Lahat naman tayo ay nakaranas ng sakit
Mga bagay gusto o ayaw natin at laging napipilit
Napansin ko na ang buhay ng tao'y minamaliit
At kahit sa kapwa'y maging mapait.Yung mga Tanong magsalita, akala mo kung sino
Yung kung humusga sa kapwa, akala mo perpekto
Malamang eto yung mga problemado
Ginagawang libangan ang manlait ng taoAng hirap tumawa kung Hindi ka naman masaya
Kahit ngumiti ka pa, halata sa mata ang lungkot na nadarama
Kaya Hindi lahat ng tahimik nasa loob ng kulo
Sila lang kasi yung tipong marunong mag-isip bago kumiboHindi naman perpekto ang buhay ko.
Pero meron akong Panginoon na nagpapa-kuntento kung anong meron ako
Sana'y intindihin niyo, at isa puso
Dahil lahat tayo pantay at maysilbi sa mundo.