Chapter 1

18 2 5
                                    


The elevator

"Okay see you next meeting, Goodbye". Nagpaalam na yung instructor namin. Niligpit ko agad yung gamit ko saka umalis.

"Allison! Napatingin ako sa likod ko. Si Troy. Boyfriend ng best friend ko."Pwede bang pakibigay ito kay Ellah? Kinuha ko naman yung iniabot nyang box. Mukhang DIY box to. "Teka, ngayon nga pala monthsary nyo? July 14 kasi ngayon. "Oo pakisabi naman pasensya. Kelangan ko kasing I-meet yung chinu-tutor ko, exam nya bukas". By the way, education student si Troy. Working student rin sya at ruma-raket din ng ibang trabaho.

"Ano kaba, maiintindihan ka nun yun pa". Mabait kasi si Ellah. Maunawain ba.

"Osge alis nako baka malate eh mahirap na". Nagpaalam na sya saka umalis.

Nilagay ko sa bag yung box saka ako bumaba ng hagdan. Sira kasi yung elevator sa building namin. 5th floor pa naman to.

Pagbaba ko, pumunta agad ako sa bldg. ni Ellah. Magkatapat lang kasi kami ng bldg. Mga 40 meters lang ang pagitan. Galing ko no? Pero echos ko lang yun. Inestimate ko lang yan HAHAHA.

Pagkapasok na pagkapasok ko, hinanap ko agad ung elevator. Hindi na kakayanin ng powers ko kung dadaan pa ako sa hagdanan. Eh 7th floor pa room nun.

"Tiiiiinnng" bumukas yung elevator at sumakay narin ako. Maganda ang tyempo at ako lang mag-isang sasakay at least hindi siksikan.

Pasara na yung elevator nang biglang may nagmamadaling pumasok. Mukhang engineering student to kasi may bitbit na malaking ruler. Tinignan ko sya nang maigi. Matangkad sya, maputi, maganda ang pangangatawan at gwapo.

Katahimikan ang nananaig sa amin ngayon. Pipindutin ko na sana ung number 7 pero naunahan nya ko. Tsss feeling ko tuloy mukha akong tanga. Umatras na ako palikod nang bigla syang nagsalita.

"7th floor ka rin? Nagulat ako. Sa pagkataranta ko eh nahulog yung dala-dala kong gamit. Pinulot ko para ayusin yung gamit ko. Puro kasi papel yun at libro.

"Let me help you", iniabot nya sakin yung ibang gamit ko. Nakakahiya di tuloy ako nakapagrespond sa tanong nya.

"Thank you". Yun nalang sinabi ko. Ngumiti naman sya. Ang cute nya ngumiti. Parang may lahi ata sya. I think half korean to.

"Tiiiiinnggg". Eto at 7th floor na pala. Nauna syang umalis. Talaga atang nagmamadali.

Naglakad na ako para hanapin si Ellah. Hindi nako nahirapan dahil alam ko nasa cr na yun. Conscious kasi yun sa sarili nya. Gusto nya presentable sya lagi. At ayun nga, nakita ko syang nagpa-powder. Hindi nya gusto ang makeup. Kaya sapat na yung pulbo sa kanya.

"Hoy Ellah, sabi ko na nga ba dito kita matatagpuan", tumabi ako sa kanya at iniabot yung box. "Pasensya na raw sabi ni Troy may tutor daw kasi sya".

"Ok thanks Ally", sabay yakap sakin. Buti na nga lang at hindi to maarte.

"Ang awkward kanina sa elevator -______- " sambit ko. "Ang haggard ko pa naman kanina nakakahiya sa nakasabay ko. Grabe ang pogiiii!" Napatingin sakin si Ella.

"Ally ikaw ba yan? Parang gulat na gulat sya sa sinabi ko.

"Ano kaba, ako to. Ang lakas kasi ng tama ko sa guy na nakasabay ko kanina". Ewan koba pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

"Bes! In love kana. Yeeeee" pang aasar ni Ella sakin. Grabe inlab agad? Mokong nato. Syempre paghanga lang muna.

"Bes mauna muna ako nagtext si mama, may pinapabili" ani Ella. Nag ayos sya ng gamit at kinuha narin ung box. "Ally good luck sayo ha? I think you are ready to be in a relationship na. Osge alis nako byeee." Niyakap nya ako saka kumaripas na sya ng takbo.

Napa isip nalang ako sa sinabi nya. Nag-ayos narin ako saka umalis.

Palakad nako papuntang elevator para bumaba. Alas sais na pala. Rush hour nanaman to. Panigurado mahaba na naman ang pila samin.

Finally, nakasakay narin. And wow mag-isa na naman ako. Bihira talaga estudyante dito eh. Pasara na sana yung elevator nang may bigla na namang pumasok.

That shirt, that guy. Sya rin yung kanina ha. Aba tignan mo nga naman oh. Ano bang meron sa elevator nato at kami ulit ang sakay?

Umandar narin pababa nang biglang may kumalabog. Mukhang nasira ata tong elevator. Kinabahan ako kasi ganito sa pelikula. May matatrap na babae at lalaki tapos sa tagal ng rescue, magkakamabutihan sila. Lalamigin si girl tas yayakapin si girl para maibsan yung lamig. Pagkatapos magtatama ang mga mata nila tapos maglalapit yung mukha. Hahawakan ni boy yung mukha ni girl tapos iki-kiss nya sa li-

Napatigil ako sa pagdi-daydream ko nang bigla syang magsalita.

"Miss? I knew it. Sabi ko na eh you are the girl kanina na kasabay ko rin dito." Mejo madilim sa loob pero kitang kita ko parin yung ngiti nya. "Akalain mo tayo ulit yung andito." Deym anong ibig nyang sabihin? Na puzzled yung isip ko. Kinuha ko yung phone ko. Sht! Ngayon ka pa malolowbat -______- Habang nag-iisip ng pwedeng gawin para makalabas dito, nakita ko sya na hawak hawak yung phone nya. Akala ko tinetext nya yung kakilala nya man para marescue kami pero hindi. Ipinasok nya rin agad yun sa bag nya.

"Ahhh ehhh" hindi ko alam sasabihin ko. "Ahm excuse me, have you contacted someone to rescue us? Yun nalang ang naisip kong sabihin.

"Uhm, sorry but my phone is out of battery." Ramdam ko sa tono ng boses nya ang pagkadismaya. Marahil dahil wala syang magagawa sa ngayon para makalabas kami dito.

Hindi nako umimik. Wala din naman akong importanteng sasabihin. Haays.

Napaupo nalang ako at napabuntong hininga. Nagulat naman ako nang umupo din sya sa tabi ko. Para akong natamaan ng kidlat. Hindi ako makagalaw. Hindi ko rin alam kung ano gagawin ko.

"Kanina pa tayo dito pero di pa natin kilala ang isa't isa haha". Grabe I can't breathe. Para akong sasabog. Tumagaktak pa pawis ko.

"Yaah... You're right. I'm Al-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla syang sumingit.

"I'm Toffer Lee." Nilapit nya mukha nya sa tenga ko. Saka bumulong.

"You're so beautiful and sexy". Napailing ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung sinabi nya yun. Pero nananaig yung kilig ko sa sinabi nya.

"Ahhm, thanks! Hehehe. By the way, I'm Allison. Ally for short."
Pinikit ko yung mata ko. Iniisip ko kasi kung ano na naman ang sasabihin nya.

"Woa! You're name is as beautiful as you."

Ehh? Baliw naba to? Bakit ganun sya magsalita. Nakuu, konti nalang talaga! Isa pa! Isa pa talagang pagpupuri nya sakin, titingin nako sa kanya.

Mula kasi nung bumulong sya sakin, hindi na nya inalis yung tingin nya sakin. Kita ko sa peripheral view ko.

Hindi nako nakapagtiis. Nagsalita narin ako at humarap sa kanya. Oo kinilig ako sa sinabi nya pero huh dalagang pilipina parin ang Lola nyo no!

"Hey Toffer, alam ko na yang mga linyang yan. Kung iniisip mo na ganun lang ako kadaling makuha pwes nagkakamali ka. Bulok na yang mg-"

Napatigil ako sa pagsasalita. Nakita ko yung pagngisi nya at bigla syang tumawa nang malakas.

"HAHAHAHAHAHAHAH" napahawak sya sa tyan nya habang tumatawa. Naisip ko tuloy kung anong nakakatawa sa sinabi ko. Mangiyak ngiyak na sya sa katatawa pero hindi parin sya tumitigil.

"Ipapamental na kita kahit pa gwapo ka" sa isip isip ko.

At sa wakas! Tumigil na rin sya sa paghalakhak. Pero kinabahan ako sa ikinikilos nya ngayon. Nakatitig kasi sya sakin. Matalas mata ko no! Kahit mejo madilim na, naaaninag ko parin yung mukha nya. Nakatulong kasi yung pagiging maputi nya.

Maiihi na talaga ako sa ginagawa nya. Unti unti pa nyang nilapit mukha nya saken. Sobrang dikit na namin sa isat isa. Naramdaman ko yung kamay nya sa mukha ko.

"Don't move Allison". Aniya. Hindi nako makagalaw. Hahalikan na sana nya ako. Ayan malapit na. Moving closer and closer... Pinikit ko nalang yung mata ko. Naramdan ko yung paghinga nya. Sinabi ko nalang sa sarili ko na bahala na. Shit malapit na ayaaaan na Ally....

Nang biglang..........

"Tiiiiiiiiiinnnnngggggg!"

Fixing The Broken Hearts (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon