Playing With Destiny by Rainyleen
CHAPTER FOUR
Sandy's POV
"Good morning!"
"Morning." Matamlay na sagot ko kay ate.
Malungkot tong araw na to para sakin. Ngayon na kasi kami lilipat ng bahay. Medyo malayo dito yung lilipatan namin kaya siguradong di ko madadalaw yung mga naging kaibigan ko. Pero good thing malapit siya sa school so pwedeng maglakad nalang ako pag papasok. Pero nakakalungkot talaga.
"Kumain ka na muna, mamayang 3pm dadating na yung truck na nirentahan ko para magdala ng gamit natin sa bagong bahay na lilipatan natin. Pero sa ngayon, may pupuntahan muna ako." Paliwanag ni ate.
"San ka pupunta?"
"Basta. Importante to. Babalik ako agad." Agad siyang umalis.
Hay naku! Anglabo niyang kausap.
Nagshower muna ako bago ako kumain.
Saktong 3pm nang dumating yung truck pero wala pa si ate.
Sabi niya babalik siya agad.
Buti nalang tinulungan ako nung driver nung truck na maghakot ng gamit.
"Salamat kuya ah?"
"Wala yun ma'am!"
"Ah kuya, dadalhin na na agad yung mga gamit dun sa lilipatan namin?"
"Opo ma'am."
"Wala pa kasi yung ate ko eh."
"Alam ko naman po yung daan."
"Sige kuya wait lang itetext ko si ate."
To : Ate Vanessa
Ate anong oras ka ba uuwi? Nahakot na namin yung mga gamit.From : Ate Vanessa
Sige na sumabay kana truck! Baka matagalan pa ko dito."Manong tara na po!"
"Sige po ma'am."
Nag-ear phone ako habang nagdadrive si manong. Ayokong makipagchikahan sa kanya no! Kadiri kaya! NBSB lang ako pero di ako desperada.
"Manong bakit tayo huminto?" Tanong ko.
"Dito na po yun ma'am."
"Ay ganun ba? Sige thank you po." Bumaba ako ng truck.
Okay naman yung bahay. Di siya kasing laki nung dati naming inupahan pero sakto lang dahil dalawa lang naman kami ni ate. Buti at dalawa ang kwarto. Di kasi ako sanay nang may katabi sa kama.
"Ikaw ba si Vanessa?" Salubong sakin nung babaeng medyo may edad na.
"Ah hindi po. Ako po yung kapatid niya. Sandriah po." Pakilala ko.
"Uhm nice meeting you Sandriah." Nakangiting sabi niya.
"Nice meeting you din po."
"Naku! Sayang at wala yung anak kong lalaki para magbuhat ng gamit nyo."
"Okay lang po. Kaya naman po ni manong tsaka san po ba nagpunta yung anak nyo?"
"Eh nandun siya ngayon sa papa niya. Hiwalay kasi kami ng papa niya pero dito siya nakatira, minsan dun siya natutulog."
Vanessa's POV
"Kung hindi ka naman nagtext hindi ako pupunta dito!" Pasalampak akong umupo sa sofa.
"Namiss lang naman kita." Nakangiting sabi niya.
"Miss mo mukha mo! Kailangan ko ng pera Cedric! Naghihirap na kami ng anak mo." Reklamo ko.
"Bat di mo nalang kasi aminin sa kanya ang totoo at magsama na tayo bilang isang pamilya? Sa ganun, di mo na kailangan magtyaga sa kakaprasong bahay."
"Hinding-hindi na mangyayari yun!"
"Isang pagkakataon lang naman ang hinihingi ko Vanessa."
"Hindi kasi ganun kadali yun lalo na kapag sobra yung pananakit na ginawa mo!"
"Hihintayin ko."
"Ang alin?"
"Na mapatawad mo ako at magkasama-sama tayo ng anak natin."
"Maghintay ka sa wala!"
"Kahit hanggang kamatayan, maghihintay ako."
"Pwe! Bigyan mo nalang ako ng pera!"
"10 thousand?"
"Kulang pero pwede na!"
"Gagawin kong 100 thousand kung..."
"Kung?"
"Ipapakilala mo na ako sa anak natin."
"Utut mo! Okay na muna ako sa 10 thou!"
Sandy's POV"Juice?"
"Naku! Hindi na po. Okay lang po ako. Mangungupahan po kami dito, hindi po bisita."
"Ganto ko kasi itrato ang mga nangungupahan samin." Nakangiting sagot ni Mrs. Agravante. Siya yung owner ng bahay.
"Salamat po kung ganun."
"Ito. Kunin mo na yan Sandriah. Ni-bake ko yan kanina." Inabot niya yung box ng cookies.
"T-Thank you po."
From : 09000999900
Meet me at *****, sa tapat ng 7'11Ngek! Sino itetch? Creepy naman.
To : 09000999900
Hu u?From : 09000999900
I'm Yuan, Miss Camera.Sh*t! Paano niya nakuha number ko?
Nagpunta ako sa 7'11 na sinabi niya at nandun nga siya.
"Ouch!" Reklamo ko nang pitikin niya ako sa noo.
"You're 15 minutes late."
"Wala ka naman sinabing oras eh! Kainis ka!"
"Kahit na!"
"Psh! Bakit ka ba nakipagkita?"
"Let's eat ice cream."
"Pfft--- HAHAHAHAHAHAH!!!"
"B-Bakit?"
"HAHAHAH Naka-shabu ka ba?"
"Hindi bakit?"
"Tinext mo ko para kumain ng ice cream? Ayos ah!"
"Ayaw mo?"
"Gustooo!"
"Edi tara!"
Pumasok kami sa 7'11 at kumain ng ice cream.
Angkyut niyang kumain ng ice cream haha.
"Baka imbis na ice cream ang matunaw, ako." Nakatingin sa ice cream na sabi niya.
"Huh?"
"Tinititigan mo kasi ako eh."
"Hindi no!"
"Hala HAHAHAHAH!!"
"Oy bakit ka tumatawa?"
"Para kang bata!"
"Huh?"
"M-May ice cream pa yung pisngi mo HAHAHAH!"
Napayuko ako at pasimpleng pinunasan ang pisngi ko nang hawakan niya ako sa baba at iniharap sa kanya. Pinunasan niya ng tissue yung pisngi ko.
O_O
"T-Thank you..." Nakalimutan ko yung name niya. Nakakahiyaaa!
"Yuan." Dugtong niya.
"Thanks Yuan."