Part 1: Find my wife

25 0 1
                                    

Jiu Klord Sy
POV

"Haaaaayyy.. mamamatay na ba talaga ako? Kung ganun, dapat hanapin ko na 'yung babaeng gusto kong makasama.. para kahit mamatay man ako may nagmahal sakin at nakaramdam ako ng sarap bilang lalaki." Bulong ko sa sa sarili ko habang naglalakad sa kahabaan ng isang kalye.

Saan ko naman kaya mahahanap 'yung babaeng 'yon? Sa mall kaya? Dito sa SM Megamall or sa Shangrila? Jusme, Hahanapin ko ang babaeng papakasalan ko sa isang lugar na alam kong hindi ko naman agad makikita.Pero malay niyo diba?

Pumasok ako sa loob ng SM Megamall at tumambay sa food court. Marami akong nakitang babae, may sexy na halos kasing katawan ni kim domingo. 'Yung mga babaeng pabebe. Pero wala naman akong makita na talagang papakasalan ko.

Nasan na kaya si ms. right ko?

Kung ikaw ba ang babaeng papakasalan ko, Papayag ka ba? Wag kang magalala mayaman naman ako. Maganda lahi namin at may six pack abs ako at magiging mabait akong asawa kapag pinakasalan mo ko. Kaso.. Hindi na magtatagal ang buhay ko sa mundong 'to..

Kung humingi kaya ako ng sign ngayon? Hm.. Atheists ako. Pero wala namang masama kung hihinge ako kay "god" ng isang sign lang. Mamamatay na ako diba? Kaya sana pagbigyan niya ang hiling ko kung totoo man siya.

Ang sign na gusto kong makita. 'Yung magkakabanggaan kami tapos matutumba siya, at kapag natumba siya biglang hahangin ng malakas. Tapos Hahawiin niya buhok niya habang nakaupo sa pagkakatumba.

'Yan lang ang gusto ko sa araw na 'to. Sana pagbigyan ako ni god ngayon araw.

Please....

I'm begging.



Michellaine Gomez
POV

"Aasahan ka namin sa pang-apat na araw ms.gomez, Wag kang malalate. Okay?"


"Yes maam. Makakaasa po kayo. Thank you po. Thank you so much!"

"Yes! Yes! Mich, Matutupad mo na ang pangarap mo!" Sigaw ko habang nasa office pa.


Haha. Ang ingay ko pala. Sa wakas! Makakapag-aral na ulit akobat full scholar pa sa U.S!


Gosh, dapat malaman nila mama 'to.

Kinuha ko ang cellphone ko at tsaka dinialled si mama. Agad naman itong
nasagot.

"Ma, Mama.. Hohohoho." Sambit ko.


"Anong nangyari?" Tanong ni mama.


"Nangyari? Nangyari ma? Waaaaaaahh!! Ma, makakapunta na ako sa U.S! Kaya mag-ready na tayo ngayon palang! Pasado ako sa scholarship para sa U.S! Ma, makakapag-aral na ulit ako. kaiyak!"
Sigaw ko. At nakatingin sakin ang mga empleyado sa office ni ma'm cassandra.

Kaya lumabas na ako ng office at sa labas nagsisigaw.

"Congrats anak! Sa wakas. Sasabihan ko na papa mo. Wait lang." Sabi ni mama na halatang excited.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be My WifeWhere stories live. Discover now