Mikee's POV
Di ko pa rin talaga maisip kung bakit ganun ang nangyari, lasing ba sya? O dahil madilim, di nya nakita ng malinaw ang mukha ko? O baka may-
"SH*T!" hiyaw ko ng mahiwa ko ang daliri ko.
"Anong nangyari Mikee?" Gulat na tanong ni Buddy
"Lutang ka na naman, tsong" ani pa ni Marcus habang pinabalot ng tela ang kamay ko.
"Sorry, di ko sinasadya"
"Nakakatawa ka talaga, tsong. Ba't ka sa amin nagsosorry eh hindi naman kami yung may sugat" kantyaw pa ni Marcus sa akin.
"Alam mo kami nalang dito, umupo ka na lang dun. Ipagluluto ka namin ni Marcus ng masarap na almusal" ngiting sabi ni Buddy habang itinuturo ang upuan sa dulo ng kusina.
"Gagamutin ko muna itong sugat ko, tapos pagbalik ko tutulong ako sa pagluluto" pangiting sabi ko sa kanilang dalawa
"Huwag na, kami nalang dito, baka madagdagan pa yung sugat mo, isumbong mo pa kami sa mama nyong dalawa ni Raims" patawang sabi ni Buddy habang naghihiwa ng sibuyas
"Ayieeeee" sabay panunukso naman nitong si Marcus habang nagsasalin ng mga itlog sa bowl.
"Alam nyo tumigil na nga kayo, baka magising pa si Raims madinig kayo" sabay kaming napalingon sa likod ng marinig ang boses ni Ely.
Gwapo nya talaga kahit bagong gising. Magulong buhok, medyo naniningkit na mata sa sobrang pamamaga dahil napasobra ang tulog, kahit siguro tumulo laway nito, gwapo parin to.
"Huy! Mikee, akala ko ba gagamutin mo yang sugat mo" bigla akong nabalik sa ulirat at nagulat ng malamang natulala na naman ako dahil kay Ely.
Huli ng malaman kong wala na pala sya sa harapan ko. Napatakip ako sa mukha ko sa sobrang hiya.
Shit
"Sige akyat na muna ako"
"Huy-" dali-dali akong umakyat sa kwarto ko at di na pinansin ang pagtawag ulit sa akin ni Buddy. Ayokong makita ang reaksyon ni Ely, jusko! Baka ano pang maisip nun sa akin.
Kinuha ko muna ang alcohol, bulak at plaster sa banyo ng kwarto ko sa itaas. Naalala ko din pala ako marunong gumawa nito sa sugat ko, parati kasing si mama ang gumagamot ng sugat ko noon.
"Mama may dugo po" umiiyak akong pumunta kay mama at niyakap sya.
Nadapa ako habang tumatakbo pauwi sa bahay, hinahabol kasi akong ng asong ligaw. Buti nalang di ako naabutan nung aso nung pagkadapa ko.
"Huwag ka kasing tumakbo pagnakakita ka ng aso" sabi pa ni mama habang inihahanda yung mga gagamitin sa paggamot ng sugat ko.
Nilinis nya ng bulak na may alcohol yung sugat ko, kinuha nya sa box ng mga gamot ang kaisa-isang mahiwagang ointment nya na parang isang magic na mabilis na nakakagaling anumang sugat ko ng walang naiiwang peklat.
Kahit nung lumaki na ako ay yun pa rin ang ginagamit ni mama pero di ko talaga maalala kung ano ang pangalan nun, ang alam ko ay kulay puti ang lalagyan nito at sobrang hapdi pagnilagay sa sugat.
"MAGIC OINTMENT!" masaya kung naisigaw sabay turo sa bagay na nilabas ni Raims habang papalapit sa akin.
Di ko alam pero bigla syang natawa dahilan para mapayuko at mapakamot ako sa ulo ko.
Argh! Nakakahiyaaaa!
"Alam mo ang cute mo" nanlaki ang mga mata ko na napatingin sa kanya, at biglang nawala ang ngiti sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Pop U (Eraserheads)
FanfictionPara po ito sa matagal at masugid na taga hanga ng Eraserheads. Pano kung matupad ang matagal mo ng pinapangarap na makilala ka ng bandang idolo mo, pero ang di inaasahan ay babalik ka sa panahong nakaraan, sa panahong nagsisimula pa lamang ang yugt...