Playing With Destiny by Rainyleen
CHAPTER TWO
Sandy's POV
"Hoy Sandriah! Kanina ka pa dyan sa banyo! Baka nakahuli ka na ng isda!" Nabitawan ko yung tabo nang sumigaw si ate Vanessa mula sa labas ng banyo.
"Wait laaaang!" Sigaw ko din.
Kami nalang ng ate ko ang magkasama sa bahay. Ako nag-aaral habang siya, nagtatrabaho. Nasa probinsya kasi yung mama namin. Kung bakit siya nandon? Di ko alam, ayaw sabihin ni ate. Masyadong malihim ang ate ko sa mga bagay-bagay. Pag tinatanong ko nagagalit. Hindi ko pa nga yata nakakasama yung mama namin eh. Wala kasi akong matandaan. Sa tingin ko si ate Vanessa na ang nag-alaga sakin mula pagkabata ko.
"Hoy Sandy! Wag ka nang magswimming!"
"Ay kurimaw!" Kinuha ko yung twalya at lumabas na ako ng banyo. Malelate na pala ako.
Umakyat ako sa kwarto ko para magbihis.
Pagbaba ko...
"Ate alis na ko!" Paalam ko.
"Wait lang."
"Bakit?"
"M-May sasabihin ako."
"Ano yun?"
"Kailangan na natin umalis dito bago maglinggo."
"Huh? Bakit?"
"Di na kaya ng sweldo ko yung pambayad dito sa renta. Kailangan natin maghanap ng mas murang mauupahan." Paliwanag ni ate.
"Nakakalungkot naman. Kaibigan ko na kasi yung mga kapit-bahay natin eh."
"Ako din naman nalulungkot pero wala tayong magagawa. Kailangan natin makahanap ng mauupahan bago tayo palayasin dito."
"Bakit ba kasi hindi nalang tayo tumira sa pudar ni mama? Atleast di mo na kailangan---"
"HINDI PWEDE! DITO LANG TAYO SA MANILA! HINDI NATIN SIYA KAILANGAN PARA MABUHAY! KAYA KITANG BUHAYIN! DI TAYO AASA SA KANYA!" Galit na sigaw niya.
"BAKIT BA KASI DI MO SIYA IPAKILALA SAKIN? KAHIT PICTURE MAN LANG WALA KANG PINAPAKITA!" Umiiyak na sigaw ko. Niyakap niya ako.
"Wag mo na siyang isipin. Tayo nalang Sandy. Kaya naman natin eh. Di natin siya kailangan." Sabi niya habang yakap ako.
Vanessa's POV
Sana pwede kong sabihin sayo ang dahilan.
Sana kaya ko.
Pero mahina ako.
Hindi ko kayang umamin sayo.
Patawarin mo ako.
Masyado akong makasarili.
Sandy... Patawad.
Anak ko...
Patawarin mo sana ako.
Sorry...