Liezel's Pov
It's monday! yehey! ako ng excited pumasok! syempre naman,ngayon ang first day na papasok ako sa new school ko. anyways higways, let me introduce myself first.
My name is Liezel Cassiopeia Alvarez. 17 yrs old of age. isang matalinong babaeng hindi kagandahan,may malaki at makapal na salamin at kulot na buhok at manang manamet inshort NERD, na ang paboritong gawen ay mag basa. syempre nerd nga eh! hahaha enough for that! baka malate na ko at i'm sure yamot na ang aking mahal na pinsan at bestfriend hahaha!
Liezel! buhay ka pa ba?! -speaking of my couz naririnig ko na sya hahaha! makababa na nga..
bakit ba antagal mo ah?! nagpapaganda ka pa! kala mo naman may improvement pa yang mukha mo!" sya yan , ganyan sya kaharsh sakin huhuhu :( mabaet naman yan eh wag mo lang inisin hihihi.
"Ang harsh mo naman sakin couz:(" ako
"tsss tara na nga!" sya
"Bessyyyy!" nagulat ako ng may sumigaw sa likod ko. hayst. sino pa nga ba eh di si juniel.
hi bessy! sagot ko naman.
"hi aicee!" bati ni bessy kay couz.
hindi naman sya pinasin ni couz hahaha! beastmode ang couz ko. hahaha. sumakay lang kami sa sasakyan namin at nag pahatid sa school.
alam kong nagtataka kayo kung bakit ako nakala tita nakatira well,my parents died when i was 8 yrs old. yes po,ulila na ko namatay sila sa isang car accident, actually kasama ko nun pero sa awa ng diyos naka survive ako. nacomatose ako for 3 months at pag gising ko sabi ni tita wala na sila mom and dad :(. Noong una halos hindi ko kinaya at sobrang nagulat talaga ko pero salamat sa tita at pinsan ko dahil tinulungan nila ko. Dahil sakin naman nakapangalan lahat ng ari arian at bussiness nila mom and dad kaya hindi ako nag hirap.Si tita ang nag papatakbo ng kompanya na iniwan nila mom and dad sakin pero sakin parin ito nakapangalan ibibigay nya daw sakin at hahayaan nya na daw ako ang mag patakbo non pag nag naka graduate nako. Mayaman sila tita kase nag hati sila mom sa mga ari arian nila lola at lolo. wala ng asawa si tita namatay sya sa sakit na brain cancer. Kaya sya ang mag isang nag papatakbo ng mga kompanya namin. Hindi na kase kaya nila lola at lolo mag patakbo pa ng kompanya. nasa states sila nakatira,minsan dinadalaw namin sila doon at minsan naman sila ang pumupunta dito. Hindi ko naman naramdaman na sobrang iba ko kala mama kase tinuring nya na kong anak kahit si insan tinuring nya kong kapatid.
kaya nga mama na ang tawag ko kay tita eh. haysstt.. pero namimiss ko pa den sila mom and dad. namimiss den kaya nila ko?:("hoy bessy!" ano ba naman tong bespren ko. kitang nagmomoment ako eh. "ano?' tanong ko sa kanya." wala ka bang balak bumaba? nakalabas na kaming dalawa ni aicee ikaw nandyan pa den sa loob,walang balak?' ang dal dal nya talaga hindi ko namalayan nasa tapat na pala kami ng new school namin. bumaba na ko at baka kaladkarin pa ko ni couz hihihi mainit pa manden ulo non. habang naglalakad kami,pinagtitinginan kami siguro dahil bago lang kami o sadyang napapangitan lang talaga sila sakin. syempre nerd eh. pero nerd din naman si juniel eh kaso sya magandang nerd hindi kagaya ko. sya kase kahit nakasalamin maganda pa den. ako kase hayst basta panget. buti pa si insan ang ganda hindi sya nerd at fashonista pa. hayst...
after 12345678910 yrs na pag lalakad hahaha! Charring lang, mga 10 mins. lang narating namin at room na sinabi samin ng dean nung nag enroll kami. dahil matalino kami sa section A kami,pag pasok namin all eyes on us! haha! "kayo ba yung new students?" rinig kong tanong nung teacher. "yes mam" sagot naman ni insan" okay,introduce yourself and then find your seats" unang nag pakilala si insan " Aicee Merrideth Sandoval" pagpapakilala nya sumunod naman si bessy " Juniel Elaisa Ocampo" at ako ang panghuli " Liezel Cassiopeia Alvarez " pag katapos kong mag pakilala pinaupo na kami nasa dulo kami kase si insan gusto sa dulo ayaw nya daw ng pinagtitinginan sya. ganda nya kase eh. halos mga nerd naman yung mga tao dito eh may karamay kami ni bessy pero meron din namang hindi. magaganda nga sila eh.hindi lang masyadong matalino kagaya nung iba pero may ibubuga naman. natapos ang dalawa naming subject at break na eto kami nag lalakad papuntang canteen. habang nag lalakad may nakita kaming kumpulan ng mga studyante at dahil sa chismosa kami nilapitan namin yon and oh god! isang gwapong nilalang ang pinagkakaguhan! sheyt! ang Igop nya! may mga kasama sya and oh me ghed! ang gwapo den nung nasa likod nya! pumasok na sila sa canteen at ako andito pa den tulaley ang gwapo talaga nila.
