Ang nawawalang diary

265 10 2
                                    

"Dear Diary," Pangaasar ng mga kaklase ko sa akin.

Nagkataon kasi na nawala ko yung diary ko at hindi ko alam kung sino yung kumuha. Sa masamang palad, nabasa na ito ng buong skwelahan at sa minamalas nga naman eh araw araw nalang nila akong pinagtriripan. Kesyo daw napaka ambisyosa ko daw, assumera, feelingera't lahat lahat na.

Minsan nga eh gusto ko nalang lumipat ng school. Eh sa kahihiyan ba namang idinulot ng diary na yan. Tiniis ko yung pangaapi nila sa akin mga dalawang buwan nang nakalipas. Mula noong nalaglag ko yung P*tang diary na yan. At hindi ko pa talaga alam kung sino man yung kumuha nung diary ko. At kung nagkataon mang malaman ko kung sino nga, humanda siya sa kamandag ko. 

"Hooy Diary" Ayan na naman siya "Huuui DI-YA-RI, bingi ka ba?" 

Bahala sya jan sa buhay niya. Kung may kailangan siya edi tawagin niya akong sa pangalan ko. Simple lang naman kasi yung pangalan ko Anna Del Castillo. Mahirap 'bang bigkasin ang ANNA? Nakakainis.

"DAAAAA---YAAAA--RRRIIII" Aba nananadya talaga 'tong kumag na to ah

"Ano Ba? BALIW KA BA? HAA? MAHIRAP BANG BIGKASIN YUNG PANGALAN KO? GUSTO MO PILIPITIN KO YANG DILA MO?" Sigaw ko. Nakakainis kasi. Lakas niya talagang mangasar.

"Nakakabingi ka naman, ok sige kung ayaw mo na maibalik yung DA-YA-RI mo edi wag" Para namang may pakialam ako sa-- DIARY KO?

"Asan? Ba't naman kasi di mo agad sinabi?" Tanong ko

"Eh bakit? Sa lakas ng boses mo kanina parang kakainin mo ako eh"

Ah oo, yan si Haries Francisco. Ang lalaking naging puno't dulo ng mga kalokohang pinagsusulat ko sa diary ko na naging dahilan ng kahihiyan ko. Oo, gwapo nga siya pero pramis sa lakas nitong mangasar eh sigurado akong mamamatay ka. Crush ko siya since 1st year pero nung nagsimula na yung sunod sunod na kamalasan ko dahil na rin sa kanya, eh nawala naman kaagad yung paghanga ko sa kanya. Isinisi ko sa kanya ang lahat, dahil simula noong nagkagusto ako sa kanya eh nagkasunod-sunod na yung kamalasan ko sa buhay. At siya naman, mas sumikat pa siya dahil sa diary ko. Lakas talagang makapang-asar no?

"Tara sumama ka sa akin! Nasa FLag Pole" Ay sus ---nasa FLAG POLE?

"Huh? Sino bang naglagay nun dun? PAPATAYIN KO TALAGA KUNG SINO MANG NAGLAGAY NUN DUN!!!"  tanong ko habang tumatakbo patungong flag pole.

"Basta sumama ka nalang! Daming tanong eh"

FLAG POLE

Ba't andaming tao? Anong meron? Wala namang occasion ah? Kapag talaga may ginawa 'tong kabalastugan.. HAHABALUSIN KO SIYA. 

At nung nasesense ko na na may gagawin talaga siyang ikakahiya ko ay inunahan ko na siya..

"Hi Everyone!! Oo Ako si ANNA Aka------DIARY" Looks like i catched everyone's attention.

Halatang gulat na gulat sila sa sinabi ko. Pati yung mukha ni haries di na maipinta sa gulat. Let's face it, someone has to break the ice. Sumusobra na sila eh, and this time i'll make sure na hinding hindi na nila ako tatawagin pang Diary. At Ipapahiya ko lang naman 'tong lalaking ito na na naging dahilan ng pagdurusa ko. Yung palaging nang-aasar at nambubully sa akin sa loob ng dalawang buwan.

