Days have passed. We’re so much closer with Reyn than before. When I say much closer, I mean very close friend. Buti na nga lang meron siya. Ang lungkot, I mean mas lumungkot siguro ang buhay ko kung wala siya. Siya lang naman kasi lagi kong kasama sa school. Para na rin siyang bestfriend ko for now? Siguro. Pero kasabay ng pagiging close namin, kasabay din ito ng pag-build ng fans club ko. Gets nyo? Yes. The haters. The insecures. Pero binabalewala ko na lang. Hindi naman ako mawawalan, at least pinatunayan nila that once in my life, I stood up for something. :D
Nandito kami ngayon sa Mcdo. Tinatamad na kasi ako maglakad papunta sa Jollibee. Mcdo na lang. Nag-order na si Reyn. Bahala na siya. Basta water lang sa akin.
“here’s your order Reyna ^^”
“Reyn!” O.o sabi ko. Nahiya tuloy ako. P-pinagc-combine niya kasi ‘yung name namin. Reyn and Danna.
Umupo na siya sa harap ko habang tumatawa habang hawak pa ang tiyan niya.
“Reyn, what’s funny!”
“haha. Tignan mo kasi ‘yang mukha mo. Para kang kumain ng sili sa sobrang pula” :D
“TIGILAN mo nga ako. Hindi ako maputi para mamula no!” inumpisahan ko nang kainin ang burger ko.
“sinong nagsabi? Konti lang naman ang puti ko sa’yo.” Saka ulit ngumiti.
“kumain ka na nga”
“all right” ^^
Habang kumakain ako, napansin kong nakatitig sa akin si Reyn. Tinaasan ko siya ng kilay.
“what?”
“you’re staring at me!”
“hindi ah”
Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula ulit akong kumain. Pero maya-maya napansin ko siyang huminto sa pagkain at nakatitig lang talaga sa akin.
“Reyn, ang kulit mo!”
“ako? Makulit? Ikaw kaya!”
“wow ha, paano ako naging makulit?” sabay inom ko sa water ko.
“ang kulit mo kaya. Sa sobrang kulit mo, ‘yan tuloy natabig mo puso ko nahulog pa sa’yo”
Buti na lang tapos na akong uminom. Baka kasi naibuga ko na ‘yun sa pagmumukha niya.
Tumawa lang siya ng tumawa. Pero nakatingin lang ako sa kanya.
“ui, kawawa naman ‘yang spaghetti oh durog-durog na..” tinignan ko ‘yung spaghetti, totoo nga. Sinubo ko na lang ng naiinis na nakatingin sa kanya.
“pero madurog na ang lahat, ‘wag mo lang durugin ang puso ko” saka siya nagsmile ng nakaka..
Nakakasilaw. T_T NAKAKAINIS LANG!
Maya-maya pa tumawag na si John kay Reyn. Kailangan na pala naming pumunta sa Theme Park. And yes, part pa rin ‘yun ng training namin. At dahil mayaman ang kasama ko, sumakay na kami sa kanyang mamahaling kotse. No need to specify the brand, basta mahal. (wala naman mura eh o.O) Dalawa lang kami kaya malamang nasa harap ako. While on our way, binuksan ko ‘yung window ng half lang naman and then nakatingin na ako sa labas.
“ang sarap ng hangin” sabi ko
“natikman mo?”
“hoy, kanina ka pa ha”
“ang waley mo kasi. Hahahahahha :D:D:D:D”
“KEYDAT.”
After 30 minutes siguro, nakarating na rin kami sa theme park. Nagsimula na kaming maghanap. Dahil malawak itong theme park, napagdesisyunan namin na maghiwalay. Sinubukan kasing tawagan ni Reyn si John, cannot be reached na siya. (oo cannot be reached. Napakamysterious)