1

1.7K 42 1
                                    

"Mina bilisan mo magsasara na ang portal" sabi ni Eco

"Teka lang Eco may dala akong sanggol" sagot ni Mina

Napatigil sa pagtakbo si Eco

"Ano?? Sanggol?? Bat san mo nakuha iyan?? Bawal yan sa mundo natin Mina" galit na sabi ni Eco

"Mamaya na natin pag usapan..tulungan mo na lang ako dito Bilis! "

Inagaw naman ni Eco ang sanggol at sya ang bumitbit dito ..

Saktong nagsara ang portal pagkapasok nila...

Hingal na hingal na napaupo sila sa lilim ng Eden Tree..

"Paano natin ito mailalampas sa gate ng Majika Mina? " tanong ng nag aalalang si Eco

"Balutin mo sya ng Itim na Dahon ng Eden" sagot nya

"Mina naman alam mo na mahirap lang magkaroon ng itim na dahon ang eden" sagot ni Eco

"Sabihin mo tinatamad ka lang maghanap.. Hawakan mo yang sanggol at ako na ang maghahanap hmmp" pagkasabi nito ay tumalikod na si Mina pero pinigilan sya ni Eco

"Sandali oo na ako na.. Mapahamak ka pa jan eh"

Napangiti naman si Mina kaya naman nagsimula ng naghanap si Eco..

Sa pinakagitna ng Tiera nakanap si Eco ng dahon at nag iisa lamang ito..

Dali dali namang binalot na nila ang bata at nilagay sa Costia ni Eco ..

(Costia- ang bag ng isang magiting na mandirigma ng Majika)

Kinakabahan na pareho ang dalawa ng makarating sila sa gate ng Majika.

"Patingin ng Costia" sabi ng isang tagabantay kay Eco

Pinakita naman nya ito...

"Susunod! " sigaw ng tagabantay

Nakahinga ng maluwag naman ang dalawang mandirigma...

.. Pagkaapak nila sa palasyo ay napagdesisyunan nilang magbitiw na sa tungkulin

sila'y nagtungo sa bayan ng BANRA at doon na maninirahAn..

"Mina dito na tayo maninirahan at tayo na ang tatayong magulang ni Alona" wika ni Eco habang nakaharap sya sa munting bahay na ginawa nito

"Alona? Yun ba ang pangalan na ng anak natin Eco?? "

"Oo Mina.. Di mo ba ito nagustuhan? "

"Nagustuhan ko Eco.. Napakagandang pangalan siguradong magugustuhan nya ito paglaki nya" wika naman ni Mina

At simula sa araw na ito ay inilagaan na ni Eco at Mina ai Alona..




(Lahat po mg mga gamit, lugar, hayop, halaman at kaganapan ay sadyang kathang isip lang ng baliw na author!!! Hehe

Pakivote po and comment na rin po salamat!!! )


ALONA: Ang MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon