"Well ako naman ang magtatanong, naintindihan mo ba yung pinabasa kanina ni Prof. Minerva?"tanong sa akin ni Zero habang kami ay naglalakad patungong library.
Tinignan ko siya nang masama, pinagmumukha niya kung bobo "Ofcourse, easy peasy"sabi ko pa with hand gestures
He chuckles "Hindi ko kasi naintindihan, ano nga ulit yung gagawin?"balik-tanong niya sa akin
Napalunok naman ako sa tanong niya "Bwisit tong kumag na'to, sinusubukan ata ako"bulong ko sa sarili ko
I compose myself bago ko sinagot ang tanong niya "Its for you too know, sino ba kasi ang nagsabing matulog ka sa klase" wika ko rito
Napahinto siya sa paglalakad "Paano yan? I think babagsak tayo sa klase, wala tayong kaide-ideya sa gagawin"sumbat niya sa akin
Hindi ko alam kung totoong nagsasabi siya or uma-akting lang sa harap ko.
Pinameywangan ko siya "Ako ba pinagluluko mo huh?"medyo iritable nang tanong ko
Napalukipkip lang siya "I'm not lying"inosenteng sagot niya pa
Dun na talaga ako nainis "Kalma Zia, kalma lang"paalala ko sa sarili ko
"Check na lang natin sa libro"sabi ko at nagpatiuna na kong pumasok sa library.
Nakita agad ng mata ko ang grupo ni Xyra na paalis na, kinawayan ko naman siya at nginitian ako bilang ganti.
Hayss buti pa silang dalawa, napaka-dedicated samantalang yung partner ko, napaka happy-go-lucky.
Pumunta ako sa may bookshelf at nagsimulang hanapin yung libro, I'm not really into books. Napakadaming libro, nakakalula. Mabuti na lang at nakita ko iyon agad-agad, ang problema nga lang hindi ko ito maabot. Bawal kasing gumamit nang magic sa library.
Naghanpa ako nang ladder pero lahat ay ginagamit, no choice ako. Tumalon-talon ako baka sakali lang na maabot ko ito. Pero naka ilang talon na ako hindi ko pa din maabot-abot.
Hanggang sa napasandal ako sa isang shelf, balak ko sanang magpahinga. Nabigla na lang ako nang may secret passage na biglang nagbukas. Tumingin ako sa paligid pero wala atang nakapansin bukod sa akin.
Napalunok naman ako, my inner self wants to go down there pero baka pinagbabawal na lugar iyon at baka ako mapagalitan pa.
Sakto namang dumating si Zero, "Secret passage?" nakuha niya agad. Hindi man lang nabigla, wala man lang reaksyon.
Naglakad ito patungo sa secret passage "Hoy anong gagawin mo dyan? Baka masita tayo, bawal ata dyan!" sabi ko sa kanya
Pero hindi niya pinansin yung warning ko " I don't go by the rules" swabeng sumbat nito
Napatampal ako sa noo " May gagawin pa tayo!" asik ko dito
"Sandali lang to! Tara na!" aya niya
Hindi pa ako nakakasagot ay hinila na niya yung kamay ko at yun nga pumasok na kami sa secret passage.
Madilim ang buong paligid. Inilabas ni Zero ang magic wand niya at nagbanggit nang spell upang ito ang magsilbi naming ilaw sa daan.