What would dying feel like?
What is death like?
Would death take away your pain?
How would dying feel like?
Yan lang ang umiikot sa isipan ko sa buong byahe namin papunta sa isang bar sa Eastwood. Ni hindi ko namalayan na nakarating na pala kami.
"Cas, tara na sa loob." nakababa na si Leandra sa sasakyan kaya naman agad agad akong bumaba. Pagkababa ko ay kanyang isinukbit ang kanyang braso sa braso ko at sabay kaming pumasok sa loob. Doon kami magkikita kita ng mga kaibigan namin. Or should I say barkada niya?
Puro greetings at kwentuhan lang ang nangyari dun sa bar. Hindi ako masyadong uminom dahil baka hindi makapag drive si Leandra at ako ang papalit. But thankfully, sa tingin ko naman ay hindi siya lasing ngayon.
They talked more and drank less.
Nagsipuntahan sila sa dancefloor habang ako ay naiwang nakaupo dito sa table namin. Ilang beses nila akong pinilit na pumunta sa gitna kasama nila pero mas ginusto kong umupo nalang dito at pagmasdan sila.
At yun lang ginawa ko sa oras na 'yon.
Habang pinapanuod ang mga taong nagsasaya sa loob ng bar, hindi ko maiwasang maisip kung anong mangyayari sa bawat isa sa kanila sa oras na umalis sila sa bar mamaya. Sa dinamirami ng taong nakakasalamuha mo, imposibleng sa daming 'yon ay wala ni isa ang mamamatay.
Sabi nga nila, sa daan daang taong nakakasalamuha mo araw araw, mahigit 200 roon ay wala na sa mundong 'to. Na sa bawat taong nakakasalamuha doon, maaring iisa o higit pa ang kaluluwa na lang na gumagala.
Pinagmasdan ko ulit ang mga taong nagsasayaw sa gitna.
May mamamatay kaya sa kanila?
O may patay kaya sa isa mga taong nagsasayaw sa gitna?
O lahat ba ng taong nakikita ko ngayon ay totoong buhay pa?
Bigla akong kinilabutan sa mga pinag-iisip ko.
I told you, I'm too fascinated about death.
"Cassandra!" narinig kong tinawag ako ni Leandra at kinawayan ako. Kumaway rin ako para malaman niyang narinig ko siya. Sinisenyasan ako ng isa naming kaibigan na pumunta roon sa gitna pero isang iling at ngiti lang ang isinagot ko.
Masyadong maraming bumabagabag sa isipan ko para makasayaw pa ako roon. Besides, I don't dance. I'm not good at it. Tiningnan ko ang relo ko at napansing 12:30 na pala. Medyo inaantok pa ako pero napipigilan ko pa ito dahil sa lakas ng music. Baka 1 na kami umuwi dahil halos nag-uusap nalang sila sa dancefloor.
Maya maya pa ay nakita kong papalapit na sila sa table habang nagtatawanan. At isa isa na silang nagpaalam dahil may mga importanteng lakad pa sila kinabukasan-or mamaya. Sabay sabay na kaming lumabas ng bar at pumunta sa kanya-kanyang sasakyan.
Napansin ko na mapupungay na ang mga mata ni Leandra.
"You want me to drive?" tanong ko sa kanya.
"No, no. I'm fine. Medyo nakakantok lang dahil hindi na maingay but I'm fine." sabi niya sa akin habang iniistart yung kotse. Napag-isip isip ko rin na baka mas inaantok pa ako kesa kay Leandra at mas mabuti nga kung siya na lang ang mag drive dahil nagtatawanan at puro usapan lang naman ang ginawa niya kanina at nakakawala ng antok 'yon kesa sa akin na nakaupo lang doon ng mahigit isang oras.
Nang makalabas kami sa area ng Eastwood ay nakita kong maraming nagkukumpulan sa isang parte ng kalsada at mayroong ambulansya at patrol car ng police. At nang makalapit ang aming sasakyan ay nakita ko kung gaano kawasak ang isang SUV na nabangga ng truck. Kinilabutan ako at kinabahan sa aking nakita.
Ipinikit ko ang mata ko at napadilat ng maramdaman ko ang matinding pag gewang ng aming sasakyan at pag-iwas sa isang matandang tumatawid.
Napahinga ako ng maluwag nang maiwasan namin ang matanda ngunit isang nakakabinging busina at tunog ng preno lang ang aking narinig habang binubulag ako ng matinding liwanag.
Doon ko lang napagtanto ang nangyayari...
"Cassandra! Ahhhhh!" yun ang huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay. Gusto ko sanang sumigaw nung mga oras na nag sink in sa akin kung anong nangyayari pero walang lumalabas sa bibig ko.
"Ate..."