Chapter 2

2.6K 55 1
                                        

Chapter 2

Wait


"May alam ba kayo na nagbebenta ng sasakyan?" ani Cetryn.

"Bakit naman? Aanhin mo 'yon?" tanong naman ni Denix.

"Oo nga, you can't drive either, Cet."

"Duh!" irap naman ni Cetryn sa aming dalawa ni Denix. "Actually, iyon kasi ang gift sa akin ni daddy, so dahil busy siya hindi siya nakabili ng para on time sa birthday ko. So ayun, I would ask your help, saan ba magandang bumili at anong kotse?"

Kinapa ko naman ang flyer sa bag ko, if I'm not mistaken is brochure ng mga kotse iyon. Mabilis ko naman iyong kinuha at nilahad sa kanila. Kinuha naman agad ni Cetryn iyon.

"Oh my gosh, meron ka pala nito, Naya!" aniya.

Tumango naman ako. "Oh, may number pala! Tawagan niyo na!" ani Den.

"Ikaw na Naya!" agad namang binalik ni Cetryn sa akin 'yong hawak niya. Binabalik ko pa sa kanya dahil siya naman ang bibili pero pinilit na nila akong ako na daw ang tumawag doon. I dialed his number and luckily ay sinagot naman nito kaagad. Nagsensyas naman ako sa dalawa na sinagot ang tawag.

"Hello ma'am? How can I help you?" he started. Hindi agad ako nakapagsalita nang marinig ko ang boses niya. Buong buo ito at ang manly, gosh. Bakit ba in-ignore ko lang 'to no'n?

"Y-yes..." oh, shit.

"Yes ma'am?"

"Go na, Naya!" sabi pa ni Cetryn.

Napalunok pa ako ng laway bago magsalita, "yes, ahm, are you available today? Gusto lang sana namin itanong 'yong about sa flyer na binigay mo. We would like to talk with you personally para malinaw ang usapan natin."

"Okay, ma'am! I'm the at the atrium, we can meet here."

"Okay, thank you."

"Thank you din po." Aniya.

Binaba ko naman ang tawag at nilingon ko na ang tawag.

"Tara na." tumayo na ako sumunod naman ang dalawa saka kami lumabas ng Jollibee.

Ewan ko ba kung bakit mas nagmamadali ako kaysa sa dalawa kong kasama. Parang biglang huminto ang oras ko no'ng magsalita, medyo maingay ang paligid pero ang kanyang boses lang ang naririnig ko.

"Leanaya naman! Nagmamadali!" usal ni Cetryn.

Humahangos naman silang lumapit sa akin.

"Oo nga, may pupuntahan ka ba after?" dagdag naman ni Denix.

Tumigil din naman ako sa paglalakad saka umiling. Nakarating din naman kami sa atrium, nakita namin doon ang mga sasakyan na nakadisplay. Agad naman ko—naming hinahanap si Kord—'yong nakausap ko sa phone.

"Siya na ata 'yon." turo naman ni Cetryn sa isang lalaki na kalapit lang din namin.

Tiningnan ko lang naman siya, bigla namang bumilis ang kabog ng dibdib ko ng makita ko siya. Siya na nga 'yon. Grabe, ang tangkad pala niya talaga. Hindi ko alam kung bakit napapakagat ako ng labi. He's polo shirt were tucked in, ang gwapo niya pa sa buhok niyang brushup.

"Lumapit ka na, Naya!" tulak pa ni Denix sa akin.

"Bakit ako? Ako ba bibili ng kotse?" depensa ko pa sa kanila.

What I Did For Love (Published by PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon