Kabanata 2: Paintbrush

9 2 0
                                    

One month ago.

"Aimi!", tawag ng kaklase and bestfriend ko at the same time habang ako ay naglalakad ng hallway papunta sa room ng club namin.

"Bakit, Mari?", tanong ko.

"Sasama ka ba sa amin ngayon? Bibili kami ng mga materials natin for our club kasi napudpod na iyong iba."

"Ah, kayo na lang siguro. Pupunta kasi ako sa club room natin", sagot ko sa kanya.

"Let me guess, may sumasagi na naman na magandang image sa isip mo no?", nakangiti niyang tanong sa akin.

I just replied her with a smile. Kilalang-kilala niya talaga ako and it can't be denied kasi childhoodfriends na kami since elementary.

"That's my bestfriend! Oh siya, mauna na kami. Bye".

"Sige, mag-ingat kayo". At pumunta na kami sa aming kani-kaniyang destinasyon. Nang makarating ako sa room, agad kong kinuha ang aking mga gamit sa pagpipinta saka isinet-up ang stand ng aking canvas. Pumwesto ako sa may bintana dahil sa mas nakaka-concentrate ako doon and at the same time, fresh air pa.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpipinta nang mapalingon ako sa rooftop ng kabilang building. Aba, akala ko ba restricted to students ang area na iyon, bakit may tao? Sino kaya ang mga iyon at mukhang galit pa ata iyong isa. Pinagmasdan ko lang sila nang maigi due to curiosity kung anong ginagawa nila roon nang biglang ihampas ang isang bundle ng papel kay... kay... Aomi? Aomi Nathan Regal?

Napatayo ako sa aking nakita. Lagot, I think I saw something that I must not. Mukhang nakabeast mode si Mr... Mr. President? ng photography club. Ala! Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon? Nagiging mga rule breakers na sila ah and surprisingly mga officers pa talaga?!

Di naglaon, umalis na si Mr. President. Sinundan siya ng aking mga mata hanggang sa maglaho siya sa aking paningin. At doon ko inilipat ang aking pansin kay Aomi. Noong tingnan ko siya, ay kasalukuyan na niyang pinupulot ang mga nagkalat na papel sa sahig. Ano kayang nangyari? Well, it's not my concern in the first place, pero I feel bad for him.

I don't know him well aside from he, being the Prince of the campus and hate to admit, he is an exceptional photographer. Well, kung may alitan man sila, puwes, walang wala ako doon. Pakialam ko ba!

Agad akong bumalik sa aking pagkaka-upo at itinuloy ang pag-pinta. Kahit sabihin kong wala akong paki-alam sa kanya at sa insidenteng iyon ay hindi ko maikakaila na sinusulyap-sulyapan ko pa rin siya kong ano na ang kanyang ginagawa. I was introduce by the author of this story na mabait ako, remember? So, malamang concern pa rin ako. No malice, siyempre.

Natapos ko ang isa ko na namang obramaestra ngunit andun pa rin siya at nakaupo. Sa hindi mawaring dahilan, gusto ko siyang ipinta. Agad akong kumuha ng panibagong canvas at itinabi ang una kong gawa sa ibang hilera ng mga works nang ibang mga members ng aming club. It is sunset and I think the surrounding, timing, angle and feelings are all connected to him now, which makes me feel sad while painting him. The orange sky is just like sympathizing with him and thus makes the view perfect for me in making this one. This painting is so sad that I just want to cry in his stead.

Hindi naglaon ay umalis na siya. Malayo man ako pero ramdam ko ang lungot na nararamdaman niya sa mga oras na ito. I really feel bad for him but thanks to him I created two paintings in this day. My belief when it comes to Arts... 'paintings are my emotions in canvases' but today, it's not my own...maybe I created something from a shared feelings through him.

I wrapped up the day with so much feelings, halo-halong feelings kumbaga. Since, four-thirty na ng hapon kailangan ko na ring umuwi. Marami pa akong ihahanda for next month. Next month kasi ang foundation day namin and we need to exhibit all the works of our club. same goes through with the others.

Aomi

"Wow, ang ganda pala rito sa taas. Sabi nila restricted area for students ang rooftop, pero hindi naman nakakandado ang pinto. Well mas mabuti na rin iyon, ang ganda kaya ng view, why do they need to keep it for themselves kung ganito rin pala kaganda ang masasaksihan," sabi ko sa aking sarili habang nasa rooftop.

Naglakad-lakad ako doon and from there kitang-kita ko ang ang kagandahan ng aming school. May mga estudyante na nagjo-jogging at naglalaro ng baseball siguro mga varisity ang mga iyon. I'm really amazed! Habang nasa itaas ako ay grinab ko na rin ang opportunity to take pictures. Nakatingin ako sa lens na aking camera ng bigla kong nakita ang isang estudyante sa isang room. Mas isinoom ko ang focus ng aking camera para maging malinaw at makilala ko kung sino iyon. It is Aimi Rose Solares, the number paint artist ng aming school. Kinunan ko lang siya ng pictures and pictures and pictures kasi she really looks amazing with her paintbrush in her hands.

Papaalis na sana ako since I captured a lot of beautiful pictures already nang biglang sumulpot sa aking harapan ang aming terror na president. Beast mode na naman at ako pa talaga ang pinag-initan ng ulo? malala!

Okay lang sana sa akin iyong panenermon niya eh kaso ibinato ba naman sa akin iyong mga hawak niyang papel? Kung hindi lang siguro siya ang aming president at hindi ko siya rinerespeto eh, pinatulan ko na. Nakakainit din kaya sa ulo 'yong ginawa niya. Akala ko pupulutin din niya kaso biglang umalis? Buti na lang maganda ang view at hindi nakakainit ng ulo kundi nakakalamig sa feelings pag nagkataon baka pinagpupunit ko na ang mga papel na iyon. Since, umalis si Mr. President, ako na ang pumulot sa kalat niya. After kong pulutin ang mga papel ay umupo ako at sumandal sa barikada. Ang sarap talaga sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Coool...

Binuksan ko ang aking camera at saka in-scan 'yong mga litratong nakunan ko habang nasa rooftop. Agaw pansin talaga sa akin si Aimi. Hindi ko alam kung bakit. I don't know her well but nakikita ko siya parati and matunog talaga ang pangalan niya when it comes to painting.

Itinuloy ko lang ang pag-scan and later, taking pictures again. Hindi ko namalayan na four-quarter na pala and at four-thirty may meeting kami. I need to hurry.

Five-thirty.
Isang oras na meeting pero parang naging dalawang oras dahil sa boring and still, naka-beast mode pa rin si Pres.. nakakabagot! Doon ko na rin ibinalik ang mga basurang papel na inihampas niya sa akin, joke! Important documents pala ang mga iyon tungkol sa meeting. Matapos iyon, ay agad ko nang binitbit ang aking bag papalabas ng office. Habang nasa hallway ako ay may napulot akong isang paintbrush na kukay red ang handle na panigurado sa Art Club iyon. Inilagay ko na lang iyon sa aking bag at ibabalik ko na lang kinabukasan nakakastress kasi ngayong araw na ito... #haggard mode.

Imagine You And MeWhere stories live. Discover now