Huling Puting Hiling

23 0 1
                                    

Intro song: A trip into Elysium by Catharsis

Ano kaya kung isang araw malaman mo ang tunay na kahulugan ng buhay? Ang susunod na kwento ay kailangan ng patnubay ng magulang dahil maaaring ito ay sekswal sa pang-unawa ng mga ibang mambabasa.

Ang mata natin ay parang isang universe. Purong itim at kung susuriing mabuti ay may maliliit at makukulay na bilog sa pagitan ng mga tila bulak rito. Tulad ng mga planeta sa kalawakan at ng mga milky way sa kalayuan nito. May naulat nang mga pag-aaral tungkol sa huling pandama o senses na nawawala pagkatapos mamatay ng isang tao. Ito ay ang pandinig. Ngunit dahil ang paksa ay ang paningin at yaman din lamang na mas madalas na nakapikit na ang isang tao sa panahon ng pag-aagaw buhay o kahit sa biglaang pagkamatay bago o matapos masawi. Sa sariling opinyon ay nagiging kulay puti ang lahat pag nawalan ng oxygen ang bloodcells sa katawan. Diba madilim pag nakapikit? Pag namatay ka na ay puputi ito na tipong walang kapares sa kaputian.

Isang araw ang NASA ay nakatanggap ng isang senyales ng paparating ng radiation mula sa pinakamalayong lugar sa kalawakan. Kung ano man ito ay wala pang nakakaalam hanggang sa kasalukuyang ito.

Ito rin ang araw na naghahanda akong pumasok sa eskwela. Pagkatapos kong magkape at kumain ay naligo. Tulad ng lumipas na mga araw - isang tipikal na araw. Madadaanan ko nanaman ang kapitbahay naming si Rica. Isang napakagandang dilag na nag-aaral rin sa ibang unibersidad. Pero magkaiba ang oras ng klase namin kaya mas madalas na nauuna siya sa akin sa pilahan ng side car o padyak. Kung saan nagpupulong-pulong ang mga nagkakara-y-cruz na drayber, amoy-pawis at nanggigitata sa pagsinghot sa yosi ng ilang mga kasama.

Sa totoo lang madami ring magaganda sa lugar namin. Hindi naman sa babaero ako o ano pero yun kasi ang una kong napapansin. At sa totoo lang lahat ng mga magaganda samin kahit high school student pa lang, may asawa, balo, biyuda basta maganda ay pinagpapantasyahan ko. Sa mga oras na to ay nalaman na ng NASA ang pinagmulan ng naturang senyales. Ito ay nagmula sa humigit-kumulang (5) limang galaxy ang layo mula sa sarili nating galaxy.

Ng sa mga oras ding ito, hawak-hawak ko ang mga sulat sakin dati ng puppy love kong si Rica. Lagi ko itong inaamoy bago pumasok sa school. Saka nag-open na din ako ng facebook account para tingnan kung may nag-message sakin kahit na madalas ay wala naman talagang mag-aabalang gawin ito sakin. Bagkus naipapa-alala lang nito sa akin ang mga heartbroken na naranasan ko sa limang babaeng niligawan ko. Hindi naman ako panget. Siguro sadyang nakakaturn-off lang ako o di kaya wala lang talagang nagkakagusto sa akin. 24 na ako ngayon. NGSB - no girlfriend since birth. Nakita ko si Rica sa di-kalayuan nang sumilip ako sa bintana. Kahit na hindi na niya ako pinapansin o pag pinansin man ay "haluh" lang ang tugon sa akin. Na para bang isa akong dugyot na batang nanlilimos sa kanya at sa pagbanggit niya ng mga katagang magpupunit ng ginuhit kong pangarap para saming dalawa dito sa puso ko, ay "luh" - sino ka ba lumayo ka sa akin ang tugon sa akin. Sobrang sakit. Ume-echo pa yung boses niya. Hanggang ngayon ay hanggang tingin nalang muna ako sa kanya. Siguro pagtapos ko ng college papansinin na niya ako. Sa di nakaka-insultong paraan.

Lumabas ako ng bahay, tumingin ako sa langit. Tapos tumingin ako sa paligid. Nakita ko silang magagandang dilag sa bawat iskinita. May kanya-kanyang ginagawa. May mga pinsan din akong magaganda. Nandun din sila. 

Tumingin ako sa oras, alas dyis na ng umaga. Late na ko. Sa sobrang pagmamadali ko, naunahan ko palang sumakay si Rica. Huli ko siyang namataang nag-iisang nag-aantay sa pilahan ng side car sa may bandang visible na lugar at walang kakalat-kalat na basura pero ilang dipa lang ang layo mula sa mga nagkakara-y-cruz na tambay at side car drayber.

Sa kabilang panig ng mundo, isang bansa na puno ng modernong teknolohiya. Mga pag-aaral para sa paghahanap ng buhay sa ibang planeta, mga panlaban sa zombie apocalypse, pagbisita sa buwan o sa mars, paghahanda sa pagbisita ng mga alien, paglisan sa mundo sa oras ng pagsalakay naman ng mga extre-terrestrial. Lahat ng ito ay nakapaloob sa iisang bansa kung nasan ang NASA. 

Pagkatapos ng mga ilang pagsusuri ng NASA at pagkausap sa pangulo ng naturang bansa, nagdeklara ang NASA sa isang lokal na pahayagan ng media sa telebisyon - kasunod ang pagbanggit ng pangulo ng "mahal ko kayong lahat, paalam". Kumpirmado na may sumabog na isang malaking sistema sa di-malamang lugar sa kalawakan. Ang epekto ay magiging labis at ipinagdarasal ng naturang tagapamahayag na may mabuhay na kahit isang uri ng species ng hayop both sa pamhimpapawid, kalupaan at katubigan upang may makain ang mga tao - kung may makakaligtas man. Nagbigay ng taning ang mamamahayag ayon na rin sa ulat ng ibinigay ng NASA. 10:08 mararamdaman ng mundo ang naturang pagsabog. 

Mabilis kumalat ang balita sa telebisyon, radyo at social media. Nagkalat din ang mga pahayagan na may nakalagay na "hoax". Wala ng panahon para magdasal kahit isang sirkulo ng rosaryo.

Sa mga oras na to nakasakay ako ng jeep. Medyo masikip. Masikip ang blouse ng kaharap at katabi ko kaliwa't kanan. Kung susuwertehin ka nga naman!" sa isip-isip ko. Medyo tumigas si chairman kaya napasimple ako ng kembot. Nagbukas ako ng fb saglit pero nanood nalang ako sa youtube.  Napanood ko ang 1 minute video ng NASA, isang mabilis na pagpapaliwanag at pagpapaalam.Tumingin ako sa kanan... sa kaliwa at paghinto ng jeep sa traffic light. Nag-threesome ako kasama ng tatlong kolehiyalang nakasabay ko sa jeep. Go figure. Tulad ng ginawa ng marami sa paligid. Kanya-kanyang hilahan. Ang pangri-rape ay naging talamak. Sa gitna ng kalsada o kahit saan man sa aling panig ng daigdig.

At kasabay ng pangatlong putok na pinakawalan ko, nabalot ng puti ang langit..

Sa labas ng mundo, nanggaling ang puti sa south pole. Walang liwanag purong puti lang. Kabaliktaran ng kadiliman na bumabalot sa kalawakan. Hanggang tuluyan na ngang natakpan ang lahat ng kulay puti ang lahat. Ang dalang-radiation nito ay nakakamatay.

Ngayon ay hindi ko alam kung nasan ako. Ito na siguro ang mga huling sandali ng diwa meron ako. Kulay puti lang ang lahat. Walang ibang bagay sa paligid. Kung nakapikit ako ay hindi ko alam. Naisip ko lang ito na ba ang kahulugan ng buhay? Naisip ko lang mga naiwan ko sila mama, papa, lolo at lola. Mga kasama ko sa school. Si Rica... ano kayang nangyari sa kanya.. Saka yung magaganda sa lugar namin. Ito na ba yon? Ang katapusan? Naisip ko lang pag namatay ang tao magiging puti din ang lahat diba.. Ganun din kaya ang may-ari ng lahat ng bagay? Kasi parang namatay na eh.

Outro themesong: How could this happen to me by Simple plan

Huling Puting HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon