"Zia!"
"Zia!"
"Zia!"
"3 minutes pa more yaya!"I retorted
"Yaya ka dyan! Get up or gusto mong mag shower kasama yang kama mo?!"
Dun ko lang narealize, wala nga pala ako sa bahay, unti-unti ko namang binuksan mga mata ko at nakita ko si Xyra na nakahawak nang isang basong tubig.
"Bumangon ka na dyan! Believe me hindi mo gugustuhing ma-late sa klase ni Prof. Minerva"dagdag nito at umalis na
Napa-face palm ako at dali-daling pumunta sa banyo para maligo. Naiisip ko pa lang na malalate ako sa klase ni Prof. Minerva, ohmygosh! I'm doomed.
Well just to give you guys heads up, ang ma-late kasi sa klase niya will be feeding her pets. Well buti naman kung napaka cute nila, kaya lang hindi eh! Most of the times trolls, dragons, etc.
Mabilis akong naligo, wala nang suklay-suklay. Naabutan ko silang nag aalmusal na.
"Goodmorning!"masiglang bati ko sa kanila
"Morning"sabi naman nila in unison
Kumuha ako nang hotdog, scrambled egg tsaka ko ito linantakan. Grabe ramdam ko yung gutom, hindi na kasi kami kumain kagabi, dala na rin nang pagod.
In an instant ubos ko agad kaya kumuha ulit ako nang second batch, this time bacon at ham naman.
"Hinay lang sa pagkain Z"sita ni Nhea at inaabutan niya ako nang isang basong gatas
"Thanks!"sabi ko naman
"I'll get going na, see you"paalam ni Abby sa amin
"Hindi mo pa nga nagagalaw yung pagkain mo"wika ni Lyca
Tumayo na si Abby "Diet"casual na tugon nito at umalis na
"Hayaan niyo na, kumain na lang tayo"sabi naman ni Xyra at nag focus kami ulit sa pagkain
---
"Hi"bati agad sa akin ni Nico, well we're classmates
Nginitian ko lang siya at naglakad papunta sa upuan ko
Naabutan ko naman ang natutulog na si Zero, pabagsak kung binaba yung bag at libro kung dala.
Himala walang epekto, napaka tulog mantika naman niya. Buti na lang at wala pa si Prof. kundi malilintikan to.
Biglang umingay sa classroom, pumasok kasi si Princess Alexa. Of course with matching alalays. Kulang na lang red carpet.
"Goodmorning Princess Alexa"
"Super ganda mo po"
"Wow"
"Napakagara nang damit niya"
"Hindi siya nakakasawang pagmasdan"
"Idol"
"Magandang umaga!"bati niya sa amin, well her face looks an angel but inside that angelic face, a devil dwells
Hays so much for that, well kami lang ata ang hindi pumansin sa kanya. Sabay kasi silang nagsuotan nang headset at itinuon ang sarili sa ibang bagay.