29

386 13 1
                                    

Alona

Nasa akin lahat ng karapatan ngayon pero di ko alam ang gagawin ko...

Ano bang gulong napasok kong ito..

Bumukas ang pintuan ko...

"Gising ka pa ba mahal ko?? "

"Oo lika pasok ka"

Pumasok naman sya at umupo sa tabi ng higaan ko

Hinawakan nya ang dalawang kamay ko

"Maari ka ng bumalik doon Alona kung gugustuhin mo basta magpaalam ka sa akin at ihahatid kita" malungkot na sabi nya

Pinisil ko naman ang mukha nya

"Aarraay Alona naman!! " natawa ako..

"Alam mo mamimiss kita... Sana naman matapos na tong hidwaan nyong magkapatid... "

"Malabo iyan Alona.. Tuso at Gahaman si Heroine... "

"Eh kasi naman prinoprovoke mo sya"

"Haha.. Iniis ko lang naman sya"

Napatulala ako sa tawa nya
Saka tumibok ulit yung puso ko..

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at sinuri ang mukha

"Magkamukha nga kayo pero naiiba ang ngiti ng mata mo at hugis ng labi nyo" hinwakan ko ito

Matagal ko na kasing pinagkokompara sila . hehe

"Mas gusto mo ba ang mukha nya Alona?? "

Di ako umimik.. Gusto kong halikan sya.. Hinihila ako ng mga labi nya...

Kaya naman hinalikan ko sya... Gulat naman ang reaksyon nya pero nakahuma din agad at kinabig naman nya ako at madiin na hinalikan..

Sobrang natatangay ako sa halik nya..

Bat di ko to naramdaman kay Heroine...

Naglakbay ang mga kamay niya sa katawan ko at napaungol ako...

Nabigla ata sya kaya binitaean nya ako

"Di ito tama Alona... "

Aba!? Choosy pa to pinagbibigyan na nga..

Tumayo sya at maglalakad na sana pero pinigilan ko...

Tumayo ako at itinulak sya sa kama at kinidatan sya...

"Ito ang tama" letse natamaan na ata ako..

Saglit pa lang kami nagkakilala pero feeling ko mas mahal ko tong hari na to kaysa dun sa prinsipe...

Lumindag ako sa ibabaw nya..

Napa whoaah sya at tumawa...

Gusto ko bago ako umalis at magkaroon ako ng ala ala sa kanya...

Kaya naman nasimulan na ang di nararapat... Bwahaha..

Hanla parang ako na ang demonyo dito ah... Sorry na po..

Kinabukasan ay nagising akong katabi nya...

"Aalis na ako ngayon Hudan"
Nalungkot sya sa sinabi ko

"Kung yan ang iyong gusto mahal ko.. Ipapahatid kita kay Dyanne" saka hinalikan ako sa noo

Nagbihis naman na ako

"Maayos natin to hudan.. Hihintayin kita .. Paalam" yun lang at umalis na ako..

Habang naglalakbay kami pabalik ni Dyanne

"Mukhang blooming ka ah
. di ka ba natakot sa kaharian namin?? " tanong nya

"Di naman .. Nagustuhan ko nga eh" pangiti ngiting sagot ko

"Eh bat di ka pa lang dun samin tumira "

"Di pwede dyanne malaking gulo iyon"

"Pero mahal mo na ang hari namin.. Nakikita ko sa mga mata mo"

"Oo pero di pwede.. Wala akong karapatan dyanne dahil isa akong mortal"

"May pag asa pa Alona... Nasa puso mo ang sagot.. " natahimik naman ako

"Alam mo ba na pangarap kong maging reyna sa itim na Majika at hari si Klimente" napatingin ako sa kanya

"Sa palagay ko ay di kayo nababagay doon ni Hudan masyado kayong mabait eh.. Kung mgbago ang isip nyo.. Sabihin mo lang sa akin at tutulungan ko kayong tumakas sa mundong ito" inilapag na nya ako sabay kindat sa akin

"Salamat dyanne" at umalis na sya..

Kailangang may gawin ako simula ngayon...

ALONA: Ang MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon