Loving you was RED

31 0 0
                                    

----------------------- 

----------------------- 

Copyright by: LolaBachuchang 

All Rights Reserved 2013 

------------------------ 

------------------------

"Megan!"

Hindi ko pa rin sila pinansin.

"Megan!"

Nagbingi-bingian pa rin ako.

"Go Megan!"

Hindi ko na sila matiis pa at bumaba na ako.

"And the winner for Ms. World is...Philippines!"

Naghiyawan silang lahat, samantalang ako, eto, bad trip -_-

"O, Megan", sabi ni Mama "nanalo si Megan!" 

Ano daw?! Funny -_-

"Haha oo nga MEGAN", emphasize ni kuya sa pangalan "Miss World si Megan!" 

Oo sige na >.<

Nakakainis! Nabulabog ako sa mga hiyaw ng family members ko. Hatinggabi pa namn. Naku!!!! Akala ko ako yung Megan na tinawag.

"Si ate, feeler! Hahaha" , sabi ng kapatid ko. 

"Ssssshhh, kahit naman ganyan ang itsura ng ate niyo, matalino naman", pagtanggol ni Mama.

"Oo na oo na. Ako na nga ang polar opposite ni Megan Young. Ha.ha.ha" sarcastic na sabi ko. " Balik na ako sa tulog ko" 

May exam pa kami bukas. Kailangan kong maghanda.

Hi. Ako si Megan T. Anda. After Megan Young became known to the world, tinukso na nila ako na Megan Tanda. I don't have wide-brimmed glasses and doesn't have a long dark straight hair like other nerds (nerd na kasi ang tawag nila sa akin); however, I unhabitually wear one and have a long brown curly na may pagka wavy na ewan ko na buhok, well depende sa weather. I am maitim, at payatot. 5'4 ang height. So much more for introductions, basta ... sa tingin ko mas maganda si Eya ng 'Diary ng Panget' (yeah gusto ko iyon :> ) Noong grade 4 kasi ako, tinawag akong 'ugliest girl in the whole world' ng pinakagwapo naming kaklase (humaharot na ako nung bata pa ako) , kaya eto, pinanindigan ko ang prestigious na titulo >.<

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinng*

Classes na!!! 

As usual, ako naman ang pinaka early.

10 am nagsisimula ang klase namin, pero yung iba , 8 am. Nasa special room kami na tanging anim lamang sa buong campus na may 3,ooo students ang makakapasok. Ito ang tinatawag nilang 'Apex Hill'; kumbaga, pinakatuktok sa lahat ng tuktok. Dito, libre kami lahat -exclusive na uniform, pagkain, treatments - lahat na! May sariling garden lang kami kung saan kami lang ang may karapatang tumambay, at hanggang 10 mbps pataas ang internet connection. Sosyal, diba? Pero, kailangan may sapat kang grades para makatungtong -_-

Nakalimutan ko, ang mga nasa A-hill, walang tuition. Hindi naman kami nagtake ng scholarship, na shock nalang ako nang ipasok nila ako sa legendary hill.

Loving you was RED (ON.HOLD.PINAG-IISIPAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon