My Professor Ex 3

128 7 6
                                    


.......

" Nasaan ka? Bakit ayaw mong magreply sakin?"


Halos dalawang oras na akong naghihintay ng reply ni Kevin sakin. Nandito ako ngayon sa'min at kakatapos lang gumawa ng assignments. Buti pa yung assignments ko tapos na, pero yung reply ni Kevin hindi pa rin dumadating. 


Sinusubukan ko naman siyang tawagan pero hindi rin naman siya sumasagot. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to? Kanina ko pa siya hindi makontak!  


Apat na taon ang tanda sakin ni Kevin. Ngayon ay nasa 1st year college ako at siya naman ay nasa panghuling taon na. Kumuha siya ng kursong education para daw siya ang magtuturo sa mga future babies namin. Lihim akong napangiti ngunit kaagad din nawala yon ng mapagtantong wala parin reply si Kevin. 

Simula nung mag OJT sila ay halos hindi  ko na siya nakakausap ng maayos. Palaging panay pagbati lang ng good morning o kaya naman ay kung kumain na ba siya. Pagkatapos non ay wala na. Ganon ang naging systema namin hanggang sa matapos siyang OJT. Ngayon ang sabi naman niya sakin ay naghahanda siya sa kaniyang pagrereview para sa kanilang bar exam. Mahirap pero pilit ko siyang iniintindi. Ganon siguro talaga kapag mahal mo ang isang tao.

Sa Inip ay naisipan kong puntahan nalang siya sa apartment na tinutuluyan niya. Linggo ngayon kaya paniguradong wala naman silang klase pero bakit ang tagal niyang magreply? Magkakalahating oras na nung makarating ako sa apartment niya. May duplicate rin ako ng susi niya kaya naman dere-deretsong pumasok ako sa loob.

Ramdamko ang pagsalubong ng dalawang kilay ko ng makita siyang hawak naman ang kaniyang selpon.

" Kevin!"

" Oh Babe bakit nandito ka?"

" Hawak mo naman yung phone mo bakit di ka man lang nagrereply?"

" Ah kakatapos lang kasi nung naging video call namin ni Marie. "

" Marie?" kunot-noong tanong ko. " Halos siya nalang ang kinakausap mo maghapon ah. Kapag kausap kita sa video call, magpapaalam ka na ie-end mo na dahil mag uusap kamo kayo non tungkol sa pagrereview niyo eh! Ano ba talaga yon?!"

" Ano lang, kaklase ko."


" So mas mahalaga pang makausap mo 'yon kaysa sakin?!"

" Wag ngayon babe. " tumayo sa kaniyang kinauupuan at saka inabot ang susi niyang nakasabit.

" At saan ka naman pupunta ngayon?! Pumunta nga ako dito para makapag-usap naman tayo dahil halos di na kita nakakausap ng maayos at matagal tapos aalis ka naman?!" 

" Magkikita kami ni Marie dahil magtutulong kami sa pagrereview--

" Sa pagrereview nga ba?" mapaklang sambit ko. " Oh baka naman kasi---

" Ayan kana naman sa pagseselos mo Kelly!" sambit niya saka kumuha ng bag na nakasabit sa pader na.

Napatigil ako ng marinig kong sabihin niya ang pangalan ko. He's so cold. Maluha-luhang hinarap ko siya.

" Baka naman pwedeng dito ka nalang muna babe please?"

" Alam mo naman kung gaano kahalaga sakin 'to diba?"

" Alam ko! Mas mahalaga pa nga sakin e! Kaya nga natitiis mo na hindi ako kausapin na halos isang buwan na dahil diyan! Mas gusto mo pa makasama at makausap si Marie kaysa sakin e!"

My Professor Ex  -  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon