Fourth Call

5 0 1
                                    

"Ha?" naguguluhan ko nanamang tanong sa kanya. That's impossible!

Natatawa akong umiiling sa kanya.

"Sorry Emilia, that's just ridiculous. Hindi pa ako patay. Nakakaramdam pa ako. In fact, while on our way here ay hinihingal pa ako."

"Mortem." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Iyon ang pangalan ng lugar na ito. Underworld kung tawagin sa mundo niyo." magsasalita pa sana ako kaso dinugtungan niya ang kanyang mga sinabi.

"Kaya nga mas delikado ang sitwasyon mo. Hindi ka pa patay pero nandito ka sa mundo namin!" Medyo tumaas ang boses niya. Napansin naman niya iyon kaya hinilot niya ang kanyang sentido.

"Pasensya ka na. Hindi lang maganda ang kasalukuyang sitwasyon dito sa Mortem." Paghingi niya mg tawad sa akin.

"Pero bakit ako nandito? Ang natatandaan ko ay sa bar lang kami pumunta." Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Kung sana alam ko lang kung bakit...pero wala ka ba talagang natatandaan na nangyari sa iyo sa mundo ninyo bago ka napadpad dito? Pagbubukas ng lagusan, pakikipag-usap sa mga di-pangkaraniwang estranghero? O di kaya naman ay...aksidente?" Desperadang tanong niya sa akin.

Aksidente... pilit kong inaalala ang mga nangyari kanina...

Si Leandra at ako palabas ng bar. Si Leandra na nasa driver's seat. Si Leandra na sumigaw... puting ilaw.

Napasinghap ako.

"Oh my gosh."

"Ano, may naaalala ka na ba?" Tanong ni Emilia sa akin.

Ramdam ko ang panlalamig ng mga palad ko.

"Aksidente. Naaksidente kami ng kakambal ko! Yung kakambal ko Emilia, nasaan siya?" natatarantang tanong ko sa kanya.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata. Biglang humangin ng malakas at namatay ang sindi ng kandilang nagsisilbing ilaw namin kahit na sarado ang mga bintana at pinto.

Napalingon naman si Emilia sa pinto at agad akong hinila paakyat sa kanyang kwarto.

Halata ko ang kaunting takot at kaba na namumuo sa kanyang mala-anghel na mukha. Nanginginig na ako dahil alam kong baka mapapahamak na ako.

"Dito ka lang, wag kang gagawa ng kahit anong ingay. Naiintindihan mo ba ako?" Sabi sa akin ni Emilia habang itinutulak ako papasok sa isang silid na kanina ay natatakpan ng mga bookshelves niya.

"Anong nangyayari?" natatakot kong tanong sa kanya.

"Wag kang mag-alala. Basta dito ka lang. Wag na wag kang gumawa ng kahit anong ingay." mariin na utos niya sa akin. Tumango na lamang ako at narinig ko ang malakas na kalabog ng pinto sa unang palapag ng mansyon.

Dalo daling hinila ni Emilia pabalik sa dating pwesto ang bookshelves at natakpan na nito ang paningin ko. Narinig ko naman ang pagtakbo ni Emilia pababa sa hagdan.

I wish this was just a dream. Sana paggising ko nasa bar lang kami, wasted. That's the worst situation I wanna be in right now.

"Hindi ko rin alam! Diba dapat ay sayo muna dadaan ang mga makakapasok sa Mortem?" narinig kong bulalas ni Emilia sa baba.

"Mga kaluluwa lang ang dumadaan sa akin. Base sa sinabi mo, hindi pa siya patay." kalmadong sagot ng isang lalaki.

"Kailangan ko siyang makita." sabi ng lalaki.

Humigpit ang hawak ko sa aking palad dahil sa kaba. Ano na ba ang mangyayari sa akin ngayon?

"Kairos teka! Binabalaan kita, sa oras na saktan mo ang babaeng 'yan..." tumawa lamang ang lalaki.

"Sa tingin mo gagawin ko 'yon? Maloko akong tao- este kaluluwa pero alam ko ang mali sa tama." Lalong papalapit ng papalapit ang naririnig kong mga yabag.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko sa kaba.

Maya maya pa ay naramdaman ko na hinihila na ang bookshelves.

Iminulat ko ang mga mata ko at isang mestisong lalaki ang bumungad sa akin. Napaka tangos ng ilong, may dilaw na mga mata. Maikukumpara siya sa mga griyegong diyos na nakikita ko sa internet.

Nanlaki naman ang mata niya nang makita niya ako.

"Ikaw? Emilia!" Naguguluhan niya akong tiningnan at tinawag si Emilia.

Napansin ko na puno ng makina ang gitna ng kanyang dibdib na tila ba ay isang makina ng orasan.

"Nakita ko na ang babaeng ito kagabi. Inihatid ko pa siya sa teritoryo ni..." hindi niya natapos ang sasabihin niya.

"Ang sabi mo kanina diba ay hindi mo pa nakikita si Kairos?" Tumango ako.

"At wala rin siyang marka, Kairos. Kaya papaanong makakalusot siya sa iyo ng walang marka?" Naguguluhan niyang tanong.

Si Leandra.

"Teka, sinasabi mo bang nakita mo ako kanina? Na dumaan na ako sayo? Na naihatid mo ako?" Naluluha kong sabi kaya naman napatingin sila sa akin.

"Cassandra?" nag-aalalang tanong ni Emilia.

"Emilia, ang kakambal ko...ang kapatid ko. Siya ang nakasalamuha mo kanina. Saan mo siya dinala?" mukhang alam ko na ang sasabihin niya pero ayokong paniwalaan hanggat di ko naririnig mismo galing sa kanila.

Dahil kahit anong pilit ko sa sarili kong isipin na buhay pa si Leandra, alam kong wala na siya.

"Please...please... kailangan kong makita ang kakambal ko. Kailangan naming umuwi." Nagmamakaawa kong pakiusap sa kanila.

"Cassandra...wala na ang kapatid mo. Hindi na pwedeng mabuhay si Leandra. Ang kaluluwa niya ay nasa kamay na ni..." sumulyap muna siya kay Kronos.

"No...no please. Kailangan kong makausap ang kakambal ko. Dalhin niyo ako sa kung sino man ang kumuha sa kanya." Pagmamakaawa ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Death's CallWhere stories live. Discover now