"Why are you here and who the h-ell are you?"
Naihagis ko ng hindi oras ang pantalon na nakasabit sa balikat ko.
Oh s-hit.
Anong sasabihin ko sa mommy ni Ive?
At ang akala ko, si Ive lang ang nasa bahay dahil kotse lang niya ang nakaparada sa garahe nila kaya hindi ko na ini-lock ang pintuan ng kwarto niya.
Hindi lang ako lagot sa boyfriend ko, pati kila dada!
"Ako po si Samantha, Mrs. Rosales. Kaibigan po ng anak ninyo."
"Kaibigan? You removed his clothes and now you're saying that you're just my son's friend? Oh come on, I'm sure that's not true!"
High blood na sagot niya sa pagpapakilala ko.
"Hindi po talaga, nag-alala lang po ako sa kanya kasi tumawag siya sa akin kanina tapos may biglang nabasag tapos naputol po yung tawag kaya pumunta po ako dito."
"Stop kidding, trespasser."
Nakita ko na noon ang mommy ni Ive pero hindi sa personal, sa instagram lang nung minsang mag post si Ive ng family picture nila.
Mas mukha siyang maganda, elegante at well.. nakakatakot sa personal, yung tao na isang tingin mo pa lang, mai-intimidate ka na.
"Pero hindi naman po ako nagsisinungaling, kasi totoo--"
"Enough of your explanation."
Matipid niyang sabi saka dumaan sa harap ko papunta kay Ive.
"Son, wake up."
Sabay tapik niya ng marahan sa balikat ng anak niya.
Nagkamot lang ng ulo si Ive, walang ka muwang-muwang na gusto na akong kainin ng buhay ng nanay niya. Ano ba naman kasi 'tong napasukan ko.
"Ivan, I said wake up!"
Napaatras ako sa biglang pagsigaw ng mommy niya.
Mukhang hindi na nga yata ako makakatakas sa gulo na ito.
Naalimpungatan si Ive kaya naman idinilat niya ang isang mata niya at inilandas sa direksyon ko. Sinubukan ko siyang ngitian ng maganda pero ang lumabas lang ay ngiting nakakatakot. Kumunot naman ang noo niya.
"Samantha? You came."
Sabi ni Ive gamit ang kakagising lang na boses niya.
Inilipat ko ang tingin ko papunta kay Mrs. Rosales.
Ngayon ay nakapamewang na siya at masama ang tingin sa aming dalawa.
Sa akin lang nakatitig si Ivan at halatang nainis lalo ang mommy niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya napapansin ng anak niya.
Sinenyasan ko si Ivan at agad siyang nagulat ng makita na nakatayo sa gilid niya ang ngayon ay galit na galit na mommy niya.
"Mom!"
"Is she your girlfriend? Because son, she just removed your clothes."
BINABASA MO ANG
Sealed with the Beat
Teen FictionWould you dare your innocence for an unforgettable experience? Or would you rather stay naive and wait for the right time? A story of two undeniable first timers seeking for a great perhaps, in love.