Wari-koy..

4 0 0
                                    

Ako si Totoy, 24 na taong gulang. Kasama ko ang aking lola na kung tawagin ko ay nanay at ang aking ama dito sa bahay ng aking tiyahin, kapatid ni papa. Halos mag-iisang taon na kami dito sa Atimonan, Quezon Province mula ng maghiwalay ang aking mga magulang. Palipat-lipat kami ng matutuluyan sa mga kamag-anak ni papa hanggang sa dito na nga kami napadpad. Kakagraduate ko lang ng kursong kriminolohiya at naghihintay ng padalang-pera ng aking ina para makakuha ng board exam sa pagluwas ko pamaynila.

Maliit lamang ang bahay ng aking tiyahin. Isang barong-barong na sapat lamang para sa isang mag-anak nanakapaloob sa isang barangay malapit sa tabing-dagat. Tawid-kalye lamang ang matatarik na lupang kaalinsunod ng mga bundok. Malapit din sa kinaroroonan namin ang bayan - kung nasaan ang sentro ng kabihasnan at ang estatwa ng sirena. Walang kuryente.

Bata pa lamang ay nahiligan ko na ang pagbabasa ng mga aklat tungkol sa paranormal na hindi kayang ipaliwanag ng lohikal at siyensya. May mga libro ako ni Jaime Licauco kung saan nababanggit ang mga paraan mataboy ang masasamang espiritung gumagala-gala sa paligid. Ang aking tiyahin ay isang self-proclaimed manggagamot o magtatawas. Pero dahil na ri  sa kursong tinapos ko ay hindi din ako agad-agad naniniwala sa mga ganung bagay.

Buwan ng hulyo ang unang pagpaparamdam. Nagising ako isang gabi hinahapo at naghahabol ng hininga. Naaninag ng ilawang-lampara ang isang pigurang-tao na maitim, walang saplot, nakaupo at nakatingin sa pwesto kung saan ako nakahiga. Kinabukasan naging masama ang pakiramdam ko. Sinubukan kong itugon ang aking nakita sa isang magtatawas na pumunta sa bahay para hilutin si nanay. Nahulaan niya na may namatay sa pinanggalingan naming bahay. Paglaon ay pumayag siyang tawasin ako alinsunod ng mga ilang paalala. Isang demonyo raw ang sumusunod sa akin. Ito raw ang kahulugan ng nagpatiwakal na lalake sa dati naming tinitirhan. Gusto raw ako nitong sapian. Hindo raw basta-basta ang prosesong gagawin sakin. Ie-schedule daw niya ang gagawing pagtatawas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Huling Puting HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon