Third Call

4 0 1
                                    

"Ate?" sinusubukan kong imulat ng maayos ang mga mata ko pero masyadong madilim. Wala akong makita.

What just happened?

Pinipilit kong alalahanin kung ano ba ang nangyari. Hindi ko kasi matandaan kung anong nangyari paglabas namin sa bar at kung paano ako napadpad dito.

"Leandra! Ate!" Wala pa rin akong makita. Kanina ko pa tinatawag ang kakambal ko pero hindi siya sumasagot.

Isinandal ko ang ulo ko sa pader dahil sumasakit na ito. Ano ba talaga ang nangyari? Napalingon ako sa bandang kanan dahil may naririnig akong footsteps.

"Ate? Is that you?" Nawala ang tunog ng mga yabag kaya naman kinabahan ako. Were we kidnapped? Pero hindi naman ako nakatali, wala rin naman akong piring sa mata.

Maya-maya pa ay nakaaninag na ako ng liwagan. Finally!

"Anong ginagawa mo dito?" Mahinahon na tanong ng isang babae. Sa bawat hakbang niya ay isa isang sumisindi ang mga torch na nakakabit sa pader.

"Sorry, pero hindi ko rin alam. Nasaan ba ako?" namilog ang kulay ubas na mata ng mestisang babae na kaharap ko na ngayon.

"Hindi mo alam? Hindi ba nasabi ni Kairos..." nangunot ang noo niya ngunit biglang napalitan ng gulat at takot ang kanyang mukha.

Dali dali niya akong hinila patayo at tiningnan ang gilid ng aking leeg.

"Bakit wala kang marka?" Natatarantang tanong niya sa akin. Unti unti namamng nanumbalik ang kaba na naramdaman ko kanina.

Tiningnan niya rin ang kabilang bahagi ng aking leeg pati na rin ang aking braso at palad. Mas lalo lang siyang nataranta nang mapagtanto niyang wala talaga akong bahid ng markang sinasabi niya.

"Excuse me, nasaan ba talaga ako?" Nalilitong tanong ko.

"Hindi ka dapat nandito...hindi...hindi... hindi ka nababagay dito..." natataranta niyang sabi habang paikot ikot sa kinatatayuan niya.

Maya maya pa ay nakarinig kami ng mabibigat na yabag at biglang lumamig ang hangin. Napatigil siya sa pagsasalita at agad akong hinila.

"Bilisan mo, hindi ka dapat nila maabutan dito!" hila hila niya ako habang mabilis kaming naglalakad at kalaunan ay tumatakbo na.

"Teka lang! Saan mo ba ako dadalhin? Yung kapatid ko, hindi ako pwedeng umalis ng hindi kasama ang kapatid ko." Hinihingal kong sabi sa babaeng nakahawak sa akin.

"Shh! Mamaya ka na magtanong, baka marinig ka pa nila. Kailangan mong makaalis dito." Panay ang lingon niya sa likod ko at mas bumilis pa ang takbo namin. Minabuti kong wag na muna magsalita dahil baka mas hingalin ako lalo.

Maya maya pa ay narating na namin ang dulo ng tunnel at may ibunulong siya sa pader dahilan upang bumukas ito.

Pagpasok namin sa lagusan ay napadpad kami sa isang itim na mansyon. Pumasok kami roon at isinara ng babae ang mga kurtina.

"Ako nga pala si Emilia." Pagpapakilala ng babae sa akin at ngumiti siya sa akin. Ngayon ko lang napansin ang kanyang suot. She's wearing a black long sleeved dress na abot sa kanyang talampakan. May kulay itim siyang hood na suot kanina kagaya ng suot ni Little Miss Red Riding Hood. Inilibot ko ang aking paningin sa mansyon. Halatang antigo ang mga kagamitan roon.

"Sigurado ka bang hindi mo alam kung nasaan ka?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Umiling ako bilang sagot.

"Ako nga pala si Cassandra. Nagising na lang ako na nandoon sa loob ng tunnel. Alam ko kasi kasama ko dapat si Leandra." bigla kong naalala ang kakambal ko kaya napatayo ako.

"Si Lean! Kailangan kong mahanap ang kapatid ko." Nag-aalala kong sabi kay Emilia.

"Mukhang mahihirapan kang hanapin ang kapatid mo." Nag-aalinlangan niyang sagot.

"Bakit?"

"Cassandra, wala kang marka. Delikado ang buhay ng isang katulad mo sa mundo namin." Sabi niya sa akin.

"Marka? Ano bang marka ang dapat mayroon ako? At anong 'mundo namin" ang pinagsasasabi mo?" Naguguluhan kong tanong.

"Cassandra, nasa kabilang mundo ka. Nasa mundo ko ng mga namayapa na."

Death's CallWhere stories live. Discover now