Chapter 3

10 4 5
                                    


Just say yes

Toffer's POV

"She's so nice." sa isip isip ko. Hindi kasi sya katulad ng ibang babae. The first time we met at the elevator, napansin ko na sya. Ang ganda nya may pagka supladita lang. And that's the reason why I want to know her more.

The reason why I took her ID was to see her again. Hindi ko intensyon na halikan sya nun. I respect her. I just want to catch her attention para makuha ko ID nya at ayun. Nagtagumpay ako.

Alam kong badtrip sya nung tinawagan ko sya. HAHAHA gusto ko lang naman sya makita uli eh. Yun lang. Pero nung pinapunta ko uli sya sa room f502, doon pa ako naging interesado sa kanya. Ang kyut kyut nya kasi. Para syang Japanese. Ahhh yes. Nakita ko sa ID nya yung full name nya.

Allison Garcia Takineshi.

Ayaaaan. Naalala ko. What a nice name right?

Naalala ko yung address na binigay nya. Tinignan ko yun. Aaah okay. Mejo malayo to aah. Hmmmm, I want to surprise her.

End of Toffer's POV

------

Tapos na naman ang klase, yes labasan na. Mahanap nga muna si Ellah. Sa pagkakaalam ko kasi dito sa bldg nato ang last class nya. Bumaba pa ako sa may 3rd floor at nakita ko sya.

"Ellaaaah oyyys!" tumingin sya sakin. Nilapitan ko sya.

"Kamusta dakila kong kaibigan? Tinatawagan kita kahapon nakapatay cp mo hmp." eto at nagtatampo na naman.

"Ano kaba. May nangyari lang kasi. Basta storytell ko sayo" niyaya ko sya sa baba. May cafe kasi malapit sa skul namin.

----

"Hanap ka ng table natin, order lang ako." ani ellah. "Osge"kako.

Dun nako sa taas ng cafe naghanap ng table kasi mas konti tao dun. Nakakita naman ako ng perfect seat for us.

Kailangan kong ikwento yung nangyari sakin.

"Kaloka ka, pinaakyat mo pa ko eh. Bakit kasi dito eh pwede naman sa baba". Gumana na naman pagkasuplada neto.

"Ano may red tide kaba teh? Sungit mo! Tinext nga kita diba kasi may ipo-pyoka ako sayo." kako.

------
For the knowledge of everyone, the word pyoka is part of our friendship language para pag malapit samin ung pinag-uusapan namin o kaya ayaw naming maintindihan nila kami, eto ung gagamitin namin. Ako umimbento nyan hihi.

Pyoka means sasabihin. Ex. May ipo-pyoka ako sayo means may sasabihin ako sayo.

Ayaan. Nalantad kona ang ka weirduhan naming mag bff.
------

"Ayy gusto ko yan dali." umupo sya sa harap ko. Nag-order sya ng strawberry frappe. Favorite naming pareho yun.

"Ganito kasi, naalala moba yung kinuwento ko sayo na guy? Tumingin ako sa kanya. "Aaah yaah, yung nakasabay mo sa elevator?" tanong nya. "oo, eh kasi nung time na umalis ka nun, nakasabay ko uli sya". Tumingin uli ako sakanya. Mukha talaga syang interesado. "otapos ano?" aniya.

"Natrap kasi kami sa loob tapos may nangyar-"
Nagulat naman ako nung sumigaw sya.

"May nangyari sa inyo?" tumayo pa sya.
Nagtinginan tuloy ung ibang tao samin mga nasa walong katao lang kasi ang nandito sa taas. Buti nalang.

Fixing The Broken Hearts (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon