4: 1989

235 76 24
                                    

Chloe's POV

Nagising ako dahil sa ingay. Ingay na para bang may naglalambungan sa harap ko. Iminulat ko ang aking mga mata at iniangat ang ulo. Nakita ko ang isang babaeng kilig na kilig habang nakatingin sa lalaking kumakanta at naggigitara. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng lalaki pero pamilyar sa akin ang timbre ng kanyang boses. Ipinikit ko ang aking mata. Huminga ako ng malalim at dinamdam ang paligid. Ngayon ko lang nalaman na nakaupo pala ako habang natutulog. Matigas ang inuupuan ko at may nakakabit itong lamesa. Iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan ko ang bagay kung saan ako nakaupo at nagulat ng malamang isa iyong armchair.
Ano? Nasaan ba ako? Ipinikit ko uli ang aking mata, hinagod-gagod ito at saka iminulat uli. Nakita ko ang napakaraming armchair, pisara, pinto, bintana, babae, gitara, at si-

Nagulat ako sa sunod kong nakita. Si Sir Hector. Oo nga si Idol Hector Zabala. Halos di na ako makahinga sa sobrang saya at kilig. Nakita ko sya. Sinampal, kinurot, at sinuntok ko ang sarili ko upang malaman kung totoo ba ang nakikita ko ngayon. Totoo nga, gising ako at kaharap ang idol ko. Tumayo ako at nilapitan siya, patuloy parin sya sa pagkanta. Napatigil siya ng bigla akong...

"Sir hector" sigaw ko sabay yakap sa kanya. Bigla nalang umalis yung babae kanina na para bang nagalit sa ginawa ko. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Napansin kong parang nagulat ata siya sa ginawa ko, pero bakit naman dapat expected na yan na pagmay lumapit sa kanya ay tagahanga nya yun.

"Oh wait, sir ako? Hector? No no no. Buddy
Im Buddy Zabala." sabi nya sabay ngiti. "You can call me buddy" masaya nyang idinagdag ang mga salitang yun sabay iniabot ang kaliwa nyang kamay. Agad ko itong iniabot.

Doon ko lang napansin na nagiba ang itsura nya. Pumayat sya, walang balbas, at bumata, sobrang bata na para bang limang taon lang ang agwat ng edad nya sa akin. Pero paano? Anong nangyari? Nasaan pala ako? Pero alam kong hindi ito panaginip eh.

Muli ko syang tiningnan at inusisa. Napakunot nalang ako ng noo dahil hindi ko alam kung bakit ba ganito.

"Uy uy" sambit ni Mr. Hector "Anong problema miss?" Dagdag nya sabay ngiti

"Wala lang...Teka may tanong lang ako. Nasaan ba ako? Anong lugar to?" Bigla syang napatawa dahil sa tanong ko. Nagtataka ako kung bakit naman sya natawa eh karapatan ko namang magtanong. Tumigil sya sa pagtawa at tumingin sa akin.

"Nasa UP Diliman ka, ano ka ba?" Natatawa parin nyang sabi.

Antagal pa bago ko na-gets yung sinabi nya...

UP?

Saan yun?

UP? Kung saan gumraduate ang PopU?

"Ha??? Nasa UP ako?" Gulat na gulat kong tanong. Tumango naman sya habang ngumingiti

"Teka teka. Paano ako na punta rito? Anong petsa pala ngayon? Anong oras na? late nako. Patay ako nito. Paano ako makakalabas dito" praningning mode na ako. Hindi ako mapakali, palakad-lakad at nakakunot ang ulo. Hinawakan nya ang braso ko dahilan para mapahinto ako sa paglakad. Lumingon ako sa kanya, tumayo sya at humarap sa akin.

"Isa isa lang ang tanong ok? Mahina ang kalaban" aniya, huminga sya ng malalim saka nagsalita "Hindi ko alam kung paano ka napunta rito pero kanina ka pa natutulog dyan, tumutulo na nga yung laway mo kanina" napahalos ako sa gilid ng bibig. Pinahiran ko ang gilid ng aking labi gamit ang kamay ko at saka tumingin ulit sa kanya.

"Today was december 12, 1989 alas singko ng hapon at-" naputol ang pagsasalita nya ng meron kaming narinig na nagsalita sa may pinto. Agad kaming lumingon at nakita ang isang lalaki na nakatayo sa pinto. Nakasuot sya ng maong na pantalon, puting t-shirt at saka bonnet.

"Oh Marcus" masayang bati ni buddy
"Halika na buddy tutugtog na raw tayo. Kanina ka pa hinahanap namin nina Raymund" dahil sa sinabi ni Marcus agad na lumapit si Buddy. Muling lumingon sa akin si Buddy

"Oo late kana ata. Cge bye" aniya at saka umalis pero tila hindi ko narinig ang sinabi nya dahil hindi maalis sa isip ko ang sinabi nya kanina.

Ha??? 1989??? Paano? Paanong? Panong? Pero imposible. Paano? Ano to magic? Magic?

MAGIC?

Oo nga!

Dahil sa naisip naalala ko yung sinabi lolo ni 'ibibigay nito ang hinihiling at sinisigaw ng iyong puso' pero paano? Yung hiling ko. Dahil siguro ito sa hiling ko.

Flashback...

Sinindihan ko ang pulang kandila, ipinatong ito sa mesa at pumikit. Huminga ako ng malalim, dinama ang sarili at inisip kung ano ba talaga ang gusto ko. Biglang pumasok sa isip ko si Rio. Pero bakit sya? Umiling iling ako at binura ko ang tungkol sa kanya sa isip ko.

Bigla kong naisip ang popU. Oo ito ang tamang panahon para hilingin ko ito.

Bumulong ako sa sarili ko. Gusto kong makasama ang PopU at maging- naputol ang mga yun dahil sa bigla akong tinawag ni mama.

Iminulat ko ang aking mata at naglakad palapit sa pinto. Nang akmang lalabas na ako ay napatigil ako at napatingin sa nakasinding pulang kandila. Nais kong maging parte ng buhay nila at makilala pa sila ng lubos.

Isinara ko ang pinto at agad na lumabas....

Oo nga binulong ko yun pero ito ba talaga ang katuparan ng hiling kong yun? Paano ako makakabalik? Kailangan kong mahanap si lolo. Pero nasaan siya? Paano ko siya hahanapin?

Bigla kong naalala si Buddy. Baka matulungan nya ako. Patakbo akong lumabas sa pinto ng silid na yun at hinanap si Buddy pero hindi ko siya nakita.

"Buddy? Sir hector? Sir Hector Zabala?" Pilit kong tinatawag ang pangalan nya habang naglalakad sa pasilyo ng skwelahan na yun. Medyo madilim na ang langit at nagaagaw na ang araw at buwan. Saan ako nito pupunta? Ano ng gagawin ko ngayon?

--------------
Hello po. Ok lang po ba? 😊 sorry po kung ngayon lang ako nakapag-update, busy po kasi sa school sunod-sunod ang mga langyang exams at kailangan ko po kasing mag-aral every night 😄

Salamat po sa patuloy na sumusuporta sa story ko. Makakaasa po kayong mas gagalingan at gagandahan ko pa po ang next chapter.  Bye bye na po muna~

Pop U (Eraserheads)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon