My Professor Ex 2

127 4 0
                                    


" Kelly Min." sabi niya. " Ikaw na ang mayor ng classroom na 'toh. " Pormal niyang sabi sakin habang ako ay bahagyang nakayuko.

" Yes Sir. " Wala akong maisagot sa kaniya kundi 'yan. Sobrang pagkailang at kaawkwardan ang nararamdaman ko.

"  Hindi ka dapat tumakbo sa responsibilidad mo. " seryoso pa nitong sabi. " Wag kang magdedesisyon basta-basta lalo na at hindi mo pa naririnig ang mga sasabihin ko." sabi niya pa at bahagyang kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi niya? Parang lumilihis ang sinasabi niya. " At ng mga kaklase mo." biglang dugtong niya.

Tch. " Opo."

" At dahil ikaw na ang mayor dito, inaasahan kong magiging maayos ang pamumuno mo. Ayokong makakarinig ng reklamo mula sa mga kaklase mo nang dahil sa'yo. Naiintindihan mo ba?"

" Opo."

" Wala ka na bang ibang masabi kung hindi 'yan?" sarkastiko niyang sabi sakin.

" Ano pa ba dapat?" sarkastiko ring sagot ko.

" Oh my! Look! Sinasagot niya si Sir! Grabe!" Maarteng sabi ni Hailey.

" Ano ka ba! Paepal ka naman!" Biglang sabi ni Kim dito.

" Quiet!" sabi ni Sir Kevin at saka tumingin sakin. " Kahit na ikaw ang mayor ay ako parin ang masusunod dito Ms. Min. Kaya kung magdedesisyon ka ay dapat alam ko. Lahat ng gagawin mo dapat alam ko."

" Diko alam na bukod pala sa mag-aral ay responsibilidad ko ring sabihin ang bawat kilos ko, sa ADVISER ko." sarkastikong sabi ko at kumunot naman ang noo niya.

Natahimik ang lahat. Pinakiramdaman ang parang namumuong tension sa pagitan namin ni Sir Kelvin.

" Of course." bahagya siyang nakangisi. " Dahil responsibilidad mong magsabi sa adviser mo nung ikikilos mo." kumunot ang noo ko. " dito sa loob ng room."

My Professor Ex  -  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon