Kabanata 3: Bukang-liwayway

12 1 0
                                    

Kinabukasan.

Okay! Ready to go. Ang guwapo mo talaga Aomi Nathan Regal! Poging photographer ah. Maaga akong nagising ngayon kasi may kailangan akong gawin sa school. Oo, ganito kaaga, alas sais! Meron kasi akong gustong kunan ng litrato na sa ganitong oras ko lamang pwedeng gawin. You know, photographers will take all the risks just to take the best shot and this is one of those. That's my job afterall!

"Yooss! Ma, alis na ako", sabay kiss kay mama.

"Sige anak. Mag-ingat ka okay?"

"Yes, ma.", sabi ko kay mama. Siya nga pala isang doctor si mama at pareho sila ni papa. Nagkataon lang na si papa ay naka-duty ngayon kaya wala siya dito sa bahay.

Sa school.
Okay, ibang-iba talaga ang school pag ganitong walang tao.... so peaceful. And now, time to go to my recent favorite spot which is the rooftop.

Marahan akong naglakad  papuntang rooftop para doon kunan ang candid shot for the sunrise of the day. Tamang-tama lang ang dating ko kasi palabas na ang araw. Wow, this is my first time to see sunrise in our school and it is so beautiful. Namangha ako sa aking nasaksihan kaya nanatili muna ako sa rooftop ng mga ilang minuto pa para pagmasdan ang magandang view. Bigla akong napalingon sa room ng art club kasi bukas ang ilaw doon. I decided to go there and see kung may tao na roon or baka nakalimutang patayin ang ilaw. Sayang kaya ang kuryente pag nagkataon.

Nang makarating ako doon, bahagyang nakabukas ang pinto. Unti-unti akong lumapit at sumilip para alamin kung may tao ba sa loob. Wala akong nakita. Pumasok ako and I am amazed with what I saw. That was my first time entering the Art Club room. Literal na napanganga ako sa ganda ng mga paintings na naroon at lahat ng mga iyon ay gawa ng kapwa ko estudyante. Naglibot ako sa loob, since andun na nga lang ako ay nilubos-lubos ko na. Naglalakad ako at pinagmamasdan ang mga paintings nang bigla kong nakita ang isang estudyante na nakasandal sa pader at natutulog. Grabe, natutulog siya sa school na naka-apron at halatang may tinapos na painting. Sa una hindi ko siya namukaan pero nang umupo ako at pinagmasdan ang mukha niya ay doon ko siya nakilala.

First time ko siyang nakita from this room noong nasa rooftop ako kahapon, from that window on the right and afar. But today ng malapitan, I can see her long eyelashes, high-bridge nose and fair skin. May pintura sa kanyang kamay and can't be denied that she is a painter.

She's like a flower who is waiting for the sun... for her to bloom.

Click!

"Elegant and beautiful", I softly whispered.

Habang pinagmamasdan ko siyang natutulog, bigla kong naalala ang paintbrush na napulot ko kahapon. Hinanap ko iyong mga gamit niya and for sure sa kanya iyon kasi lahat ng brushes na naroon ay  kulay red ang handle.

She really is sleeping safely and sound, so I decided not to disturbed her by not creating any noise. Mukhang pagod kasi siya. I will just leave the paintbrush there.

Nang naglalakad ako sa hallway, hindi siya mawala sa isip ko. Ang mahahaba niyang pilik-mata, matangos na ilong at makinis na kutis... pati ang gawa niyang painting...all of those are so adorable..  throb!

Ha? This is not good. Aomi, umayos ka kung hindi, ibabato ko itong camera mo. Something must be wrong with me. Yeah, maybe. Inaantok pa siguro ako. Oo, siguro nga. Hahaha

Ipinawalang-bahala ko na lang ang aking naramdaman. Thinking that maybe it's just a delusion of mine...

Aimi

Uwah, nakatulog ako ah. Stress reliever talaga ang mag-pinta especially in school early in the morning like this...walang istorbo. Hhmmm, sabay inat. Anong oras na ba? kinuha ko ang phone ko para tignan ang time. Seven-thirty... se-seven thirty??? Lagot! Kumaripas agad ako ng takbo para ayusin ang mga gamit ko without cleaning and counting my paintbrushes, ikinarga ko na lang lahat ang mga iyon sa bag. Malelate na kasi ako sa first period. Habang tumatakbo inaalis ko na rin ang mga pintura sa aking kamay. Multi-tasking para save sa time!

