Cerberus

18 1 0
                                    

"May naamoy talaga ako kanina"sabi nang isang boses-1

"Baka naman sarili mo"wika ulit nang isang boses-2

"Aba't naghahamon ka ba nang away?"inis na tanong ni boses-1

"Pag-umpugin ko kayong dalawa dyan! Halina't mag patrol sa kabila!"awat nang sunod na boses-3

Nang dahil sa curiosity, lumingon ako sa bandang kanan para makita ko yung mga imahe nang mga nagsasalita.

Kamuntikan na akong mapatili nang makita ko sila buti na lang at napigilan ni Nico yung sigaw ko sana.

"Ssssshhh!"suway niya sa akin habang tinatakpan pa din nang isang kamay niya yung bibig ko

"Ipapahamak mo talaga tayo"sermon niya sa akin nang maka alis na yung aso na may tatlong ulo.

Naguilty naman ako sa sinabi niya "Nagulat lang naman ako, first time kung makakita nang isang malaking aso na tatlo ang ulo"depensa ko sa sarili ko

"Perks of being maarte"sagot niya

I rolled my eyes at him "Dahan-dahan ka sa salita, you don't know me"sumbat ko

Nginisian niya ako "Oh I know, try me"sabi niya pa

Aba't napaka-arogante pala nang lalaking to!

Imbes na patulan ko siya ay naglakad ako papalayo sa kanya. Baka sumabog si Mt. Mayon pag hindi ako nakapagtimpi.

"Hey wait up!"asik nito

"Ugh this place is creepy"sabi ko sa sarili ko

Magdidilim na kailangan na talaga naming mahanap yung magic broom ko. I swear mas nakakatakot dito pag gabi.

"We should get going, alam kung gaya ko, ayaw mo ding maabutan nang gabi"seryosong sabi ni Nico

"30 minutes pa please"paki usap ko naman

"Fine, I think we should split up para mas madali yung paghahanap"suhestisyon niya

Napatingin naman ako sa kanya, seryoso ba to? Alam niyang takot ako tapos mag su-suggest pa nang split up.

"I think that is not a good idea"kontra ko sa kanya

"So you're scared now?"tanong niya sa akin, yung may halong pang-iinis

"Well maybe"I answered back

Parang nag isip naman siya sa sinabi ko "Fine pero 15 minutes na lang, I have a date later"preskong wika niya

"I guess I have no choice then" sabi ko na lang at nag focus sa paghahanap sa magic broom ko

Ayoko nang makipagtalo, grabeng abala na yung tulungan niya ako sa paghahanap. Nakakaguilty kapag hindi natuloy yung so called date nito.

Parang nagulat naman si Nico sa sagot ko, ine-expect niya sigurong magtataray na naman ako.

"I was wondering, bat dika na lang magpagawa nang bago?"tanong niya sa akin

"I can't, that magic broom has been passed down to generations, may sentimental value siya sa family ko"paliwanag ko naman and that turned me even sadder

Witchcraft AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon