Samantha's Point of View
Nandito kami ngayon sa Bar De La Vino.
Nakakahiya mang aminin sa inyo pero.. first time kong makapunta rito.
Nakakabingi pala ang ingay sa mga bar na katulad nito.
Malayong malayo sa kwarto ko na kung saan tahimik akong nagbabasa ng libro at masaya sa mundong nabubuo sa isipan ko.
"Cheers to your birthday, cous!"
"I'm really having a blast tonight, guys!"
"This is the best birthday so far!"
Rinig kong sabi ng mga pinsan kong sanay na sanay nang mag party dito.
Kung hindi lang dahil birthday ni Abi, pinsan ko, ay hindi talaga nila ako mapapasama rito.
At mukhang pabalik na sila mula sa pagsasayaw.
Teka.. paano na 'to? Makikita nilang mukha akong kawawa dito.
Nagulat naman ang mga pinsan ko ng makita nilang ako naman ang tumatayo sa kanina ko pa pagkakaupo dito sa couch.
"Oh Sam, where are you going?"
"Gotta' party the hell out of this night!" matapang na sagot ko.
"Samantha, make sure na di ka iinom."
"Of course, Ab."
"Okay, sige. Go and have fun, alright?"
"Yeah."
Hindi pa talaga akong pwedeng uminom dahil hindi pa ako 18, kahit nga ang pumasok sa La Vino, hindi pa rin pwede. Malakas lang talaga sila sa manager dahil halos araw-araw silang nandito.
Tutal first time ko dito sa bar, dapat siguro na maging unforgettable to.
Narinig ko ang lalong paglakas ng tugtog sa background habang papalapit ako ng papalapit dito sa tinatawag nilang center stage kung saan pwede kang magsayaw ng well.. wild.
"Hi, Miss. Seems like you're alone huh?"
Napabalikwas ako ng tingin sa nagsalita. Gwapo pero halatang may ibang balak.
Hindi ko alam ang isasagot ko nang napatingin ako sa kanan at kaliwa ko.
Napangiti na lang ako sa naisip ko.
"Well, actually I'm with this dude. Right, Ferris?" sabay turo ko sa lalaking nasa kanan ko.
Agad naman siyang nagtaka pero agad ko siyang binigyan ng "wag-na-wag-mong-susubukang-tumanggi" look.
"Yeah. Why, Wheel? Is there any problem?" Cool niyang sabi sabay akbay sa balikat ko.
Teka.. Ferris plus Wheel? May funny side ha.
Umalis na yung lalaki pero ang kamay nitong si Ferris, hindi pa rin naaalis sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
Sealed with the Beat
Teen FictionWould you dare your innocence for an unforgettable experience? Or would you rather stay naive and wait for the right time? A story of two undeniable first timers seeking for a great perhaps, in love.