"It's been Two Months? Well masaya kayo? Halos sinira niyo na yung lahat. Halos wala na akong mukhang ihaharap sa skwelahang ito. Pinagmukha niyo akong tanga at walang kwenta! Daig ko pa yung basahan. We'll kung tanga ako at least hindi makitid yung utak ko. Simpleng diary lang Big Deal na Big Deal na sa inyo".

And now, it's time to face the monster.

"At Ikaw Mr. Haris Francisco, Bakla ka ba? Bakit big deal na big deal sa iyo yung mga bagay na pambabae? DIary lang naman yan eh, bakit gusto mo bang MAG DIARY DIN? O baka Scrapbook pa nga eh.. Well atleast ako napahiya ako dahil isinulat ko lang naman sa P*tang diary na yan na mahal na mahal kita and by that i can prove to any one that i'm straight. Pero ikaw? EWWW, to think na Varsity Player? Harthrob? Eligible Bachelor ng skwelahang to magkakainterest sa pagsusulat ng Diary? Ok i know that's rude. 

And alam ko yung mga consequences na mangyayari after ko tong gawin. But i have to do this for the sake of my own. And i can defend my side up to the principal's office.

"Tama ka, napakakitid ng utak ko para magkainterest sa diary mo. Napaka tanga ko dahil minahal mo na pala ako ng di ko nalalaman. Kung yun yung---- Ahh kung yun yung gusto mo IIWASAN NA KITA" Naluluha niyang sinabi.

"Oh eto na yung diary ko!! Pwedeng pwede mong ipagkalat yung mga sinulat ko dyan. Basahin mo muna and after that! You'll never get to see me again" He handed me his diary.

Dear Diary

ANNA <3

Alam mo ba? kasalanan mo rin naman

kung bakit araw-araw kang napapahiya

Eh ikaw kaya yung naglaglag ng Diary mong punong

puno ng mga Flower flowers eh.

Pero alam mo ba?

Pinapasalamatan ko yung araw na nilaglag mo yung 

diary mo. At yung bestfriend mo na si kenny? Yung pinaalis? 

Ako yung nagpaalis sa kanya dahil siya

yung nagkalat nung diary mo

Buti nga at naagaw ko kaagad sa kanya yun eh

Soryy ka pala kasi sinunog ko yung Diiary mo.

Ayaw ko kasi na may iba pang makabasa nun.

Kasi alam ko kung gaano ka nahihiya dahil lang dun.

Tsaka, pasensya ka na kung DIARY yung tinatawag ko sayo

Kasi nga hindi ka naman lumilingon kapag tinawag kita 

sa pangalan mo.

Alam mo ba na natuwa ako sa mga isinulat mo?

Kahit lalaki ako napakilig mo ako!! 

Alam mo ba kung gaano kaimportante yung Diary mo

Para sa akin? Dun ko lang nalaman na Mahal mo pala ako.

Kaya sa araw na ito. Magtatapat na ako.

Pangako simula ngayong araw na to hindi ka na nila aasarin.

Ako nalang ang tatawag ng diary sa'yo

At Ipagtatanggol kita sa kanila. 

Love Haries... <3 143 Anna

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Magkahalong tuwa at panghihinayang yung nararamdaman ko. Tuwa dahil nalamn ko na may gusto din pala sya sa akin. Pero panghihinayang dahil trinato ko siya ng masama. I'm the Jerk, i messed up!! BULLSHARK

And after reading his diary. BIGLA KO NALANG SIYANG NIYAKAP..

At nagulat naman ako dahil niyakap niya akong pabalik. Sa kabila ng nangyari nagawa niya parin akong yakapin?? Hindi ko alam...... Nahihiya ako. But it felt good knowing that he'll protect me. 

THE DIARY IS FOUND

The End

[ A/N - Ano guys? Maganda ba? Vote Comment, suggest, voice out your opinions..

I love you guys!! Muwaaah <3 

Uljang_YJ

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Pinakainiingatang Diary (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon