My Professor Ex 1

258 10 0
                                    


Nag-ngingitiang mga estudyante.

Nagkukwentuhang magkakaibigan at naglalakad na mga professor ang bumungad sakin nung makapasok ako sa gate.

" Finally! May pasok na!" buong lakas na sabi ko sa isip ko.

New bag. New shoes. New uniform at syempre new classmates. Paniguradong new adviser at mga prof na ulit. Hays! Dapat graduate na ako eh!

" Kelly! Kelly Min! "

May narinig akong matikas na boses na tumawag sa aking magandang pangalan.

" Kim!" pagtawag ko din dito habang sinalubong ang paglapit niya.

Siya ang bestfriend ko. Nakilala ko siya last school year. Napakaganda niya pero magaslaw kumilos. Ang sinasabi ng iba ay malayong-malayo daw ang ugali ko sa kaniya dahil para daw akong nakamute sa sobrang seryoso at tahimik.

" Omy! Kelly! Bagay sayo ang uniform natin!" masayang sabi niya sakin.

Para sakin wala naman sakin kung bagay o hindi ang uniform basta ang mahalaga ay makapag-aral ako at makapagtapos.

" Salamat."

" Sus!" sabi niya sabay hapas sa braso ko. " Hanggang ngayon ba naman ay napakapormal mo parin! Hoy! Baka naman gusto mong siglahan ang pagsasalita mo!"

" Alam mo, first day na first day napakarami mong nasasabi at nadadaldal e noh?" sarkastikong sabi ko.

Ngumuso naman siya. Ganiyan 'yan. Ngumunguso ng napakahaba. " Syempre! Sa tagal ng bakasyon ang daming nangyari. Kaya madaming masasabi ang mga magaganda kong bibig hahahaha!"

Hays... " Tara na baka malate pa tayo sa unang subject natin." at saka ako nag-umpisang maglakad.

Habang naglalakad sa pathway ng school ay may mga nakita akong mga bago sa matang professor. Mukhang maraming nadagdag na bago ah.

" Huy! Balita ko madami daw bagong teachers ah!" biglang sabi ni Kim habang sabay kaming maglakad. " May mga bago palang daw sa pagtuturo."

" Oh?"

" Ang tipid mo namang sumagot!"

" Ilan ba dapat?" nakangisi kong sabi.

" Napakawalang kwenta mo talagang kausap noh! Gadd!" maarte pa nitong sabi. " Uy! Pasukan na! Magbago kana! Hanggang ngayon ganiyan ka parin!"

My Professor Ex  -  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon