Samantha's Point of View
After 3 hours, nakarating na rin kami dito sa White Haven. 3AM pa lang naman pala, pwede pa akong bumawi ng tulog mamaya.
Binuksan na ni Tito Henry ang gate ng beach house. Siya ang caretaker ng bahay namin dito, sila ng asawa at ng twins niya na mga childhood bestfriends ko naman.
Hindi naman dahil caretaker eh minamaliit na. Parang tatay na rin ang turing ko kay Tito Henry at kapatid naman sa kambal niya na mas matatanda sa akin.
"Davey, gising na. Nasa white haven na tayo." Yugyog ko sa kanya.
"Okay." Snob na sagot niya. Saan ba nagmana ng kasungitan ang batang 'to.
Unang lumabas ng sasakyan sila mommy at nagyakapan sila nila Tito Henry at Tita Beth. Sumunod naman na kami ni Davey.
Una kong nakita ang dalawang binata ni Tito Henry, si Andrew at Matthew. Matanda lang sila ng dalawang taon sakin at ayaw naman nilang magpatawag ng Kuya kaya nasanay na rin akong ituring silang ka edad ko lang.
"Hi, Sam! Kamusta na? Buti at magbabakasyon kayo ulit dito." -Andrew
"Ayos yan. Three days ulit tayong magkakasama." -Matthew
"Onga eh, namiss ko din kayong dalawa." sabay ngiti ko sa kanila.
Napansin ko na mas tumangkad at pumuti pa sila ngayon.
Laging kapag sembreak nandito kami nila Mommy kaya almost one year ko na din palang hindi nakita tong kambal na to.
Teka. Usong uso yata talaga ang braces ngayon? Last time kasi wala namang braces tong dalawang to pero ngayon meron na.
Green kay Andrew. Blue naman kay Matthew.
Speaking of braces..
Kamusta na kaya si Ive? Halos 2 hours din kaming nag usap kagabi sa phone while I was packing my things.
"Oh Sam, bakit napapangiti ka yatang mag isa dyan?" -Matt
"Nako Matt, tigilan mo nga ako, kakadating ko lang ako na agad trip niyo."
"Eh bro, inlove na yata si Sam e. Haha." -Andrew, sabay ngiti niya.
Pero napansin ko na naiwan na ako ng tangkad ng mga to. Pero mas maputi pa rin ako naman ako sa kanila. Yun na lang yata ang pag-asa ko.
Si Mommy at Dada, kausap sila Tito Henry at Tita Beth. Si Davey, dumiretso na sa kwarto niya at pinagpatuloy ang "naudlot" niyang pagtulog.
Wala na ngang ginawa sa bahay kundi maglaro ng ipad at matulog e pati ba naman dito ganun pa din. Kabataan talaga ngayon.
Dahil pagod na pagod ako sa 3 hours na byahe namin kahit nakaupo lang ako e matutulog muna ko. Nagpunta ako sa kwarto nila Dada para magpaalam na matutulog na pero iba naman tong nakikita ko.
"Lika na Mommy oh." Kita kong kinakalabit ni Dada si Mommy. Gagawa pa ata ng himala eh alas tres na ng madaling araw.
BINABASA MO ANG
Sealed with the Beat
Teen FictionWould you dare your innocence for an unforgettable experience? Or would you rather stay naive and wait for the right time? A story of two undeniable first timers seeking for a great perhaps, in love.