" what should I do now? I didn't even know na kasama pala siya dito" nandito kami sa Boracay ngayon. Sumama lang ako kay Tita kasi may shoot sila dito for their upcoming movie. Siya kasi ang Executive assistant ng QuantumPhil. Productions tsaka siya rin ang nagsama saakin dito kaya ako nakatapak dito sa Boracay. At the age of 25 nakuha na ni Tita ang main goal niya sa life niya aside from creating her own family.
" oh? Why big deal Asha? We didn't even know naman na part pala siya ng movie. " pagpapakalma saakin ng pinsan kong si Kate. I guess you all know kung ano ang pinag uusapan namin ngayon.
Huh. Well si * ex boyfriend* lang naman ang lead role dito sa movie na ginagawa nila. And guess what!? Ka partner niya lang naman ang nililigawan niya ngayon na si Khylie, anak ng isang business man na sikat din sa bansa and ang rumoured girlfriend na daw ngayon ni Darren —i mean ex. Shit, why am I telling this i don't care na din naman . Its his decision after all tsaka 3 years ago na yun. Uhhh!!
" tsk , you're right. Tara na nga labas na tayo baka kailangan ni tita ng tulong dun" sabi ko tsaka nag ayos ng sarili ko bago lumabas. Buti nalang talaga at isisnama kami ni tita dito. Mapapakinabangan ko mga beach dresses and clothes ko. I love dressing up kasi, not dressing up na nagmumukha kang OA kundi yung simple pero may dating.
" ok tara na " sabi ni Kate habang pumapalakpak siya at naunang lumabas ng kwarto.
Dinala ko rin yung phone ko tsaka dslr gagawa kasi ako ng vlog about our trip here. Pagkarating namin sa dalampasigan agad na tumambad sa harap namin ang mga camera na nakapalibot pati na rin ang mga staff na busy sa pag aayos ng mga gamit. Nakita ko si Tita na naka upo sa ilalim ng tent kasama ang director.
" good morning po" bati namin sa kanila ng makalapit kami.
" do you need something po?" Tanong ko.
" pwede mo ba kaming bilhan ng coffee dear?" Sabi saakin ng director.
" samahan ko nalang po si Asha" paalam ni Kate tsaka niya ako sinamahan pumunta sa coffee shop . Pagkabalik namin dala dala na namin yung mga pinamili namin at sakto rin nang pabalik na kami ay nakasalubong namin siya.
" Good Morning!!" Bati ni Kate sa kanya. Di ko na siya pinansin ewan ko di ko alam kung bakit. Di naman ako umiiwas sa kanya , mas gusto ko lang na di siya kausapin for what pa diba? Tsaka ayaw ko rin makipag fake friend sa kanya. Im not bitter here mas ginugusto ko lang talaga na wag nalang siyang kausapin pa.
" wow ha friendly mo ah" natatawang sabi ko kay Kate ng makalampas na kami sa kanya.
" atleast ako friendly " sagot niya saakin tsaka dinilaan ako.
" atleast di ako nakikipag plastican sa kanya " sagot ko naman pabalik
" sus ang sabihin mo bitter ka lang sa kanya kasi mahal mo pa rin siya until now. Seriously , alam ko kung ano nararamdaman mo. Naramdaman ko na din yan noon . First heartbreak isn't that easy to forget" sabi niya habang nagbibigay kami ng mga kape sa mga staff.
" shut up na nga " sabi ko
Buong araw di kami masyadong nagkikita ni Darren , syempre busy siya kami rin busy sa pamamasyal at sa pagtulong kanila tita .
Around 6pm na sila nag pack up. Limited na kasi yung oras para matapos yung shoot, bukas na kami ng hapon aalis dito kaya sinisikap nila na matapos ng maaga yung shoot para ma enjoy nanan nila yung Bora.
" sumunod kaagad kayo pagkatapos niyong mag ayos ok? Dali an niyo mag didinner na tayo" sabi ni Tita saamin bago lumabas ng kwarto.
" parang ayokong lumabas ng kwarto Kate, tinatamad ako" sabi ko habang nag susuklay ng buhok ko. Bagong ligo kasi ako ganon din si Kate.
" palusot mo Asha. Ayaw mo lang sumabay kasi nandoon si Ano eh.. tssk yaan mo na nga kakain tayo kaya tara na nagugutom na ako" sabi niya saakin sabay hatak patayo ng kama.
" bakit ba palagi mo nalang sinasali sa usapan si ano?" Inis kong sabi sa kanya.
" eh bakit ayaw mo ? Ikaw ha !" Asar niya sa akin.
I rolled my eyes. " edi tara na , im starving!" Sabi ko tsaka naunang lumabas ng kwarto.
Narinig ko naman siyang tumawa habang nakasunod saakin.
Nang dumating kami sa resto nakita namin na may dalawang mahahabang table kung saan doon naka upo lahat ng mga kasama namin.
" doon nalang tayo sa vacant table sa tabi nila, nakakahiya nang makisali sa kanila eh. " bulong saakin ni Kate.
" wow buti naman nahiya ka congratulations sayo nag improve ka na" natatawang sabi ko tsaka umupo sa round table na nasa tabi nila. Napansin naman kami ni Tita kaya kinawayan nalang namin siya since busy sila sa pag uusap. Maya maya pa ay nagsi punta na rin sila sa buffet na nakalatag at kanya kanya kuha ng pagkain nila. Kumuha na rin kami ni Kate ng pagkain , nagugutom na rin kasi ako. Kumuha ako ng rice tsaka beef steak pagkatapos noon ay dumiretso ako sa sweets section.
" wow ha sweets talaga tinira mo" sabi ko kay Kate habang nakatingin sa plato niyang puno ng sweets .
" diet ako eh" kinindatan niya ako bago tinuon yung pansin niya sa mga choco balls na nasa harap niya. Sa sobrang dami ng sweets di ka makakapag decide kung ano ang kukunin mo. Shemmss lang.
" Kate whats this?" Tanong ko while pointing sa cupcake na may orange na icing.
" that's carrot cupcake" napalunok ako nung sumagot siya. Its not that di ko type yung carrot cake kundi yung taong sumagot. Hindi si Kate kundi Siya. Di ko siya nilingon pero alam kong di pa rin siya umaalis.
" ahhh" yun lang ang nasagot ko. Naghahanap kasi ako ng choco mallows pero di ko makita. Kumuha nalang ako ng chocolate cake bago bumalik sa pwesto namin ni Kate.
" anong sabi?" Pambungad na tanong saakin ni Kate nang makaupo na ako
" carrot cupcake" sagot ko tsaka kumain ng cake. Inuuna ko kasi yung dessert kesa sa rice.
Napa face palm naman si Kate pero di ko nalang yun pinansin. Napatingin ako sa mahabang table kung saan sila tita nakaupo pero di ko naman expect na titingin din si Darren sa direksyon namin kaya napaiwas ako ng tingin. Tss mahirap na baka ma miss interpret niya yung tingin ko.
Kinausap ko nalang si Kate the whole time . Napatingin lang ulit ako sa kanila nung siniko ako ni Kate at ngumuso.
" ano na naman ?" Tanong ko.
" wala na siya" sabi niya
Matagal na !
Wala nga siya sa upu an niya at iba na yung naka upo dun. Saan kaya yung nagpunta?
" ahh hello, pwede pa share ng upu an?" Agad akong napatingin kay Kate
" bakit?" Nakangiting tanong niya
Nagkibit balikat siya " kinuha nila upu an ko eh, ok lang ba?" Tanong niya
Napatingin naman saakin si Kate na para bang sinasabi niya na ako mag dedesisyon.
Hinarap ko siya " ok lang"
Umupo naman siya sa tabi ko pagkatapos ay inilapit niya saakin yung plato niya kaya napatingin ulit ako sa kanya.
" choco mallows yan, i bet yan yung hinahanap mo kanina sa buffet" simpleng sagot niya sa akin. Nakita ko namang napangiti si Kate pero di ko yun pinansin.
Naalala niya pa pala. Choco mallows yung favorite kong kainin as a dessert.
" thanks " mahina kong sabi.
I didn't expect this to happen . Akala ko iiwasan niya ako but then looks like siya pa nga ang lumalapit saakin. I think its better kung kakausapin ko na din siya. After that happened kasi ako na ang umiwas sa kanya. Alangan naman kasi lalapit ka pa eh gusto na nga niyang lumayo ka .
BINABASA MO ANG
7 Minutes // Darren Espanto • short story //
FanfictionFor the last 7 minutes... I wish you'll be here