Lahat binigay ko sa'yo.
Gamit, damit, alahas, oras, puso.
Ganun lang siguro ako kapag nagmamahal-todo.
Yung tipong handang magmukhang tanga para lang sa'yo."Gusto kita!"
Ganito lang dapat ang paghanga.
"Gusto rin kita!"
Dito nagsimula ang iyong pagpapaasa.
"Mahal kita!"
Noon ay pinaniniwalaan ko pa.
"Mahal na mahal kita!"
'Di nagtagal ay sinumbatan mo ng "Sorry na!"Ngayon, iyon na rin ang sagot ko.
Iyon na lang ang maiaalay ko sa'yo.Sorry na,
Hindi na pala ako ang nasa puso mo.
Sorry na,
Hindi ko na dapat pinilit ang pag-ibig ko.
Sorry na,
Matagal ko na dapat 'tong isinuko.
Sorry na,
Hindi pala ako ang para sa iyo.Sorry na,
Minahal kasi kita.
Sorry na,
Sa'yo kasi ako naging masaya.Sorry na kasi hindi na kita mapapaligaya.
Sorry na kasi hindi na kita maaaring ibigin pa.Written: July 6, 2016
BINABASA MO ANG
Inked Thoughts
PoetryA collection of poems about various topics. Credits to @Sofieeesticated for the awesome cover!