Three

3 1 0
                                    

Playing With Destiny by Rainyleen

CHAPTER THREE

Sandy's POV

Hindi talaga ako matahimik. Parang may tinatago talaga siya sakin.

"Peep peep!"

Kung may tinatago man siya, ano yun? Bakit di niya sabihin para di kami nagkakaganito?

"Hoy miss!" Napatingin ako sa trycicle driver na galit na galit habang naglalakad palapit sakin.

"Ako?" Tinuro ko yung sarili ko.

"Ay jusko ineng! Kung magpapakamatay ka pwede wag dito? Pag dito ka nagpakamatay, pilay lang aabutin mo. Dun sa high way para sigurado!" Napakunot ang noo ko.

"Grabe ka naman manong!"

"Eh nasa gitna ka kasi ng kalsada eh!" Napatingin ako sa piligid ko.

Oo nga! Nasa gitna pala ako.

"S-Sorry po manong!"

"Oh sige basta sa susunod mag-iingat ka ha!" Kumindat pa si manong bago umalis.

"Yuck!" Tanging nasabi ko.

Pumunta ako sa waiting shed sa tapat ng school namin. Tapos na ang klase ko pero ayoko pang umuwi. Baka magtalo nanaman kami ni ate. Siguradong di ko mapipigilan magtanong eh.

"Stalker psh." Napatingin ako sa lalaking katabi ko. Natatakpan ng libro yung mukha niya kaya di ko makita kaya binalewala ko nalang yung sinabi niya. Baka nadadala lang siya sa binabasa niya.

Nilabas ko yung phone ko para tignan yung oras.

"Kukunan mo nanaman ba ako ng picture?" Binaba niya yung librong binabasa niya... And whut the?

"IKAW?" Gulat na tanong ko.

"Yeah it's me Miss Camera."

"Tss! Sinusundan mo siguro ako?" Tanong ko.

"Hindi kaya! Dito ako nag-aaral kaya nandito ako." Sh*t! Schoolmate ko siya?

"K." Tanging nasabi ko.

"Dito ka rin nag-aaral no?" Tanong niya.

"H-Hindi no! Working na ako!" Tanggi ko. Baka mamaya i-bully pa ko nito sa school.

"Working? Hmm... Kaya pala naka-uniform ka." Ayy! Oo nga pala.

"T-Trip ko lang mag-uniform! Dyan ako dati nag-aaral! Namiss ko lang mag-uniform!"

"Hahaha! Kaya pala pareho tayo ng libro na bibilhin sa NBS nung Thursday!" Boom! Wala na akong kawala eh.

"Oo na! Dyan din ako nag-aaral!" Pag-amin ko. Wala na akong maisip na palusot eh.

"Bat ka pa kasi nagdedeny?"

"Bully ka eh!"

"Hindi no! Bait ko kaya!"

"Weh?"

"Oo!"

"Tss!"

*Silence*

*Silence*

*Silence*

*Awkward Silence*

"Nu bayan! Umulan pa." Reklamo ko. Nakakailang naman kasi yung katahimikan eh.

"Ganyan talaga ang ulan. Kapag may problema ang tao, dadamayan niya." Nakatingalang sabi niya.

"Bakit? May problema ka ba?" Tumingin siya sakin.

"Madami."

"Gaano kadami?"

"Madaming-madaming-madami." Pilit na ngumiti siya. Gwapo talaga nitong loko na to.

Nagkatitigan kami sa loob ng sampung segundo.

Awkward.

Nag-iwas ako ng tingin.

Kainis! Nakakailang pala siyang katabi.

"Wooh! Anlamig." Ni-rub ko yung magkabilang balikat ko dahil nilalamig talaga ako.

"Here." Nagulat ako nang ipatong niya sakin yung coat niya.

At mas nagulat ako nang yakapin niya ako habang nakaupo kami.

Oh my ghad!

Kilig to the bones!  

Playing With DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon