Chloe's POV
Pumasok ako no'ng hapon pero pagkatapos ng nangyari kanina ay di ko na nakita pa si Rio. Di na siya pumasok, siguro ay dahil nagalit talaga siya sa akin kanina.
Papauwi na ako, di ko alam kung anong pumasok sa utak ko at naisipan kong maglakad at iwan ang bisikleta ko sa school. Di ako makapag isip ng maayos dahil sa nangyari kanina. Pumapasok sa isip ko ang ginawa nya at ang mga tanong ko na pano kung hinalikan nya ko? Pano kung nagtagal pa kami do'n ano kaya ang malalaman ko tungkol sa kanya? Pano kung-. Natigil ang mga salitang yun ng may isang tanong na pumasok sa isip ko.
Ano kaya ang dahilan nya kung bakit lumipat sya rito at gamit-gamit ang ibang pangalan? Pati pisikal nyang itsura ay iniba nya- kinulayan at pinaiksi nya ang kanyang buhok, iniba ang istilo ng pananamit at pati na rin ugali. Kung hindi lang ako masugid na taga hanga nya Ay Este ng tatay nya eh talagang hindi ko sya makikilala.
Habang kinakausap ang lupa at ang sarili ko ay patuloy parin ako sa paglalakad. Nang pagkalingon ko ay nakita ko ang isang matandang lalaki na papatawid na sa kalsada at di kalayuan ay may humaharurot na sasakyan.
"Lolo" sigaw ko sabay takbo papunta sa direksyon ng matanda. Agad ko syang tinulak at sabay kaming tumaton papunta sa gilid ng kalsada. Nakaligtas ako, pagkatingin ko kay lolo ay nakaligtas rin sya pero may sugat sya sa tuhod.
Binuhat ko si lolo sa aking likod at pinaupo sa may damuhan di kalayuan kung saan ko sya niligtas. Kinuha ko ang isang maliit na first aid kit sa bag ko. Kinuka ko doon ang isang telang puti, bulak at alcohol. Maingat ko itong ginamot. Tinitingnan lamang ni lolo ang ginagawa ko sa binti nya. Nakatitig lang sya hanggang sa matapos ako. Inilalayan ko sya sa pagtayo.
"Lolo sa susunod mag iinat na kayo okay? Cge po lolo aalis na po ako" magalang kong sabi. Bigla siyang kumibo at nagsalita
"Sandali lang ining" lumingon ako pabalik sa kanya. Kinuha nya mula sa kanyang bulsa ang isang maliit na pulang kandila at iniabot ito sa mga kamay ko "Tanggapin mo iyan ining. Tanda ng pasasalamat ko sayo" dagdag pa niya
"Salamat po lolo" sabi ko sabay ngiti
"Ibibigay nyan ang hinihiling at sinisigaw ng iyong puso" bulong nya
"Po?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Di ko sya maintindihan. Paanong ibibigay ng isang kandila ang wish ko? Parang "magic?" Dagdag ko sa tanong sa kanya. Ngumiti sya sa akin at lumapit ng bahagya. Inilapit nya ang kanyang mukha sa aking tenga
"Sindihan mo iyan. Ibulong sa sarili ang iyong hiling at sa gayun makakamit ang iyong minimithi" matapos nyang sabihin ang mga salitang yun ay agad siyang naglakad palayo sa akin, mabagal, nangungugod at nakahawak ang kanang kamay sa likod ng kanyang leeg. Paulit ulit ko syang tinawag pero hindi sya lumilingon o huminto.
****
Nakarating ako sa bahay. Pagod na pagod at gusto ng matulog kaya dumiretso na ako sa kwarto. Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang napakalaking poster ng popU. Kung makikita ay punong puno ang kwarto ko ng malalaking litrato at posters ng popU.
Inihagis ko ang bag ko sa kama at agad na nagtungo sa cabinet. Pagkabukas ko ng kabinet ay kinuha ko ang aking pamalit na damit. Nang akmang isasara ko na ang pinto ay nakita ko ang napakaraming litrato ni Neon. Oo tama kayo, ang mukhang nakabalandra sa pinto ng aking kloseta ay si Neon Drake Buendia. Masugid nya akong tagahanga noon pa man. Nagustuhan ko sya dahil para siyang binata version ng tatay nya si Mr. Ely Buendia. Halos kilala ko na siya pero tila may bahagi pa ng sarili nya ang hindi ko pa natutuklasan, nasabi ko iyan dahil sa inasal nya kanina. Pero alam kong malalaman ko rin kung ano yun pagdating ng panahon.
Agad na akong nagpalit at humiga sa kama. Kinuha ko ang bag ko upang kunin ang cellphone ko. Kinapa-kapa ko sa loob ng bag pero iba ang nahawakan ko. Hinugot ko kung ano yun at nakita ang kandilang bigay sa akin ng lolo kanina.
Bigla akong napaisip at naalala ang sinabi nya kanina 'ibibigay nyan ang hinihiling at sinisigaw ng iyong puso' totoo kaya ang sinabi nya? Pano kong hindi? Wala naman atang masama kong susubukan.
Sinindihan ko ang pulang kandila, ipinatong ito sa mesa at pumikit. Makalipas ang ilang sandali ay nagulat ako ng bigla akong tawagin ni mama. Iminulat ko ang aking mata.
"Opo andyan na" sigaw ko at agad na lumabas ng kwarto.
Pagkabalik ko sa kwarto ay pinuntahan ko kaagad ang nakatirik na kandila pero nagulat ako ng makitang natunaw na iyon at wala na itong apoy.
Ubos na agad? Pero kasi- Haayyy! Hwag nalang. Mabuti pa matulog na ko maaga pang pasok ko bukas.
BINABASA MO ANG
Pop U (Eraserheads)
FanfictionPara po ito sa matagal at masugid na taga hanga ng Eraserheads. Pano kung matupad ang matagal mo ng pinapangarap na makilala ka ng bandang idolo mo, pero ang di inaasahan ay babalik ka sa panahong nakaraan, sa panahong nagsisimula pa lamang ang yugt...