"tara na!" rinig ko sabi ni insan umayos naman na ko mahirap na beastmode sya hahaha.
umorder lang kami at nag hanap ng mauupuan. at kapag sinuswerte ka nga naman oh nasa kaharap na table lang namin yung mga gwapo. pag kaupo namin may babaeng lumapit samin at tinatanong kung pwede daw ba syang makishare ng upuan tumango lang kaming tatlo bilang sagot, Cindy ang pangalan nya,pano ko nalaman? nag pakilala sya haha. grabe ang daldal nya hahaha. at eto pa dahil madaldal sya kaya ayun nagkwentuhan kami at napag alaman kong mga campus cassanova pala ang limang yun sila skyler chavez ,Harvey Younder,Calix Ravena, Andreian Villafuerte,Kyle Zyrus Perez.Sabi ni Cindy mga laitero daw na mga cassanova yon. tsk palibhasa mga gwapo sila.
Natapos ang break na puro kami kwentuhan, masayang kasama si Cindy puro nga kami tawanan kanina eh,at salamat sa kanya dahil hindi na masyadong mainit ang ulo ng pinsan ko hahaha! papasok na sana ko ng room ng may pumated sakin.
shet ansakit ha tumama ang ulo ko sa upuan huhu:( agad naman ako nilapitan ni bessy at insan "bessy! okay ka lang?" tanong ni bessy tumango at tumayo ako inayos ko den ang sarili ko at nakita ko yung mga babaeng nasa harapan ko nasa anim sila,sila yung pumatid sakin. nilapitan naman yun ni insan " anong problema nyo?!" rinig kong sigaw ni insan wahhh! galit na naman sya! nakakakot pa naman sya pag nagagalit. "tsk! sino ka ba?! lakas ng loob mong tanungin ako ah!" sigaw naman nung babaeng mataray yumuko na lang ako. nakakahiya, napansen ko kasing madaming nakatingin sa amin. "bobo ka pala eh! tinatanong kita tapos sasagutin mo den ako ng tanong!" sigaw ulit ni insan. mag sasalita pa sana yung babae ng nag salita si bessy "tara na aicee! wag mo na sila pansinin masasayang lang laway mo sa kanila,alalahanin mo may pinag aralan tayo wag kang pumatol sa mga ugaling eskwater" galing ng bessy ko. umalis na kami don at umupo na sa upuan namin. iniwan na namin sila nakita na kase namin yung teacher na papalapit samin.
pag katapos ng klase namin pumunta na kami sa parking lot dito namin aantayin yung driver namin ni couz. habang nag aantay kami nakita namin si cindy.
"hi cindy" bati ko sa kanya "hi liezel" bati nya den sakin binati nya den si bessy at si insan kaso si insan hindi sya pinansin. "Bakit snobber yang pinsan mo ha liezel?" tanong sakin ni cindy sasagot na sana ko kaso epal tong bespren ko "kase may pumated at umaway samin kanina kaya ayan beastmode ang lola nyo" "ah kaya pala,sino naman yung nampated sayo kanina liezel?" tanong ulit ni cindy sasagot na sana ko ng nag salita ulit si besy epal talaga. "hindi namin kilala, anim sila eh mga matataray at maaarte di naman kagandahan" sagot ng epal na si juniel, " ah sila Veronica yon" "Veronica?" sabay na sabi naming tatlo."so veronica pala ang pangalan ng impaktang yon"sabi pa ni insan. "yappp! si veronica isa sa campus chix, at yung anim na yon mga myembro yun ng cheer squad, mga bullies din sila kaya kinatatakutan sya,may gusto den yung anim na yon sa mga limang cassanova.
mga patay na patay sila dun sa lima kaya walang masyadong nagtatangkang lumapit dun sa lima dahil panigurado kawawa sya kala veronica." mahabang sabi ni cindy. magtatanong pa sana ko kaso dumating na yung sundo nya kaya nag paalam na sya. dumating na den naman ang sundo namin kaya sumakay at umuwe na kami. katabing bahay lang naman namin ang bahay nila juniel kaya nung bumaba kami bumaba na ren sya.
dumeretso ako sa kwarto at humiga. grabe napagod ako ng sobra. narinig kong tinatawag na ko ni yaya Rita para kumain kaya bumaba na ko pag katapos kong kumain nag half bath lang ako at natulog na.Thank you for Reading! Love Lots! ^_^
YOU ARE READING
I'm Inlove with the Campus Casanova
RomanceAko si Liezel Cassiopeia Alvarez 17 yrs old,Nainlove sa isang Casanova. Hindi lang basta Casanova kundi isang Campus Casanova. yes! mahirap man paniwalaan pero totoo isang Nerd na kagaya ko ang nahulog sa isang kagaya nya na ang alam lang gawin ay p...