[Clauss' POV]
Sa muling pagmulat nang aking mga mata matapos ang napakahabang pagkakahimbing ay muli kong nasilayan ang kwarto ng lalaking dumakip sa akin. Namataan ko sa gilid ng malambot at komportableng kama na aking kinahihigaan ang isang baso ng tubig na nasa ibabaw ng maliit at antigong lamesa. Bakas ang kalumaan ngunit mahahalata mong matibay at mamahalin ang kagamitan. Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang isang basong tubig at tuloy-tuloy na nilagok ito. Dala nang sobrang pagka-uhaw ay hindi ko na inalintana kung malinis ba ito o hindi.
Naging napakatahimik din ng buong kwarto. Hindi ko napansin ang bakas na maaring naririto ang lalaki. Mula sa pagkakahiga ay pinilit kong tumayo. Kaiba sa una kong naramdaman nang ako'y buhatin ng lalaki ilang araw ang nakakaraan ay maayos na ako. Naghilom na ang mga sugat na kanyang iniwan sa aking katawan. Sandali akong nanginig ng maalala ang aking sinapit sa kanya. Nang kanyang sugatan ang aking likuran na nag-iwan ng mga peklat sa aking balat. Ang hindi maka-taong magpunit niya sa aking pang-upo gamit ang labaha. Nang mga oras na iyon ay nawalan na ako ng pag-asang mabuhay. Ngunit heto ako ngayon, nananatiling buhay at humihinga. Marahil hindi ko pa talaga oras. Marami pa akong pangarap. Higit sa lahat ay kailangan ko pang tumakas.Sa paglapat ng aking mga paa sa malamig na sahig ng kwartong aking kinalalagyan ay isang antigong salamin ang akin muling nasilayan. Agad akong tumayo at dahan-dahan na nilapitan ito. Marahang dinampian ng aking mga palad ang gilid ng salamin na kasing haba ng isang tao at may lapad na kalahating dipa. Ang magarbong pagkaka-ukit ng disenyo nito ang patunay na matagal na ang salamin.
Muli kong nasilayan ang aking repleksyon. Ang aking kabuohan na bakas ang kapayatan dulot ng hindi tamang pagkain at paghihirap na aking dinanas sa ilang linggong pananatili ko rito sa sinumpaang lugar. Sa impyernong bahay nang lalaking hindi ko alam kung anong balak sa akin bukod sa pahirapan at gawin akong parausan. Bago tuluyang umalis sa harapan ng salamin ay minabuti kong tignan ang peklat na naging bunga ng kanyang kahayupan. Dahan-dahan akong tumalikod at sinuri ang aking peklat sa likuran.
Ganoon na lamang ang aking pagkabigla sa aking nakita. Ang limag letra na nakaukit sa aking likuran ay nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa aking katawan. Mas lalo tuloy nadagdagan ang aking pagnanais na makaalis na sa lugar na ito. Sa piling ng lalaking estranghero. Ang lalaking nagbibigay sa akin ng pisikal, mental at emosyonal na problema. Ang lalaking nag-ukit ng salitang "MAHAL" sa aking likuran gamit ang bubog na ngayon nga ay naging isang permanenteng peklat sa aking likuran. Katulad ng mga pangyayari at ala-ala na aking nakuha sa pagtuloy ko dito ay hindi na ito kailanman maaalis sa aking sistema—sa buo kong pagkatao.
Iwinaksi ko agad sa aking isipan ang kakaibang pakiramdam ng mabasa ko ang sulat na iyon. Hindi ko lubusang kilala and lalaki kaya't hindi ko rin maintindihan kung bakit niya kailangan na isulat ng salitang iyon as aking likuran. Walang dudang may sira talaga as utak ang lalaking 'yun. Natatandaan ko pang sinabi niya name isa raw siyang doctor. Bagay na hindi ko pinaniniwalaan. Walang doktor ang nanaisin na malagay sa kapahamakan ang buhay ng isang tao.
Ipinagpatuloy ko ang paglilibot sa kwarto. Sinuri ang bawat sulok, naghahanap ng maaring maging susi sa aking pagtakas. Hindi tulad noon na padalos-dalos sa mga hakbang na aking ginagawa, ngayon ay nais kong maging maingat sa pagtuklas ng mga bagay-bagay. Kung kinakailangan kong makiisa sa mga bagay na gustuhin ng estranghero ay gagawin ko. Para sa aking kaligtasan—sa aking nalalapit na kalayaan.
Masugid ko pang nilibot ang medyo may kalakihan na silid hanggang sa mapadako ang aking paningin sa isang maliit na lamesa. Walang pag-aalinlangan ko naman itong nilapitan. Puno ng kuryusidad na hinalungkat ang lahat ng drawer. Nagbabakasakali na makahanap ng susi sa buong kabahayan, o kahit anong bagay na maaaring mapapakinabangan.
Isang maliit na litrato ang aking natagpuan sa pinakadulong drawer. Nakatalikod ito kaya't kaagad kong kinuha ang parisukat na bagay na pumukaw sa aking intensyon. Dahan-dahan ang ginawa kong pagharap ng litratong aking hawak. Ganoon na lamang ang aking pagkabigla ng makita ng dalawa kong mga mata ang tao sa likod ng larawan.
Bakas sa litrato ang kalumaan, medyo kupas na ang larawan ngunit hindi maikakaila na kahit saang anggulo tignan ay kilalang-kilala ko pa rin ang dalawang tao na magkayakap sa litrato. Ang lalaking estranghero na ang pangalan ay Almario batay sa sulat kamay sa gilid ng litrato na aking hawak. Bumilis muli ang tibok ng aking puso at pinagpawisan ng malagkit dahil sa aking nalaman at nakita. Hindi ko inaakala na maaring may kaugnayan ang aking pagkatao kay Almario.
Sinuri kong muli ang aking hawak, paulit-ulit ngunit walang nagbago. Mga mukha ng kanilang kabataan na parehong bakas ang kasiyahan at pagmamahalan sa kanilang mga mata. Si Almario at ang kanyang kasintahan na nasa larawan na aking hawak ay walang iba kung hindi ang aking Papa.
"Lucass" tinig mula sa pintuan na siyang naging dahilan ng pagbabalik ng aking isipan sa dapat kong pagtuunan ng pansin.
Nakita ko ang maaliwalas na bulto ni Almario sa bungad ng pinto. Nakangiti sa aking direksyon at may dala-dalang pagkain na nasa isang stainless na tray. Hindi katulad ng mga nakaraang araw na tila hayop ang pagtrato sa akin. Ngunit gaya ng aking inisyal na plano ay kailangan kong maging mautak. Kailangan kong sumunod sa mga gusto ni Almario para sa aking seguridad at sa aking inaasam na kalayaan.
"Hindi ako si Lucass. Clauss ang pangalan ko. Hindi ako ang taong gusto mo Almario, anak niya lang ako." Mahinahon kong tugon.
"Alam ko bata. Pero kamukhang-kamukha mo si Lucass, at kahit guluhin mo ang pangalan mo ay mabubuo mo pa rin ang pangalan ng iyong ama—ni Lucass." Sagot nito at ibinaba ang dalang pagkain sa lamesa.
Hindi na ako tumutol pa. Marami akong bagay na dapat malaman. Mas mabuti na manatili muna ako rito ng ilang araw pa.
"Halika Lucass, ipinagluto kita ng paborito mo." Tawag niya.
Hindi nga ako nagkamali sapagkat nakita ko ang paboritong ulam ni Papa na nakahain sa isang plato. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. May isang parte ng puso ko ang naawa sa kinahantungan ng pag-iibigan ni Almario at ni Papa, nagnanais na kilalanin siya ng lubusan. Ngunit ang isang parte naman ng aking pagkatao ay naghahangad na makalaya na sa mga kamay ni Almario.
Bago ako tuluyan na umupo ay isang tingin ang aking itinapon sa kanyang direksyon. Hindi karaniwan sa mga madalas na pagtatagpo ng aming mga mata ay isang lalaking puno ng kasiyahan at positibong pananaw sa mundo ang aking nakita, dahilan upang muling bumilis ang tibok ng aking puso sa hindi ko mawaring dahilan.
I T U T U L O Y . . . . .
Please do votes and leave some comments. We need 80 votes for the next update. Once you guys reached the quota we'll surely post the update. Thanks for the support. Lots of love.
*Please do read our other stories and don't forget to follow us.
--
A story Collaboration of KapitanJose & ImGrey
BINABASA MO ANG
Kiss Of Evil [BoyxBoy]
Mystery / ThrillerSa lugar na kailanman ay hindi mo nais puntahan. Kung saan naninirahan ang isang demonyong mapanlinlang. Mga halik na magdadala sayo sa kalangitan. Na magiging dahilan ng iyong kahindik-hindik na kamatayan. -- Mabilis na pagtakbo ang kanyang ginawa...