Nag iisip ang bawat isa...
Pagkatapos sabihin ni Alona na sya ay isang Mortal ay di na sila nagsalita..
Malalalim ang iniisip...
Pero iisa ang talagang nasa isip nila ang kundi protektahan sya..
"Kaya pala nagbitiw sa tungkulin sina Amahing Eco at si Lady Mina" sabi ni Dicon...
"At ikaw ang inalagaan nila sa paglayo nila" dagdag pa nya..
"Pero bakit mortal ang gusto nilang kunin?? " nag isip ulit ito
"Mahigpit na ipinagbabawal ang mortal sa mundong ito pano ka nila nailusot?? " tanong din ni Tersa
"Aha !! Ang itim na dahon ng Eden" sabi ni havana at lumingon silang lahat sa akin
"Meron ka nga.. Bat di ko ito agad napansin" sabi naman ni Tersa
Tahimik lamang si Pali at Heroine... Matagal na alam ng dalawang magkapatidkaya sila ang gumagawa ng paraan para di mahalata ng iba pang Majika at Majiko noon sa eskwelahan
"Tama na ang pag iisip... Isa nga syang mortal.. At inaasahan ko na ang nalaman nyo ay mananatili lamang sa apat na sulok ng bahay na ito" maotoridad na sabi ni Heroine
"Kailangan natin syang protektahan" sabi naman ni Pali
"Opo mahal na prinsepe at prinsesa" sabay nagbow ang apat
Nagulat naman si Alona sa narinig
"Prinsesa at prinsipe kayo?? " naguguluhang sabi nya
"Oo bes... Di mo alam?? "
"Hindi eh... Di ko alam na ang kasakasama ko ay mga dugong bughaw" sabi ni alona pero lutang pa rin.. At bigla ulit syang natulala
"Pero bakit sya gustong makuha ng mga itim na Majiko?? " natanong naman ni Armano
"Dahil sa Listio.. "
"Ha?? " napakunot ng noo ang apat sa sinabi ni Heroine
"Mahina na ang aming ina kailangan na nya ng kapalit sa Listio at ang tanging mortal na may busilak ang kalooban na ikinasal sa bughaw ang pwedeng magpaliwanag dito" sabi Pali
"Alam mo?? " natanong ni Heroine
"Oo naman kuya .. Haler kapatid mo ako no.. Saka mas closw kami na ama" sabay irap sa kapatid..
"Tss""Kung ganun hindi pa patay ang mahal na reyna?? " si Tersa
"Hindi pa... Ibinigay nya ang liwanag nya sa bato para maprotektahan ang buong kaharian ng Majiko pero kasamaang palad matinding emosyon ang nailabas nya kaya hinigop sya ng bato kaya nanatili sya sa loob nito... "
"Kung ganun.. Maaring ganun din ang mangyari kay Alona?? " sabi ni Armano
"Oo at ayaw kong mangyari iyon sa kanya. " sabi ni Heroine
"Pero yun lang ang natatanging paraan " dagdag nya
.."Kung ganun pipigilan sya ng mga itim na Majiko kaya sya hinahanap.. " sabi ni Dicon
"Oo maaring pigilan or worst gamitin sya" nagulat naman sila sa sinabi din ni Pali
"Paano nila sya gagamitin?? "
"Simple lang.. Gagawin nila muna syang masama... at once na hindi na bukal ang kalooban nya at nahawak na ang Listio magiging itim na din ito at lahat na ng mga majiko at majika mapapasunod na ng hari ng kadiliman at magigitng itim na lahat.. Mawawala na ang liwanag" paliwanag ni Pali
At tumango tango lang silang lahat..
Habang nagdidiskusyon sila ay si Alona naman ah nakatitig lang sa nakahimlay na magulang at dinidibdib ang nangyari...
At iniisip na kung hindi lang sana sya isang hamak na mortal lamang ay baka sakaling naprotektahan nya sila...
BINABASA MO ANG
ALONA: Ang Mortal
FantasySi Alona ay lumaki sa mundo ng mahika. Lingid sa kaalaman ng lahat ay wala syang tinataglay na kahit anumang ability o mahika... Sa pagpasok nya sa Majika Koroneyo makakayanan nya kayang makatapos dito na bilang mortal o siya ay ipapatapon sa mun...