10. Broken Yet Holding On

3.2K 148 66
                                    

[3rd Person's POV]

Ngiti ang una niyang ginawa pagkagising. Ngiting ikinubli nang ilang taon. Ngiting pinagtatakhan niya kung paano ito muling naiguhit sa kaniyang nakakabighaning mukha.

"Clauss," iyon ang naisatinig niya. Siya ang kasagutan sa likod ng kaniyang pagkakalito at pagdududa. Siya ang muling bumuhay sa pagkataong walang pakundangang pinatay ni Lucass, na ama ni Clauss. Nakakatuwang isipin na parehong dugo ang lumunod at sumagip sa kaniya. Hindi niya inaasahan na muli siyang iuugnay sa dugo ng kaniyang dating mahal— minamahal at mamahalin.

"Sinta," katagang kusang lumabas sa kaniyang bibig. Kinapa niya ang bahagi ng kama kung saan nakahiga si Clauss. Agad naman siyang napadilat nang mapagtanto na wala ito sa kaniyang tabi. May parte sa isipan ni Almario na kinabahan. Agad naman nangibabaw ang sabik at gigil. "A little surprise isn't bad," bulong niya sa kaniyang sarili.

Napatitig siya sa lumang orasan na nakasabit sa sementadong dingding. Ika-siyam na ng umaga. Tiyak siyang matagal nang naghihintay ang kaniyang mahal  sa kaniyang presensiya.

Nagmamadali  niyang isinuot ang puting damit. Hindi na siya nagsuot ng pang-ilalim. Mahaba naman ang laylayan ng kaniyang damit upang matakpan ang kaselanan nito. Wala rin naman itong pakialam kung makita ng kaniyang mahal at mas tiyak na magugustuhan pa ng kaniyang mahal na makita ang bagay na kaniyang itinatago.

Narinig niya ang pagbagsak ng tubig sa banyo at dahan-dahan siyang naglakad patungo roon. Iniwasang lumikha ng kahit anong ingay. Sigurado siyang nasa banyo si Clauss at inaaliw ang sarili sa ilalim ng dutsa.

Palakas ng palakas ang tunog na iginagawad ng paghalik ng tubig sa marmol na sahig, gayundin ang ang kaniyang puso. May hindi siya maipintang nararamdaman. Bilang doktor, masasabi niyang hindi rin ito kayang itukoy ng agham at kahit anong sangay nito.

Bukas ang pintuan ng banyo na parang nagwiwika na patuluyin ang sinumang magtangkang lumapit dito. O di kaya'y sinadya ni Clauss na hindi ito sarhan. "What I must do to you, sinta?" sambit niya habang dahan-dahang tinutulak ang pintuan.

Pamilyar siya sa gawain ng kaniyang mahal. Parte iyon ng kaniyang pang-aakit. "Yes. Seduce me as you will, sinta," nakangiting bigkas ni Almario na may ngisi pa sa huling salitang binitawan.

Ngunit nagulat lamang siya sapagkat walang tao na nakatayo sa ilalim ng dutsa. Walang binatang nakatayo doon habang sinasamsam ang malamig buhos ng tubig. Walang humarap sa kaniya at nagsabi na saluhan siya sa munting pagliligo.

"Clauss," nanginginig-labing sambit niya. Agad niyang ginala ang paningin sa loob ng maliit na silid. Naghahanap ng kahit anumang bakas ng kaniyang pagkatao. Nangangalap ng patunay na hindi panaginip ang nangyari sa mga nakaraang araw. Pumasok din sa kaniyang isipan ang posibleng pagtakas nito.

Agad niya namang iwinasiwas ang ulo sa naisip. Alam niyang hindi iyon kayang gawin ni Clauss. Malaki ang tiwala nito sa kaniya. Alam nila kung anong namamagitan sa kanila— pag-ibig. Ang presensiya ng isa't-isa ang bumubuhay sa kanilang dalawa.

Lahat ng pagdadalawang-isip ay nabura nang nabasa niya ang nakasulat sa salamin ng banyo na kahapon ay wala pa. Siyam na letrang patunay ng pagmamahal ng binata sa kaniya. Dalawang salitang bumura sa lahat ng pag-aatubili. "Mahal kita," pagbabasa niya ng nakasulat sa salamin. Sapat na iyon upang manumbalik ang kaniyang lakas at bumalik ang tiwala sa binata. Na kahit papaano ay nakitaan niya ng seguridad. Lumabas ang doktor ng banyo bitbit-bitbit ang ngiti at galak.

"Clauss. Clauss. Where are you, sinta?" Pababa na siya ng hagdan at sinisigaw ang pangalan ng taong gusto niyang makita. "Are we playing hide and seek? Anong premyo kung matatagpuan kita?" Tinungo niya ang kusina, binuksan  ang mga kabinet na naroroon. Wala akong pinalampas kahit isa. Inusisa ang lahat na posibleng pagtaguan.

"Sinta, lumabas ka na." Binasag na niya ang babasaging lamesa, nagbabaka-sakaling nagtatago siya roon.

"Sinta," palakas ng palakas ang kaniyang boses na dumadagundong na sa loob ng mansiyon. Pinilit niya namang panatilihin ang ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi.

Tinungo niya ang sala. Binaliktad ang bawat sopang nakita. Maaring nasa likod ang kaniyang hinahanap ng maalikabok na kurtinang nakatakip sa mga bintana, kaya pinagbabaklas niya rin ito. Pumasok ang liwanag sa loob ng mansiyon, huli niya nang napansin ang kaniyang pinaggagawa. Nagulo muli ang pinaghirapang ayusin ng kaniyang mahal. Malayo na ang narating ng mga upuan at baliktad na rin ang platera. Sira-sira na ang mga bagay at kalat-kalat na ang mga kagamitan.

"Sorry, sinta. Aayusin ko na lang," bigkas niya habang kinakamot ang ulo. Pasipol-sipol pa siya habang inaayos ang mga nakalat na gamit. Pinagtatapun na din niya ang mga nasirang bagay. Minadali niyang tapusin iyon. Tiyak siyang naiinip na ang sinta niya sa kakahintay sa kaniya. Kinakailangan na niyang tapusin ang sinimulang laro upang makuha ang premyo.

Hindi na makakatiis si Almario na hindi makita si Clauss. Kinakailangan niya itong makita.

Tinahak niyang muli ang hagdan. Lakad-takbo ang kaniyang ginawa upang matungo ang kanilang silid sa pinakamaikling oras. Nakalimutan niyang tingnan ang ilalim ng kumot. Baka nagtatago ang binata doon o baka nasa ilalim lang ng kama.

"Papunta na ako, sinta." Hindi na niya nagawang hawakan ang seradura ng pinto at bigla na lamang itong sinipa upang mabuksan. Wala siyang sasayanging pagkakataon. Nais niya lamang mahawakan at mahagkan si Clauss ko.

"Clauss," natutuwang sigaw niya. "Sinta," pagtawag niya ulit na sa mas malakas na paraan.

"Puta! Nasa'an ka?" hindi niya na alam ang gagawin niya. Wala si Clauss, ang kaniyang sinta, sa loob ng silid. Wala ito sa loob ng mansiyon. Nawawala ito. Alam niyang hindi iyon tatakas, iyon ang pinakahuling gagawin ng binatang kaniyang mahal at handang pagbuwisan ng kaniyang buhay.

Sinabunutan niya ang sarili. Sinampal ang mukha nang ilang beses at baka-sakaling magising siya mula sa isang bangungot. Pilit kinontrol ang paghinga at mismong sarili.

"Putang ina!" Sinuntok niya ang sementadong dingding, ang tanging mapagbubuntungan niya ng inis at galit. "Nasaan ka? Nasaan ka?" paulit-ulit na bulong niya sa sarili.

Tumakbo siya palabas ng mansiyon. May gusto siyang malaman at patunayan. Bumalik siya sa lugar kung saan niya unang natagpuan si Clauss.

Hindi siya nagkakamali dahil may nakita siyang bulto ng tao sa ilalim ng poste. Malaki ang distansiyang namamagitan sa kanila kaya hindi malinaw ang mukha nito. Pero kilalang-kilala niya ang taong iyon.

Sa bawat segundong lumilipas mas bumibilis ang tibok ng kaniyang puso. Hindi dahilan ang mabilis nitong pagtakbo patungo sa poste, nangibabaw ang pangamba at pagkakasabik.

Napangiti siya.

Pagkarating niya sa ilalim ng poste ay walang bakas ninuman. Gulong-gulo na ang kaniyang isipan. Wari'y panaginip lamang ang nangyari nitong mga nakaraang araw.

Muling sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi, habang ang mga luha ay umagos sa mula sa kaniyang mga mata, na dumaan sa kaniyang pisngi, patungo sa kaniyang mga labi. Hindi niya maiwasang malasahan ang likidong iyon. Kasingpait pala ng luha ang kaniyang buhay.

Iyon na rin ang huling ngiting binitawan niya, sapagkat kahit isinuko na niya ang kaniyang buhay ay pinatay pa rin siya ni Clauss— ni Lucass.

I T U T U L O Y . . . . .



PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE SOME COMMENTS. THANKS!




- A STORY COLLABORATION OF KAPITANJOSE & IMGREY -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kiss Of Evil [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon