Chapter 3
I enjoyed
I can't take my smiles away, Kord has his way to feel you that. I don't know him at all pero iba 'yong feeling, like something we've known each other for almost of our lives, well in fact it just a matter of days. In-aacept niya kasi 'yong friend request ko, natameme pa ako doon but all I can say was thank you saka kami nagpaalam sa isa't isa.
I slept between two am kaka-stalk sa kanyang profile, most of it were tagged pictures. I try to open some of his photos pero mukhang private pa rin siya, 'yong privacy which is only me lang. Napunta rin ako sa about me section sa kanyang profile. He's single, 24 years old. That was a relief, hindi ko alam kung bakit sobrang laki ng ngiti ko ng makita kong single siya sa status niya don.
Kakagaling ko lang sa isang agency, nagpasa ako ng resume dahil isang isang matapos ang graduation ay taong bahay lang ako. Wala rin naman akong magawa, so magtrabaho na lang din. Hindi naman kasi ako katulad ni Cetryn na nandiyan na lahat ng kailangan niya pagkapanganak niya, but I'm so grateful to have her as a friend.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ako dumaan sa mall, uuwi na dapat ako dahil gusto kong matulog dahil ang aga ko ring naging. Mabilis akong dinala ng mga paa ko papunta sa mall atrium at natigil naman ako sa di kalayuan ng makita kong ang linis na nang atrium. As in, wala na doon ang mga sasakyan na naka-display. Even Kord.
I stroll the whole mall dahil baka nilipat lang sila ng pwesto pero napagod lang ako sa paglalakad. Wala na nga sila doon, almost a week pa lang naman 'yon 'don ah? Gano'n ba talaga 'yon, kapag may tao kang hinahanap mas lalong hindi nagpapakita tapos kapag hindi mo inaasahan saka susulpot?
It always happen naman pero nakakalungkot lang talaga.
Pumasok ako sa Jollibee to ease the pain in my stomach. Nakakagutom din palang maghanap sa kanya. I ordered a Garlic Pepper Beef, and the usual favorite; sundae and fries. Naghanap naman ako ng vacant tables, most of it ay occupied. Kitang kita ko kung gaano sila kasaya kumain, with their love ones... nagsusubuan pa with spoons. Napangiti na lang din ako.
"Ma'am? Table po?" may lumapit na waiter sa akin.
I nod, "yes, please."
Naghanap siya ng table for me, mayamaya lang din ay kinawayan ako nito at tumungo ako doon. It was only just for one person; I faced the wall and sat on the stool.
"Tinadhana nga talaga ako para mapag-isa." Buntong hininga ko pa.
I started eating, hindi ko rin alam kung bakit nginingitian ko ang dingding sa harapan ko. Napansin ko namang may umupo kaagad sa silyang katabi ko matapos umalis 'yong babae. Umusog naman ako ng kaunti at pinagpatuloy ang pagkain.
Nang abutin ko naman ang baso ko ng coke ay biglang dumulas iyon sa kamay ko. Biglang tumapon sa table namin at kumalat sa mga katabi ko. Mabilis akong napatayo, nakuha ko rin ang atensyon ng ilang tao na malapit sa amin. Agad akong nag-sorry sa lalaking natapunan ng inumin ko.
"Pasensya na po." Nakakahiya gosh.
"Oh, Naya."
Agad namang nag-angat ang tingin ko sa kanya at nanlaki na lamang ang mga mata ko na si Kord pala ang katabi ko at ang mas nakakahiya pa don ay natapunan siya ng coke. Mabilis kaming dinaluhan ng ilang waiter para linisin ang kalat na ginawa ko.
"Sorry, Kord." Pagpaumanhin ko muli sa kanya.
Tumayo naman siya sa kinauupuan niya. Basa ang kanyang pantalon, mahihinuha mong umihi siya sa kanyang pantalon, nadamay din ang suot niyang t-shirt niya.

BINABASA MO ANG
What I Did For Love (Published by PSICOM)
RomancePublished by PSICOM | P175.00 - She fell for him, lost in his love but going deep through their relationship things get down. She's hurt, but too young to lost what is Love for her. She wouldn't forget everything, she won't regret what she did for L...