V

71 12 20
                                    

Valentine's day.


My birthday.


Hell day.


Araw na ng valentine's. Napakaraming magkasintahan na naglalandian. Madami din namang single na bitter din katulad ko pero ang lamang lang nila, kasama nila ang friends nila.


Ang sarap batuhin ng patatas yung mga naglalandian. Alam kong valentines day ngayon pero pwede ba?! Sa motel na lang nila gawin yang pagkikiss nila. Jusme naman. 


Naiingit kasi ako, ano ba.


Birthday ko naman ngayon kaya pagbigyan nila ako! Kaya lang, hindi naman nila alam na birthday ko ngayon. Tsk. Ipaalam ko ba? Charot, para naman akong baliw nun. Feeling special. Twice lang ang special, no!


Hep hep hep, hindi ako bitter, ha. Naiinis lang talaga ako, at alam niyo ba kung bakit ako naiinis? Kasi hindi pala aattend si Shy ng acquaintance party! Nasa States kasi siya ngayon at ang parents niya ang nagpaalam sa school para payagan siyang hindi umattend. Sino na lang ang makakasama ko dito?


Eh si Shy lang naman ang kaibigan ko dito. Introvert kasi ako at hirap ako makipagsocialize sa tao. Pero hindi naman porke't introvert eh ganun na agad katulad ko. Ako lang yun.


Pero alam niyo ba ang mas nakakabwisit? Yun ay ang hindi rin pala aattend si Greg my loves ko dito sa party na 'to dahil sa isang business outing. Oh diba? Mayaman ang my loves ko. Kaya lang sa sobrang yaman niya, wala na siyang time sakin. Ouch.. wow self, makapagdemand ng time. Feeling jowa ka girl?


Napailing na lang ako dahil kinakausap ko na ang sarili ko. Wala eh, wala akong kausap. Alangan namang itong mga kinakain ko ngayon ang kausapin ko?


Mukha akong tanga dito sa loob ng hotel na nakaupo mag-isa sa isang table habang lumalantak ng mga dessert. Ang ibang schoolmates ko naman ay nagsasayaw na doon sa dance floor, at ang iba naman ay nagpipicture kasama ang friends nila.


Konti pa lang kasi ang tao dito ngayon pero marami nang pagkain, at dahil minsan lang 'to, aba, susulitin ko na. No more diet na muna today. I'll eat marami, you know. Saka sabi nga ni mama, celebration na rin 'to ng birthday ko, kaya naman iisipin ko na ngayon na akin 'tong mga pagkain! Isip lang naman, eh!


Hays, baka mamatay ako sa kaboringan dahil sa wala akong kasama. Kung bakit ba naman kasi ang aga kong dumating eh, leche. Excited much kasi akong makita si Greg my loves, pero unfortunately, wala siya. Sadlayp. Kawawang nilalang.


Matatapos na ang pagkain ko sa pangatlong graham cake na nilalantakan ko nang magsidatingan ang mga kaklase ko.


Napalingon ako sa kanila at napanganga na lang nang makita ko ang mga suot nila. Lahat sila ang gagwapo at ang gaganda. Parang hindi sila yung mga kaklase ko na kasama ko sa room na baliw at abnormal palagi. Lalo na yan, si Clyde? Babaliw-baliw sa classroom, pero ngayon ang elegante niya tignan! Akala mo di nakikipagbasag-ulo sa kabilang section. Natawa na lang ako sa naisip ko.

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon