Chapter 2

71 1 2
                                    


KIANNA

*Kring kring kring*

Narinig ko ang tunog ng alarm ko, bumangon ako at pinatay ito nakita ko na 6:00 na ng umaga. Nag ayos na ako, nag suot ako ng cycling shorts ko at nag sports bra tas nag jacket pero siyempre zinipper ko toh. Pagtapos ko magbihis, bumaba na ako at pumunta sa kitchen at kumuha ng makakain para naman hindi ako gaano mapagod sa pagtakbo. Pagkatapos kong kumain, sinuot ko na ang running shoes ko at lumabas na ng bahay. Nilagay ko na rin ang earphones ko sa tenga ko at nagpatugtog at nagsimula na ako tumakbo sa loob ng village.

Habang tumatakbo ako, napapansin ko rin na may kasabayan ako na magjogging din na kaage ko o kaya mukhang college sila. Mayroon din mga matatanda ako na nakakasambay pero naglalakad lang sila, nag transition ako ng takbo, na every two minutes mag sprint ako. Kailangan ko rin kasi isustain ang stamina ko dahil nga track and field ang sport ko.

Patuloy na ako sa pagtakbo, nang hindi ko namamalayan "aray ko po" yun na lang ang nasabi ko dahil lumanding ang pwet ko sa semento, masakit ah kahit hindi lubak lubak ang daanan naming masakit pa rin noh. Nagulat nalang ako na may kamay na nasa harapan ko, kinuha ko ito "sorry ah, hindi kita napansin eh" sabi niya sakin, "thanks, pero hindi okay lang. Hindi ko rin naman napansin eh" hindi ko pa siya nakikita, dahil nakatungo ako at pinapagpag ang suot ko.

"Sorry talaga ah, babawi nalang ako. Libre kita ng maiinom, mukhang pagod ka kasi"

Pumantig ang tenga ko, uy narinig ko yun ah libre. Pero kahit na, baka rapist toh nang aalok lang bigla kaya napatingin ako sakanya. Isang lalaki na katamtaman lang naman ang tangkad, mas matangkad ako sa kanya kasi tsaka moreno siya. No offense, pero di ko siya type pero mukha naman siyang harmless, nakatingin lang ako sakanya "Sorry talaga ah, mukhang nasira ko ang workout mo" nakatungo lang siya at napakamot sa ulo niya

"Okay lang talaga, kaso medyo nga nasira ang pagtakbo pero okay lang yun. Patapos na rin kasi ako eh" sabi ko sakanya

"Ah ganun ba. Halika na" alok niya sakin. At hinawakan niya ako sa wrist ko

"Uy, san ba tayo pupunta?" tanong ko naman sa kanya

"Diba sabi ko manlilibre ako, pambawi man sa pagkasira ng pagtakbo mo. Diyan lang tayo sa may 7eleven oh" sabi naman niya sakin

"Ah eh" napatigil ako sa paglalakad

"Mabait ako, don't worry. Manlilibre lang, bilis na turo ko pa sayo bahay ko eh, malapit lang yun sa 7eleven"

"Eh pano ko malalaman na bahay mo yun, kung ituturo mo lang?" tanong ko sakanya

"Siyempre papasok muna tayo noh, kukuhain ko muna ang wallet ko"

"Ah eh, sige na nga. Pero patanggal nalang ng hawak, kaya ko naman maglakad eh at susunod lang ako sayo"

"Oh sige" at binitawan na niya ang wrist ko, sumunod naman ako sakanya at nang tumigil siya malamang ito na ang bahay niya. Medyo malayo ang bahay niya sa bahay namin pero inferrr ah laki ng bahay nila. Pumasok na kami ng bahay niya

"Oh Manuel, andito ka na. Tumakbo ka ba? Parang ang bilis mo ata natapos" sabi ng isang matandang babae

"Ah kasi nay may nabangga ako. Tanga tangahan lang ang peg ganern" sabi naman niya. Bading ba to o sadyang ganyan lang talaga siya

"Ay nga pala nay, si.. ano nga pangalan mo?" tanong niya sakin "Kianna po" pangiti kong sabi sa matanda

"Ayun nay si Kianna, Kianna si Nay Melinda pala" katulong naming siya ditto

"Hello po, nice to meet you po" sabi ko sakanya at inilahad ko ang aking kamay

"Nice to meet you rin iha. Nako, Manuel siya na ba sagot sa pagkalalaki mo?" bati rin niya sakin at pabiro naman niyang tanong kay Manuel ba toh, na ikinagulat ko. Akala ba ng yaya niya na kami?

"Ano ba yan Nay! Hindi noh, hindi talaga nay.. Never, masaya na ako sa ibang landas ko nay" depensa naman niya sa katulong niya. At confirm, ibang landas nga si kuya

"Ay nay, akyat muna ako sa kwarto kuhain ko ang wallet ko. May utang ako sakanya eh" sabay turo niya sakin

"Osige, magpalit ka na rin at baka matuyuan ka ng pawis, kung nagpawis ka man"

"Kianna, mabilis lang ako ah dito ka lang" sabi niya sakin at tumango naman ako. Nagantay lang ako sakanya sa baba at mabilis nga lang talaga siya

"Kianna, oh tshirt. Palit ka muna besh" abot niya sakin "dun ang cr oh" kinuha ko naman ang tshirt at pumunta sa cr at nagpalit at lumabas na rin

"Yan! Let's go na besh" aya niya sakin at sumunod naman ako sakanya. At naglakad nalang kami dahil may malapit lang na 7eleven dito sa subdivision namin. Nang makarating kami sa 7eleven "Pili ka lang besh, kahit ano" kanina pa to besh ng besh ah. Sinunod ko naman siya, duhhh libre kaya ito. Nang makabayad na siya umupo kami sa gilid.

"Sige besh, kain ka lang" sabi niya sakin

"Wait lang Manuel ah" I saw him cringed, mukhang ayaw niya ata ang tawag na yun "Yuck Manuel, so manly, Sumang nalang Kianna. Nandidiri talaga ako sa tawag na yun. Medj makaluma na nga, lalaking lalaki pa" komento naman niya

"Ah eh, Sumang bakit kanina ka pa nagbebesh sakin?" tanong ko sakanya "Ah, haha! Yan kasi ang tawag ko, haba kaya ng Kianna . Tatlong syllables din yun ah, kaya besh nalang total friends naman tayo diba?" sabi niya sakin "Ah eh.." pagdadalawang isip ko sa sinabi niya " Nako, don't worry besh harmless ako. Unless may brother ka na you know papi walang harmless harmless diyan" napatawa nalang ako sa sinabi niya "Sige, hi besh. Haha, may kapatid naman akong lalaki pero mukhang ayaw ko ipakilala sayo" sabi ko sakanya.

"Ikaw ang may ayaw, eh sila baka gustuhin nila" sabay taas ng kilay sakin. Napatawa nalang ako sakanya, taas ng self confidence nito.

"Oo nga pala, bat ka natakbo kanina?" tanong niya sakin "Bawal ba?" tanong ko pabalik "Nako besh, ang tanong sinasagot hindi binabalikan ng tanong, baliw ka noh. Nako, ako na siguro magtuturo sayo sa school para naman matuto ka. Hahahaha" pabiro naman niyang sabi "Nagttrain kasi ako, track and field ang sport ko kasi kailangan mamaintain ang stamina" sagot ko sa tanong niya "Eh ikaw, bat ka nagjojogging kanina" tanong ko naman sakanya "Warm up lang, kung ikaw track and field ang sport ako naman nag vovolleyball ako. Libero ang pwesto ko sa team" napatango lang ako sa sinabi niya. "Ikaw, ganda mo sana para volleyball, tangkad mo girl isang talon mo lang kahit di pa effort ng super siguro sa may wrist mo na ang net, tangkad mo kasi eh. Pakibiyayaan nga ako ng tangkad girl, kaso yun nga lang track and field and sport mo"komento naman niya sakin

"Nasabi na yan sakin sa school, Sumang. Ang kulit nga eh, parang aso kung minsan bumuntot. Pero sabi ko naman na pagiisipan ko"

"Nako girl pagisipan mo talaga! Maganda yan oh, saya kaya ng volleyball. Sarap mataaman kahit saan hanggang maging manhid ka na" hala siya "Lalim ng hugot mo ah, may pinagdadaanan ka ba?" natatawang tanong ko sakanya

"Naku, hindi kapag volleyball ka talaga maraming hugot, di mo lang alam ikaw na rin pala ang nabibiktima" napatawa nalang ako sa mga sinasabi niya

"Basta ah, kapag nag pursue ka ng pag vovolleyball sabihan mo ako malapit lang naman ako sa inyo. Knock once and I'll be there ba ang peg ko. Sabay tayo maglalaro"

"HAHAHAHAHA! Sige sige, kung magbago ang isip ko" sabay taas baba ng kilay ko.

Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan namin, hindi ko napansin na magtatanghali na rin pala kailangan ko na rin umuwi dahil ang baho ko na siyempre araw at pawis tas sinamahan mo pa ng nalamigan ng aircon its not a good match talaga. Umalis na rin kami ng 7eleven, at nagpaalam na ako sa kanya at umuwi. Oh diba, sinong mag aakala magkakaroon ako ng instant friend sa subdivision namin ang mga kaibigan ko lang naman dito mostly mga kamag anak namin eh. Kahit man I trained by myself, at least may nagain ako and yun ay si beshy Sumang.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon