuhin ko mang i-deny yun dahil nakakahiya, pero hindi na ako nakapagsalita.
"Hindi ka naman halata, wag kang mag-alala, pero dahil gusto kita kaya lahat ng bagay tungkol sayo, pansin ko na. Palagi kang nakamasid sa kanya. Palagi mo siyang tinitignan. Napapangiti ka sa tuwing nakikita mo siya. Pucha, anong laban ko kay Greg diba? Sa suntukan lang ata ako mananalo sa kanya, pero sa ibang aspeto, talo na ko." matapos nun ay ngumisi siya.
"Pucha, ang sakit." he said as a tear fell from his eye.
"I-I'm sorry." sabi ko saka ko hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kwintas na ibinigay niya. Mukhang mamahalin.
BINABASA MO ANG
Love Letter
Short StoryIt was six years, after all. Nana Misch was a decent playgirl, not until he met Greg Alexis Jimenez, the one whom she loves the most. The kind of love she have for him is unconditional. She's not seeking for him to love her in return. She doesn't ca...