Bakit ba kasi hindi ako nagising ng maaga? Lagot! Nasa second floor  pa naman ako eh sa third floor ang first class ko ngayon, ang layo pa naman ng hagdanan. Ba't kasi di na lang palagyan ng elevator tong school namin... (habang tumatakbo ako ay andami niyo ng reklamong narinig no?)
Paliko at pa-akyat na sana ako nang may bigla akong makabunggo.

"Aray!", sigaw ko habang nagkalat naman sa sahig ang mga gamit ko.

"Sorry", sabi nang nakabunggo ko. Pero hindi ko na lang pinansin at patuloy lang ako sa pagpulot.

"Malas ba ako sa araw na ito? Nagmamadali na nga ako eh, tas eto pa?", I unconsciously uttered.

"Sorry, nagmamadali rin kasi ako", sagot niya.

"Ohh, pasensya ka na rin. I'm at fault din kasi hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko." Sagot ko nang hindi man lang sinulyapan kung sino siya. Nevermind, I'm really just in a hurry.

Nang mapulot ko lahat ng aking gamit ay nagpasalamat na lang ako sa kanya sabay takbo nang mabilis paakyat ng hagdan. Hingal na hingal ako nang nakarating ako sa tapat ng room namin. Nagtaka ako kasi ang ingay sa loob. Bakit kaya? Pumasok na lang ako na hingal na hingal pa rin.

"Good morning, Aimi!", bati sa akin ni Mari.

"Good morning din, Mari! Bakit ang ingay nila?," tanong ko sa kanya.

"Ah, happy lang ang mga iyan kasi wala si Sir Torres ngayon. Alam mo na, wala ang terror Math teacher natin!", ika ni Mari sabay tawa.

"Ha? Nagmadali akong pumunta rito, hingal na hingal at may nakabunggo pa sa may hagdan tapos wala lang pala si sir?", sabi ko sa best friend ko.

"Haha. Yup!", sagot niya habang tumatawa pa rin.

"Hooh! Mas mabuti na rin siguro. At least hindi ako mapapagalitan kasi late na ako", sagot ko kay Mari.

Napa-upo na lang ako at saka bumawi ng hininga. Nang makapagpahinga na ako ay agad kong binuksan ang aking bag kung saan ko inilagay iyong mga paintbrush. Nilinis ko ang mga ito at sa hindi ko alam na dahilan kumpleto na ulit iyong paintbrush set ko nang bilangin ko ito. Nawala kasi iyong isa kahapon. Sa isang brush na nasa bag ko ay may naka-kalakip na strip of paper.  Dahan-dahan ko itong tinggal kasi naka-scotch tape baka kasi mapunit. Then, I read and it says,

[ Bukang-liwayway... you really are master of your art. - A.N. ]

"A.N.? Sino kaya ito? Tsaka, bukang-liwayway? Nakita niya nga kaya iyong ginawa ko?", mga tanong na naglalaro sa aking isipan nang mabasa ko ang note.

"Aba, ano yan Aimi? Love letter? Pumapag-ibig na ba ang bestfriend ko?", tumatawang tanong sakin ni Mari.

"Sira, pumapag-ibig ka diyan. Alam mo naman na NBSB ako di ba?"

"NBSB? Anong konek ng pagiging NBSB mo sa tanong ko?", ika ni Mari.

"Well, you know I will not give up that title not unless  my Mr. Right  will ask me to to drop it!", nagpapantasya kong sagot sa kanya.

Tumawa ng malakas si Mari dahil sa sinabi ko.

"Bessy, kailangan mo ba nang sampal baka inaantok ka pa?", tumatawa pa rin niyan tanong sa akin.

"Ha-ha. Sige tawa pa ah. Insulto pa more, total bestfriend naman kita... okay lang. Mamaya may bayad na ang pagtawa kaya lubos-lubusin mo na", inis kong sagot sa kanya.

"Sorry, pero ang corny mo lang kasi talaga sa sinabi mong iyon . . . Okay na ako.",  huminto na siya sa pagtawa.

"Ano ba kasi iyan, patingin nga!", sabay hablot sa hawak kong papel.

"Bukang-liwayway... you really are master of your art. A.N.. Sino to?, tanong niya sa akin.

"Hindi ko rin alam. Pero ang sigurado ko lang na ang nakapulot sa paintbrush ko ang nagsulat niyan.", sagot ko sa kanya.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Imagine You And MeWhere stories live. Discover now