Di kita Iiwan(PROLOUGE)

26 1 1
                                    


Prolouge

DI KITA IIWAN??

Madaling sabihin pero mahirap gawin.Mga salitang binitawan nya,mga salitang may katumbas ng pangako nya,mga salitang pinanghawakan ko.

Pero ang mga salita din palang ito ang makakapag-pabagsak ng mga luha ko at makakapagdulot ng matinding kirot at sakit sa puso ko.

Ang sarap pakinggan sa pandinig mo pag galing sa taong mahal mo,kung gaano ka kasaya nung mga panahong binigkas nya ang salitang yan ganon naman ang lungkot pag hindi nya natupad.

Ang sakit isipin na yung taong alam mo na hindi gagawa ng makakasakit sayo,sya pala ang magdudulot sayo non..

Ang drama ko no??

Yan lang naman ang mga pinagsusulat ko nung mga panahong iniwan nya ako,nung mga panahon na daig ko pa ang namatayan,pero ngayon masasabi ko na moved on na ako sa kanya...wala na akong feelings sa kanya...

Tagal na non...apat na taon na ang lumipas ng iniwan nya ako...iniwan nya ako ng walang kahit anong salita ang nanggaling sa kanya...tss..hayaan na nga!!!past is past ika nga nila!!

"Cooooozzzzzz!!!!!!nagising ako sa ulirat ng madinig ko ang sigaw ng pinsan ko si melisa..

"Piste nman melisa!ano?kailangan sumigaw!?tsaka kelan mo pa natutunan ang pumasok sa kwarto ng may kwarto ng walang katok katok huh??"inis ko ng sabi sakanya habang pinandidilatan pa sya ng mata.

"Sorry naman coz!kase naman ehh!!!may ibabalita ako sayo,naeexcite lng ako."tuwang-tuwang sabi nya na nakahawak pa sa braso ko habang tumatalon talon pa.Naku tlaga!!!!para tlagang bata.

"Oh!?halata nga ehh.eh ano ba yang nasagap mo na nman na chismis ahh.??sobrang excited mo."

"Kase nga coz!wait,bago ko sabihin pwede bang painom muna ng tubig??kanina pa ako hingal na hingal oh..haleeerrr!tinakbo ko kaya simula sa bahay hanggang dito sa inyo!!"sabi nya ng nakapamewang pa habang ang isang kilay ay nakataas pa..minsan tlaga hindi ko malaman kung ano ba talaga tong pinsan ko ehh..

"Ako pa ang kailangan para mag abot sayo ng tubig!!??bumaba kana nga don!!susunod nlang ako!"sabi ko sakanya habang tinutulak sya palabas ng kwarto ko..

"Ikaw tlaga coz!!laging kang HB saken!!!eto na,bababa na ako,siguraduhin mo lng na susunod ka ahh,baka tulugan mo na nman ako??"

"Oo na sige na!!chupi na!!"sabi ko sa kanya sabay sarado ng pintuan ko..

Bago ako bumaba ay niligpit ko muna ang mga bagay na nakakapag paalala sa nakaraan nming dalawa..susunugin ko na to mamaya pag nakauwi na si melisa..gusto ko na syang ibaon sa limot..para saken kase matagal na syang patay..simula nung iniwan nya ko 4years ago tinuring ko na syang patay na para saken..

Pagtapos kong ligpitin ang lahat,tsaka ako sumunod kay melisa pababa at naabutan ko sya sa sala nanunuod at kumakain

"Oh melisa kala ko iinuman ka lang?bakit mo nilantakan yung pagkain sa ref?"pagsusungit ko sa kanya.

"To nman!crackers lng to coz!teka nga maupo kana nga lng dito sa tabi ko!sasabihin ko na sayo yung ibabalita ko"sabi nya habang hinihila ako paupo sa tabi nya.

"Ano ba kase yon?"naiinip kong tanong.

"Coz..........si Melvin.."biglang nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang pangalan na yon...ang pangalan nya..ang pangalan ng lalaking nangako saken na hindi nya ako iiwan..ang lalaking naging buhay ko 4 years ago ang lalaking minahal ko ng higit pa sa buhay ko..

"A-a-anong meron kay Melvin Mels??"hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko para tanungin si melisa tungkol sa lalaking yon,basta ang alam ko lang gusto kong malaman kung ano ang gustong sabihin ni Melisa tungkol kay Melvin.

Matagal bago nagsalita si Melisa,tinignan ko ang ekspresyon ng muka nya dahil alam kong nag aalangan syang sabihin sakin kung ano ang gusto nyang sabihin,dahil si Melisa nakita nya kung pano ako nahirapan nung nawala si nalang bigla si Melvin si Melisa ang nakasaksi ng lahat ng kahirapan ko,kaya alam ko na nahihirapan din syang sabihin sakin ito.

"Mels,sige na sabihin mo na kung ano yung tungkol kay Melvin."pangungumbinsi ko sakanya..

"Co'z si Melvin..nandito na sya sa Pilipinas..kadadating nya lng kani-kanina.."sabi nya at sabay na yumuko ang ulo

Hindi ko alam king anong magiging reaksyon ko..hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil masasagot na yung tanong ko kung bakit biglan syang nawala at kung bakit nya ako iniwan ng ganon kabilis o magagalit dahil ayoko na syang makita pa..

Napaupo nalang ako sa sofa at hnd na nagsalita pa,hihintayin ko nlang yung araw kung kelan kami magkikita ulit..tadhana nlang ang maglalapit saming dalawa..pero sisiguraduhin ko na sa araw na magkikita kaming muli,pinapangako ko na kayang ko na syang harapin..

DI KITA IIWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon