When I met Peter Pan [ One-shot. Exo ]

472 7 4
                                    

"Sinong mag-aakala na totoo pala si Peter Pan?!"

*************

JULIANNA POV.

"Okay, class since 1 week na ang nakakalipas mula bumalik kayo dito sa school, it's time for me to arrange my seat plan." sabi nung adviser namin na si Ms. Romano. Mabait siya at maganda, kamukha niya si Alex Gonzaga, ang galing nga eh, sabi namin sumali siya sa Kalokalike, sabi niya ayaw niya daw at baka masilaw si Vice Ganda sa kagandahan niya, hahaha.

"Awww." ungol nung mga kaklase namin, magkakatabi na kase yung mga magkakabarkada, miski ako ayoko na rin, katabi ko na kase yung crush ko, si Mico Del Rosario, yung varsity na basketball player last year, kaso never pa kaming nag-usap, pero sana ngayon, kahit papano makapag-usap nadin kami.

"Mr. Abad, dito ka sa harapan, katabi mo si Ms. Abril" omo, totoo nga, naglilipatan na nga kami, ayoko na, uwi na ako, Del Rosario pa naman siya, ako Pantoja, huhubells lang.

"Mr. Bermudez, katabi mo si Ms. Abril at Ms. Bernardo, sa gitna ka nila" boy tapos girl kase ang arrangement namin at by apelyido. Nagtuloy tuloy lang na nagtawag si Ms. hanggang sa Mico na, jusko! Sana po huwag malandi ang makatabi niya, kundi talo ako, jusko kooo!

"Mr. Del Rosario katabi mo si Ms. Dimafuentes" Ah! Dimafuentes, safe ako diyan, best friend ko yan eh, hahaha. Salamat naman sa wakas, nakita ko na nagkwentuhan sila ni best, ang bilis naman, kelan pa sila naging close, parang hindi ko naman sila napapansin dati na magkausap, bakit ganun?! Bakit ang sakit? Bakit hindi man lang ako pinakilala ni Best kay Mico, tapos bakit nung ako yung katabi ni Mico, ni isang "Hi" wala?!

"Ms. Pantoja?! Ms. Pantoja! Are you listening?!" hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako ni Ms. kaya naman dali dali akong napatayo na parang sundalo, nakakahiya, kainin na po sana ako ng lupa, now na!

"Yes Mam!" sabi ko kay Ms.

"Nasaan ba ang katawang lupa mo? Kanina pa kita tinatawag ah!" sabi ni mam saakin, nakakahiya talaga.

"So-sorry po mam, natulala po kase ako sa kagandahan niyo" sanay tumalab ang palusot kong may kasamang bola na patalbog talbog, pero maganda naman talaga si mama, infairness!

"Bola pa Pantoja, haha. Ang sabi ko katabi mo si Peter Pan--"

"PETER PAN?!" totoo ba yung narinig ko?! Peter Pan?! Emeghedm, favorite cartoon character ko kaya yun, pero napaka imposible naman na may maging kaklase akong Peter Pan diba.

"Oo nga, si Mr. Peter Panlapi, ayun oh, yung cute na lalaki na nasa may bintana, kay gwapong bata! Ang ganda siguro ng mga magulang neto, ahaha!" eto talagang si mam, ano bang itsura niya?

Nakayuko akong pumunta dun sa tabi ni Peter, pero hindi ko pa siya nakikita, nahihiya kase ako eh, sumigaw ba naman ako na Peter Pan, parang nainsulto ko tuloy yung pangalan niya, jusko! Ano kayang sasabihin niya, na bully ako?!

"H-hi" bati ko, pero nakayuko parin ako, nakakahiya talaga.

"Hi, Ms. Julianna Jane Pantoja, nice to meet you, ako nga pala si Peter PANlapi" kailangan diinan yung PAN?! 

"So-sorry kanina ah, nainsulto ko ba yung pangalan mo?! Sorry talaga, please." this time, umangat na yung ulo ko, pero siya naman yung nakatalikod, nakaharap yung mukha niya sa bintana, may sinisilip siguro, infairness ang ganda ng buhok niya, ang gwapo siguro neto, niyahahahaha. Pero syempre kay Mico padin ako, haha.

When I met Peter Pan [ One-shot. Exo ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon